TEN

204 16 8
                                    

Third Year Highschool - Year 2008

KATH'S POV

"Ewan ko sayo!! Sana sumakit paa mo bukas sa prom!!" Mi

"Hanggang ngayon parin baaa? HUHUHU. Uyy, sorry na nga kasi!! HUHUHU. Nag panic nga kasi ako ehhh!" pinipilit lambingin ni Julia si Mi ngayon habang kami ni Pai tinatawanan lang sila. Pano ba naman kasi, pumalpak nung Valentine's 'tong si Julia.

*flashback*

"Okay okay. Eto na!" Julia

Naglalakad na siya sabay "Teka lang teka lang teka lang!! Tsong ang dami naman kasi nila duuun!! Huhuhu" Julia

"Dali na kase!! Bibigay mo lang yung letter tapos ppicture-an mo siya hawak yung letter eh!!" Mi

Kasalukuyang nagbabangayan yung dalawa tungkol sa pagbigay ng Valentine ni mi sa crush niya na kabatch nila MN, Tim at Quen. Crush na crush kasi ni Mi si Ram. Tuwing long test nga or quarter exam, kukunin agad niyan yung schedule para makita kung kasama ng section nila yung section ni Ram. Ganun kasi sa school namin pag may exams, yung kalahati ng class mo, ipapag pair sa kalahati ng isang section either galing sa upper batch or sa lower batch.

"Sige na!! Eto na!! HUHU" nagsimula na maglakad si Julia. Medyo malapit lang kami ngayon sa tambayan nila Ram kaya nakikita namin yung nangyayari. Mukhang okay naman ang lahat at pabalik na ngayon si Julia.

"So ano?? Nakuha mo nga picture niya?" tapos tumawa si Pai

"Ewan ko huhuhu tignan niyo nalang!" inabot naman ni Julia yung phone ni Mi na ginamit niya pang picture. Kinuha ni Mi, tapos kaming dalawa ni Pai, tinignan narin. Natahimik kaming tatlo. Tapos biglang

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA" tawang tawa kami ni Pai tapos si Mi naman galit na galit

"BAKIT GANITO NAMAN KUHA MO?! IISA NA NGA LANG MAKUKUHA KONG PICTURE NI RAM SA PHONE KO TAS GANITO PA NA MUKHA SIYANG.." Mi

"MONGGOLOID?" Ako

"RETARDED?" Pai

Tapos nagtawanan lang kami habang galit na galit si Mi kay Julia

*end of flashback*

"Hahahahaha Mi naman nakaka 2 weeks na HAHAHAHA" di parin mapigilan ni Pai tawa niya at nag agree naman ako

"Oo nga naman! Tsaka malay mo baka bukas mapicture-an mo siya ng mas maayos!" Ako

"Oo ngaaaa HUHUHU" Julia

"Wag ka makisali!! Kasalanan mo 'to eh!!" Mi

Nagtawanan ulit kami tapos eventually umuwi na. Bukas prom na. Excited na talaga ako!

*bzzzt*

Q: Bernardo. Sayaw tayo bukas ha? :]

K: Hahaha. Sige Quen, kung mahanap mo ko! (:

Q: Mahahanap kita. If it's meant to be, it will be. :] Good night, Bernardo.

Obvious naman na gusto ako ni Quen. Isa nga siya sa mga nag bigay sakin ng gifts nung valentine's eh. Pero sakanya pinaka unique. Box na may lamang cupnoodles, reese's peanutbutter cups, 20 pesos at letter. Simple lang nakalagay sa letter, nag ccrave daw kasi ako for noodles nung isang araw. Tapos yung 20 pesos, dahil yun sa bet namin. Sabi ko kasi walang magbibigay sakin sa Valentines. Sabi naman niya meron. Yung deal is, ang manalo, magbabayad ng 20. Eh pinanalo niya sarili niya. Haha ewan ko ba. Itutulog ko nalang 'to!

-JS PROM-

Papunta na 'ko ng school, hatid ako ni Mama. Naka brown long gown ako na mukhang Greek dress. Theme kasi ng prom this year, Gods and Godesses.

"Naks! Ganda talaga ng anak ko! Manang mana sa nanay!" Mama

"Nako kay Dada ako mana no!" Binatukan ako ni Mama

*bzzzt*

S: Sweetie, sana talaga diyan parin ako nag aaral ngayon para maka sayaw kita :(

K: Oo nga, Nie eh. ):

S: Oh pero enjoy ka sa prom ha? I love you sweetie! :)

K: Aww thankyou Nie! I love you too. Ingat ka today. (:

Trip ko nga pala si Seth lately. Ang gwapo na kasi niya! Nakita ko sa Friendster. Kaya yun naging close na kami, hanggang sa Sweetie at Nie na tawagan namin. Tapos nag i-i love you na kami sa isa't isa. 'Di naman seryoso.. ata. Pero gusto ko siya. AHH EWAN!

"Bye anak! Have fun!" Mama

"Thankyou mama! Ingat!" nag beso na 'ko kay mama at pumasok ng school.

Nag rregister lang ako dito sa booth, tapos nakita ako nung adviser namin, si Miss Mar.

"Kath!! You look so beautiful today!" hinug ako ni Miss Mar. Sweet kasi talaga siya. Kaya nag hug rin naman ako

"Aww thankyou Miss Mar! You look stunning yourself!" Ako

Nagkatuwaan na kami tapos finally nagsi datingan narin sila Mi. Ang gaganda talaga ng bestfriends ko! Nag picture picture kami since may dala akong digicam. Tapos maya maya tinawag ako ni Miss Mar na kasama ngayon si Sir Bads at si Zharm.

"Uy Zharm! Ganda natin ngayon ah?" magkabarkada na nga kami diba? Tapos close din kami nito sa classroom no. Wag iisue!

"Nako, tignan mo nga ikaw no! Mas maganda ka" tapos bineso ako ni Zharm

"You're right Miss Mar. Kathryn also looks beautiful today!" Sir Bads

"I told you!" Miss Mar

"Miss, Sir, thankyou talaga ha? Pero ano po ba meron?" natawa sila sa tanong ko. Ano ba nakakatawa? .. Uhhhh

"Nothing nothing! Go proceed to the assembly area now!" Sir Bads

Nagkatinginan nalang kami ni Zharm at natawa. Sabay na kami pumunta sa assembly area. Kasama ko na partner ko na 4th year. Pangalan niya Ello. Sobrang tangkad! Mabait naman siya kasi kinakausap niya ko nung dinner. After ng dinner, pinapunta na sa stage yung mga candidates for prom princess/prince & prom queen/king. Isa isang tinawag yung names, tapos kasali sa tinawag si Zharm. Kaya naman pala tinawag kami nila Miss Mar kanina! Kami pala pinapagpilian. Tuloy tuloy na yung program. Nag announce narin kung sino mga nanalo tapos nag first dance na yung couple of the night. Inalok naman ako ni Ello sumayaw kaya ba't naman ako tatanggi diba?

Sobrang dami ko ng nakasayaw! Sila Joshua, Neil, MN, Jimmy, Khalil, RJ, may mga teachers pa! Pero isa lang gusto ko makasayaw talaga nun. As in last dance. ..si Tim. Nakasayaw ko nga siya, pero fast naman yung music! Kung san san kami nag tatatakbo ngayon ni Mi. Hinahanap ko kasi kung san ulit napunta si Tim. Tapos for some reason, nag clear yung crowd ng konti. Tapos nakita ko si Quen.

Lumapit siya sakin. Sobrang lapit para marinig ko yung sasabihin niya

"Kath, pwede na ba kitang isayaw?" nginitian niya 'ko tapos kinuha yung kamay ko. My arms were around his neck and his hands were on my waist.

And rain falls angry on the tin roof as we lie awake in my bed

"Nahanap mo nga ako. Haha galing ah?" I said. Loud enough for him to hear, soft enough for only the two of us to share.

You're my survival, you're my living proof; my love is alive and not dead.

"I told you, if it's meant to be, it will be"

Hindi na 'ko nag salita nun. Hinayaan ko nalang na matapos namin sayawin yung kanta. Hindi man si Quen yung last dance ko nun, okay lang. Because I feel that what we shared tonight was special.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon