TWENTYONE

179 14 8
                                    

Fourth Year High School - Year 2008

KATH'S POV

Pababa na kami ngayon galing college building kasi dun yung orientation. Section 45 ako, wala masyadong ka close. Although ka klase ko si Bri! Yung candy cutie nga na kabarkada namin. And si Erika. Speaking of Erika..

"Oh! Ano nangyari?" nakarating na 'ko sa tambayan ng barkada kung san kino-comfort ngayon ni Erika si Zharm. Umiiyak kasi. Tumayo si Erika sa kinauupuan nila at hinarap ako

"Bakit di mo tanungin sarili mo?" tinaasan pa ko ng kilay nito

"Hmm. Bakit kaya kita tinanong? Siguro dahil di ko alam diba?" sarcastic kong sinagot sakanya at tinaasan ko din ng kilay.

"Huh. Di alam? Di mo alam na hinalikan ka ni DJ, NA BOYFRIEND NI ZHARM?" natatawang sinabi sakin ni Erika

*flashback CHAPTER FIFTEEN*

"OO NGAAA!! Pero.. SHEEEET. Bey!!! KINISS KA NI DJ!!" Mi

"Sheeeet. First kiss ko!! Tapos galing pa sa boyfriend ng kabarkada ko.." Ako

*end of flashback*

Shit. Pano nila nalaman. Shit shit shit.

"Huh? Anong hinalikan??" sige Kath, i-deny mo lang.

"Wag ka ng mag maang maangan pwede?! Sinabi na samin ni Marco!!" Erika

Napansin ko, lahat ng batchmates namin nanonood na samin. Ang layo nila. Kaming tatlo nalang nandito sa napakalaki naming tambayan na madalas puno.

"Alam mo naman na pala, bat kailangan i-confirm niyo pa sakin? Haha. Besides isang beses lang yun." nagtataas na nga ako ng pride kahit alam kong mali ako, nagsisinungaling pa ko.

"Sinabi ko na sainyo diba?! Itigil niyo na kung ano man meron sainyo ni DJ. Sa lahat ng ayaw ko, yun yung ginagago mga kaibigan ko eh!" Erika

*flashback CHAPTER NINETEEN*

erika_o8: Kath sabihin mo nga sakin totoo, ano meron sainyo ni DJ?

kathryn_bernardo: Wala. Meron ba dapat?

erika_o8: Wala? Eh bakit profile picture niya kayo? May tawagan pa? DG? DB? Ano yun?

Ang daming tanong nakakairita

kathryn_bernardo: Hindi ba yun pwede? Haha. Ba't di kaya si DJ tanungin mo?

erika_o8: Sinasabi ko sayo Kath, ayokong niloloko ako. Pag ako may nakita pa, ako na makakaharap mo. Pasalamat ka mabait bestfriend ko.

kathryn_bernardo: Haha ok.

*end of flashback*

"Alam mo, ang ingay mo. Ikaw ba girlfriend ni DJ? Kung may dapat kumakausap sakin, si Zharm yun." nag iinit na ulo ko dito.

"Erika, tama na.. Hayaan mo nalang kaming mag usap ni Kath pag okay na ko.." Zharm

Nag walk out sila tapos saka na ko nilapitan nila Pai at Julia. Wala si Mi kasi nasa province siya

"Okay ka lang?? Sorry! Di ko kasi alam gagawin ko huhuhu!!" nagpapanic na si Julia.

"Di ko alam kung kailan ako sisingit eh!! Sorry!!" Pai

"Okay lang. Di ako takot kay Erika. Ano ba siya? Haha." Ako

Maya maya pina akyat na kami sa rooms namin. Kung ano anong paririnig ginawa ni Erika. Hinayaan ko nalang. All talk lang siya eh. Nung na tapos na lahat, bumaba na ko sa tambayan.

"Kath, okay ka lang?" Mark

"Oo naman, ba't naman hindi?" Ako

"Gusto mo samahan mo muna ako pauwi bago tayo pumunta ng Town para manood ng Kung Fu Panda?" Mark

"Hahaha sige sige samahan kita" Ako

Sumama na 'ko kay Mark para makapag isip isip narin bago pa magkasama sama ulit yung barkada. May usapan kasi kami na manonood kaming lahat ng Kung Fu Panda. Tinext ko narin si DJ para malaman niya nangyayari. Bigla naman nag ring phone ko.

"HELLO KATH? OKAY KA LANG BA??? Shit. Sorry sorry sorry. Sorry pinasok pa kita sa ganitong set up! Shit. Nasan ka?? Pupuntahan kita ngayon." DJ

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon