KATH'S POV
Valentine’s Day ngayon. At pag dito ka nag aaral sa school na ‘to, expect grand gestures of love — a lot of it! Big deal kasi dito yung Valentine’s. Hindi lang basta basta nag aabot ng flowers, letters, cards, sweets, or stuffed toys. May iba na kumukunchaba pa ng teachers na papasukin sila ng classroom ng class nung nililigawan nila in the middle of the subject, para lang mang harana. Kanya kanyang diskarte actually. Anything but ordinary. Big deal talaga! At mukhang big deal din ‘to para saming apat..
Napag usapan kasi namin na magbigay ng something sa mga crush namin. Tapos nag assign kami kung sino magbibigay para kanino. In my case, si Julia yung magaabot ng gift ko sa Valentine ko. And no, hindi si dreamboy. Wala eh, nagka crush ako kay Tim. Upper batch siya! Gwapo kasi. Lagi ko siyang nakikita sa may tambayan namin, yung club kasi niya, sa guidance center yung meeting place, eh katabi nga lang yun ng tambayan namin. Kaya kilig talaga! Dalawa silang upper batch na crush ko actually. Pag nasa tambayan kami, lagi ko pa sila tinitignan sa fourth floor corridors. Minsan nga nahuhuli ko pa na tumitingin sakin yung isa eh. Or ako lang yun..
"Wait lang!! Wag mo sagutin kung magtatanong man siya ha?? Sabihin mo lang na pinapabigay!!" Kinakabahan ako okay??
"Eh kung ikaw nalang kaya magbigay?!" Julia.
"Joke lang hindi na ikaw na. ‘To naman ohhh" nilambing ko si Julia habang binibigay ko yung letter and yung kitkat.
Sinamahan na ni Pai si Julia, kami naman ni Mi naiwan dito sa tambayan. “Mi” na nga lang pala tawag namin ni Pai kay Miles. “Mi” short for Mummie Bear.
"Bey, ano nga pala sinulat mo sa letter?" Mi.
"Happy Valentines lang tapos I hope you enjoy the kitKAT. Naka capitalize yung "kat" as a clue.. sana lang di siya tanga" Ako
Sabay kami tumawa ni Mi habang kumakain. Nakabalik narin sila Julia.
"Ano nangyari??" Ako
"Sabi ko pinapabigay sakanya tapos inabot ko. Tapos tinanong niya kung kanino galing. Sabi ko basahin nalang niya yung letter tas sabi nalang niya "ah sige, pasabi nalang thanks!" Julia
Ehh di kinilig na ‘ko!! Inabot na ni Mi yung Valentine ni Julia para kay Katsumi, yung ka batch namin na hapon. Tapos inabot ko na yung Valentine ni Pai para kay Macky na lower batch naman. Si Mi? Secret. Malungkot eh.
Buti na nga lang at ‘di tanga si Tim. Eventually nagkakilala narin kami, tapos magkatext narin. ‘Di niya alam na crush ko siya. Ang alam lang niya trip trip lang yung sa Valentines. Kanina pa kami magkatext nito.
Tim: Alam mo Kath? Kanina pa ‘ko napapag isip dito :-)
Kath: Ano iniisip mo? Ako? Yieee!!
Tim: Pano mo alam :-|
Kath: Ha? Nagjjoke lang ako |:
Tim: HAHAHAHA! Kath, I really like you :)
HABA NG HAAAAIR!! Pero medyo nalungkot agad. Sabi niya kasi mag S-Singapore sila ng family niya for 3 days. Kaya ayun. Medyo mabilis rin kasi di ko namalayan Monday na pala. Andito na si Tim!! Dismissal na kaya nag lakad lakad kami as usual.
"Ay wait lang!" Tumigil si Tim sa gitna ng parking lot tapos may kinuha sa bag niya. Inabot niya sakin yung isang box ng Ferrero tapos nginitian niya ko.
Pagkuha ko nung Ferrero, amoy na amoy ko yung pabango niya. Medyo na stun ako hahaha!
"I love you" napatingin ako sakanya tapos nakangiti lang siya sakin.
Ba't ang bilis?? Pero ba't gusto ko rin sabihin?? Ano 'tong nararamdaman ko??
"Kath?? Okay ka lang??" nawala na 'ko sa pagkatulala.
"Ah.. Oo! Oo naman!! Bakit??" Ako.
"Sure ka?? Nag n-nosebleed ka oh!!" inabutan ako ni Tim ng panyo niya.
Nag "I love you" siya. Tapos ikaw nag nosebleed? Yung totoo Kath?! YUNG TOTOO?! TAKE ME LORD!!
BINABASA MO ANG
The One That Saves Me
FanfictionHanggang saan dapat lumaban kapag nag mamahal? Pwede bang ipag laban ang mali? Kathryn Bernardo is the type of person to play risky games without committing herself. Pa laro-laro lang, hindi na f-fall, kaya hindi natatalo. But what if she realizes s...