Chapter 7: Bakit lumuluha?

32 2 0
                                    

Chapter 7

 Kung sadyang mapaglaro ang tadhana sa kahit sinuman

Ako’y  hahayon sa kamusmusang ito at ihahanda ang isip ko

Ngunit kung ako ay masaya at naniniwala sila

Bakit lumuluha? Bakit lumuluha?

Ngunit kung ako ay matatag tulad ng paniniwala

Tila nanghihina tumulo na ang luha

Sports fest na! Yesh! Masaya ko hindi dahil may Sports Fest kundi dahil walang klase. Astig kaya! Petiks lang sa buhay. Hinihintay ko pa rin yung mga kaibigan ko. Palakad lakad lang at tinitignan ang bawat booth hanggang nakita ko na sila. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Cedric

“Uy kanina ka pa nandito Amanda?”

“Hindi naman, tinitignan ko lang yung mga booth”

“Tara ikot tayo”

Nakaluwag din ng maigi. Parang walang nangyari kagabi. Di naman lang nagreact si Cedric sa ginawa ko. Nakangiti pa nga siya sakin. Kasama naming tatlo yung iba pa naming classmates. Naglakad lang kami hanggang nakita naming yung marriage booth.

Actually, hindi ko lubos maisip kung bakit may ganun na booth dun. Eh diba dapat tungkol sa sports yung mga booths. Pang valentines naman yun eh. Pero hayaan mo na nandun na eh wala na tayong magagawa. Nagtutuksuhan kaming mga magkakaklase kung sino yung magiging bride and groom. Una si Jessy tska si Kero yung pinipilit naming total mag girlfriend at boyfriend naman sila pero ayaw nila. Tapos kami naman ni Cedric yung inaalok nila.

Syempre ayoko nakakahiya kaya pinagtitignan ka ng mga tao tapos nakamicrophone pa kayo habang nagsasalita. What theeeeeeeeeeee?!?!?! Tska alam ko naman na magagalit sakin si Mikki. At sa wakas, sila na nga yung magiging bride and groom. Kinikilig yung lahat. Nagpalit na sila ng damit pangkasal habang kami kumukha na ng mga gamit para sa kasal.

Sa una okay lang naman pero yung sa part na sinabi ni Father na “You may now kiss the bride” kinikilig lahat at tili sila ng tili pero ako? Ewan ko ba. May something na pumasok sa katawang lupa ko figuratively kaya umalis muna ko at pumunta ng CR. Nasa may lababo ako habang nakatingin sa salamin.

Nagseselos ba ko? Tsk tsk. HINDI May gusto k okay Cedric? Tsk tsk. HINDI Paano na si Mikki? Tsk tsk EWAN!!!!!!!! Paano ko sasabihin na gusto ko si Cedric na inlove ako sa kanya na siya ang gusto ko? Tsk tsk isang malaking kalokohan. 

Lumabas ako ng CR at umupo sa may hagdan. Maya maya may nagparamdam na naman sakin dun. Biglang may kumalabit sakin. Eto na naman tayo dati boses lang tapos ngayon nangangalabit na. Lord naman eh. Kilabot pa more. Dahan dahan akong tumingin sa likod. Rotate . . . rotate . . . rotate

“Bakit ka nagsesenti dyan?”

“Pake mo ba it’s none of your business!” sabay taas ng kilay

“Aw nosebleed”

“So? Anong pinaglalaban natin?”

“Bakit mo ko sinulatan kagabi?”

“Kase tinulugan mo ko!”

“Epal ka talaga hirap kaya tanggalin”

“So kasalanan ko pa? Mas epal ka!”

May tumawag ng pangalan ko

“Tapos na yung kasal” sabay lapit ni Cedric

Niyaya niya ko at may pupuntahan daw kami. Pagtingin ko sa likod ko ay wala na yung kumag nay un. Hindi ko alam kung saan nagsususuot. Nililibot ko yung mata ko pero wala talaga siya kaya sumama na k okay Cedric. Pinasakay niya na ko sa kotse niya.

Iba si Cedric sa lahat ng mayayaman. Mapagkumbaba, mabait, galante at medaling makasundo hindi tulad ng iba diyan. Nagkakilala kami nung 2nd Year college sa isang supermarket. Mahabang kwento next time na lang.

Mag 6 pm na yun kaya medyo magabi gabi na. Dinala niya ko sa may Manila Bay. Lumabas kami at umupo dun sa may upuan sa gilid.

“May sasabihin sana ko sayo pero sa atin lang ha!” seryoso niyang sabi

“Huh? Tungkol saan ba?” Pagtataka kong tanong

May pakiramdam ako na ipagtatapat na ni Cedric yung feeling niya para sakin kaya naisip ko rin na ito na siguro yung oras para aminin ko na rin yung nararamdaman ko sa kanya.

“Ngayong college lang tayo nagkakilala. Ikaw pa nga yung unang bestfriend ko pwera kay Mikki. Pero Amanda . . .”

Hinawakan niya yung kamay ko. Halatang nanlalamig yung kamay niya at namamawis yung mukha niya.

“Matagal na kitang gusto at mahal na mahal kita.Alam kong masisira yung pagkakaibigan natin dahil sa pangyayaring to.Pero . . . kaya kong isuko yun para lang sa walang kasiguraduhang nararamdaman ko na to. Mahal kita Amanda! Mahal na mahal!

Putres. Naiyak ako sa sinabi niya. Unti unti ng pumapatak yung luha ko. Di ako makapaniwala na ngayon talaga siya naglakas loob para sabihin yun. Sa wakas . . .

“Bibili lang ako ng inumin. Kapag bumalik ako at wala ka na hindi na ko mangingialam sa buhay mo at puputulin ko na lahat ng koneksiyon sayo. Magiging ako si Cedric na hindi pa kita nakikilala. Pero kung nandiyan ka pa, hahayaan mo kong pakialaman yang buhay mo at mahalin ka.

Umalis na siya. Hindi ko alam gagawin ko. Ano ba ang mastama? Uunahin ko ba yung kapakanan ng iba o ng sarili ko? Lord tulong! Gustong gusto ko si Cedric! Lord naman eh.

Matagal tagal na rin akong nakaupo dun at may yumakap sa akin. Nakabalik na siya na may dala dalang mga inumin. Tumayo ako at naiiyak na niyakap siya.

“Oo Cedric mahal na mahal kita. Kapag tinutukso kayo ni Mikki nasasaktan ako. At ayoko nun. Ayaw kitang masaktan pero ayoko ring masaktan si Mikki. Mahal kita at mahal ko rin si Mikki bilang mga bestfriend ko. Nandito pa rin ako kasi ayokong sayangin yung lahat ng meron na tayo. Gusto ko yung dati pa rin. Gusto ko yung may pakialam ka sa buhay ko at mahalin ako bilang bestfriend mo. Wag mong sayangin yung oras mo sa isang taong hindi ka papahalagahan. Si Mikki palagi siyang nandiyan”

Hinalikan niya ko sa noo at niyakap ko siya ng mahigpit. Pareho kaming dalawa na iyak ng iyak lang.

#MOMOL (Move On, Move On Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon