Chapter 8
Can I just stay here spend the rest of my days here
Oh oh oh oh Yeah yeah yeah
Cause you make me feel like I’ve been locked out of heaven
For too long, for too long
Yeah you make feel like I’ve been locked out of heaven
For too long for too long
Oh yeah yeah yeah
Quiapo Church here I am againnnn! Nakaluhod at nakapikit yung mata ko. Nakasanayan ko na kasi na dito magsimba tuwing first Friday simula nung dinala ko dito ni Clark. Naaalala ko siya tuwing nandito ako at nagbabakasakali na pagtingin ko sa likod eh siya ang makita ko. Gusto kong magpasalamat kay God sa lahat ng blessings. Sa buhay at sa saya na meron ako ngayon. Pagkatapos ko magdasal ay tumingin lang ako saglit sa likod. O_O
“Bakit may napadpad na demonyo dito?”
Nagulat ako sa nakita ko. Yung tipong bilog na bilog talaga yung mata ko kasi hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Mico nandito? Bakit may napadpad na demonyo sa loob ng simbahan? Ang ganda pa naman ng ngiti niya sakin. Parang ngiting Satanas. Sarap ilunod sa nagbabagang apoy. Patawarin niyo po ako Lord kung nakakagawa po ako ng masamang bagay sa kapwa ko. Hindi ko lang po talaga mapigilan eh. Hinila ko palabas si Mico, yung dun sa may tapat ng malaking screen kung saan nakikita yung paring naghohomily.
“Makademonyo ka naman parang ikaw hindi ah!”
“Hindi talaga! Anghel ako noh! Bakit ka ba nandito?”
“Nagsisimba. Ikaw bakit ka nandito?”
“Malamang nagsisimba din”
“Sinusundan mo ko noh?” Payabang niyang sabi
“Ang kapal mo naman ikaw nga tong sunod ng sunod sakin eh”
“Oo na lang nahiya naman ako sayo. Napakafeeler mo! Kain na lang tayo libre ko!”
Pagkatapos ng away manlilibre siya? Wow rich kid always. Pati attitude may disability din. Tsk tsk
“Kain mo mukha mo! Letche! Kagagaling ko lang sa simbahan nagkakasala na ko dahil sayo!”
“Sige na! Choosy ka pa eh. Libre ko na nga!”
UmOO na ko. Tutal wala naman akong gagastusin kasi nga libre niya kaya okay na rin sakin yun. Hinila niya ko papunta sa Jollibee na malapit sa simbahan. Hinila niya yung upuan at pinaupo ako. Medyo galante rin pala to eh kahit papaano may natitira pang kaunti. Pumila na siya sa cashier. Naalala ko tuloy yung dating date naming ni Clark. Dito rin kami nagpunta. Dito rin kami nagpunta. Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin makalimutan si Clark. Ang tagal na nun ah. Ako na lang ata hindi makamove on. Kamusta na kaya siya? Buhay pa ba siya? Single or taken? Eh yung itsura nagbago kaya? Nagsesenti ako ng biglang dumating na yung epal at dala dala yung order. Pagkalapag niya nagulat ako dahil spaghetti yung nilagay niya.
“Sinasadya mo ba to?” padabog kong sabi
“Huh yung alin?”
“Hindi na ko kumakain ng spaghetti mula 7 years old ako at naiinis ako pag may nakikita akong ganyan”
“Sooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooorry po” Malakas niyang sigaw
Gayang gaya niya si Chichay sa Got To Believe kaya lahat ng tao nagtinginan samin. Natatawa ko sa kanya pero pinipigilan ko lang para hindi siya maoffend at the same time, tinatakpan ko yung mukha ko kasi nakakahiya at hindi ako sanay na nagiging center of attraction ng mga tao. Lumabas agad ako dun. Isa sa mga ayaw kong mafeel eh yung pinagtitignan ako ng mga tao. Parang PEYMUS kaya yung dating. Grabe. Bwsht na bwsht talaga ako sa kanya. Ginagawa niya ata to para ipahiya ako. Pumasok ako sa CR yung tipong nakatulala at iniisip yung nangyari kanina ng biglang may humarang na babae.
BINABASA MO ANG
#MOMOL (Move On, Move On Lang)
Teen Fiction“Hindi dahil alam mong mahal ka ng isang tao, okay lang na saktan mo siya, hindi mo lang alam na habang sinasaktan mo yung taong nagmamahal sayo may taong nananalangin na sana naging kanya na lang ang taong sinasaktan mo” – Mikki “ Ang puso ay para...