Third Year Highschool - Year 2007
KATH'S POV
Hay nako! Stirero naman yung asungot na yun eh! Nagkatitigan lang kami kanina. AAAGHHH.
*flashback*
Dreamboy: dreamgirl! :)
Wow! Kabubukas lang ng Y!M, eto na agad bubungad sakin?? Hay thank You Lord!!
Kath: Uy! Long time ah? (:
Dreamboy: oo nga eh :)))) sorry ah? busy kasi sa school :(
Kath: Ba't ka nag ssorry?? Okay lang 'no. Haha.
Ba't nga pala bigla ka nagparamdam? (:
Dreamboy: baka kasi nag tatampo dreamgirl ko eh :> :)))
Kath: Wow! Importante ka?? Hahahaha!
Dreamboy: tatanong ko lang kasi kung pupunta ka sa Christmas party bukas..
Kath: Ng school? Oo. Why?
Dreamboy: bibisita kasi kami ni Seth. pero di nalang ako magpapakita sayo.. di naman pala ako importante. hay :( :((((
Kath: Uy!! Bilis naman magtampo nito!! Joke lang eh. :(
Dreamboy: alam ko :> alam ko namang gusto mo na talaga ako makita eh :>
Kath: Ang kapal talaga!!! :))))
Dreamboy: sige na dreamgirl, sign out na ko
gusto ko lang yun sabihin sayo :)
hug kita bukas ha?
bye! :)
Bago pa 'ko makapagreply, nakapag sign out na siya. This boyyyyy!!
*end of flashback*
Pero kahit nag titigan lang kami kanina sa Christmas party, natunaw parin ako dun!!
"Laki ng ngiti ahh?" Yaku.
Hindi ko naman ma-defend sarili ko dahil kinikiliti ako ni Yaku. Halos 'di na 'ko makahinga pero buti nakatakas ako.
"Ikaw ha?! Ma mi-miss mo 'ko no?!" iritable kong sinabi habang pinipisil si Yaku sa tagiliran.
"Wooooh! Ikaw makaka miss sakin eh!!" Yaku.
Totoo nga, mamimiss ko 'to. Aalis na kasi si Yaku papuntang Guam sa 2008. Magiipon na kasi siya para sa proposal, wedding, and future niya with Ate Shannen Chrissie Tan. Ate Chrissie tawag ko sakanya. 6 years old palang ako, sila na. 9 years na sila ngayon, without breaking up. Kaya nga pag 'di pa sila sa altar humantong, ewan ko nalang talaga.
"Tama na nga yan, kain na tayo! Nagluto si dad ng binagoongan oh." Mama
Sarap ng dinner! Sarap kasi talaga mag luto ni dad. Ahhh! Sarap ng tulog ko nito. Grabe. Masaya nga talaga high school. Nagkahiwa hiwalay kaming apat. Magbestfriends parin kami! Sa section lang nagkahiwalay. Hahaha. Naka categorize na kasi according to career tracks yung sections pagdating ng 3rd and 4th year. Si Julia napunta sa MedSci section 31, obviously para sa mga may balak mag medicine or anything related. Si Mi and si Pai pala magkaklase sa 37. Arts&Letters sila, mga inclined sa arts malamang. At ako? Section 36. Sa Entrep. At wala akong kahilig hilig sa business and entrepreneurship. Si Pai nga pala, dedicated man hater na ngayon. Umpisa palang kasi, galit na galit na siya sa dad niya. Dagdag pa yung hindi siya pinayagan na maging sila ni Ryan nung second year. Kaya ayan, konting lapit lang ni Khalil, galit na siya agad. Si Julia naman, hindi na gaano pinapayagan ngayon sa overnights namin. May issues narin kasi siya ngayon with her parents. Sobrang protective kasi nila.
Kami ni Mi? Steady lang! Nag pa pierce nga kami ng ears nung isang beses eh. Wala lang! Si Neil nga pala may girlfriend na, kaklase ko nga eh. Si Yen, na ngayon kabarkada narin namin. Sobrang laki na ng barkada ngayon! 40+ guys tapos more or less 10 kaming girls. Pati nga pala si Zharm and Erika kabarkada na namin. Si Erika at si Marco kasi, nagkatuluyan na. Eh si Zharm naman, bestfriend na ni Erika, kaya kabarkada na namin sila.
Grabe. In 2 weeks, Christmas na. Tapos new year. Tapos Valentine's. Tapos JS prom!! So excited. Hayy!
*bzzzt*
Patulog na 'ko tapos biglang may nag text. Ba yan! Unknown number pa?
"Bernardo! Advanced Merry Christmas. Wala lang. Gusto ko lang ako una. :]"
Iisa lang kilala kong nag ssmiley ng ganito.
K: Quen? Haha ang aga ha! Pero teka? Kanino mo nakuha number ko?
Q: Yup! Basta. Hahaha :] Tulog ka na Bernardo. Good night :]
Si Quen nga pala. Upper batch yan, at oo kilala niya rin sila MN at Tim. Nagkakilala kami nito sa Chorale na pare pareho namin sinalihan ni Mi, Julia, Pai, RJ, Khalil, at Neil. Oo, pareparehong maganda boses namin. Sorry. HAHAHA. 'Di ko alam kung bakit, pero ang gaan talaga ng loob ko dito kay Quen.
BINABASA MO ANG
The One That Saves Me
FanfictionHanggang saan dapat lumaban kapag nag mamahal? Pwede bang ipag laban ang mali? Kathryn Bernardo is the type of person to play risky games without committing herself. Pa laro-laro lang, hindi na f-fall, kaya hindi natatalo. But what if she realizes s...