SIX

247 18 8
                                    

Second Year High School - Year 2006
KATH'S POV

Bakit parang ang bilis ng pagiging freshies namin?? Pati nga 'tong second year eh. Ngayon ko lang namalayan na malapit na kami sa kalagitnaan ng school year. Sobrang saya kasi ang solid ng section namin. Magkaklase ulit kami ni Pai. Section 24 kasi dapat siya, eh nagpalipat siya sa 21 para magkasama kami. Wala eh, clingy. Haha. Kung dati, dalawa kami ni Pai na solid, ngayon apat na kami. Ako, si Pai, si Miles Reyes at si Julia Camina. Hindi sanay lahat ng tao pag kulang kami, apat dapat. Lalo nga palang lumaki barkada namin. Di ko ba alam kung san nagsusulputan mga 'to! Buti nalang samin na yung buong tambayan ngayon, wala na kaming ka-share na seniors.

"Hi Pai!" nope, not Khalil but Ryan.

Ngumiti si Pai "Hi Ryan" mukhang may karibal na si Khalil ah? 'Tong si Ryan, kabarkada din namin and kaklase namin kaya mukhang medyo nagiging close na sila ni Pai. 

Nung umalis na si Ryan, sabay sabay kaming tinignan si Pai tas nginitian siya.

"Uyyyyyy ano yuuuun?" Miles

"Ehhh mamabear naman eh!!" tapos nagbblush na si Pai. Mamabear nga pala tawag namin ni Pai kay Miles. Halos magkapatid na kasi kami ni Pai. Di naman pwedeng magkapatid tas walang nanay diba?

*flashback*

Inaayos ni Miles yung buhok ko ngayon. Napaka motherly talaga nito. Naalala ko tuloy yung Koreanovela na napanood ko kahapon. May kinakanta yung bata tungkol sa mamabear papabear at babybear.

"Mamabear na tawag ko sayo simula ngayon!! Kami ni Pai!! Napaka motherly mo kasi" Ako

"Ha?? Haha! Eh ano naman tawag ko sainyo??" Miles

"Babybear!" Ako

"Pareho kayo ni Pai na Babybear?? Eh nakaka confuse naman yun pag tatawagin ko kayo!" Miles

"Oo nga no.... Eh di Bebey bear nalang ako! Tas siya Bebe bear" Ako

"Hahaha sige!" Miles

*end of flashback*

"Haba ng haaair!" Julia

"Nag hi lang, mahaba na yung hair?? Si Kath nga lahat na ata ng craving binigay na ni Marco eh. Tapos "FRIENDS" lang daaaw?" pang asar ni Pai.

"Grabe?! Grabe...." okay wala na 'kong masabi! Kasi naman di ko alam kung ano talaga kami ni Marco. Sweet kami sa texts. Sa classroom, nagkukulitan. Sa tambayan, ganun din. Oo, kaklase at kabarkada din namin si Marco. Ahh ewan!!

*RIIIIIING*

Ano, pati lunch mabilis lang?! Tss. Umakyat na kami ng stairs para pumunta sa classroom. Nauna na yung tatlo kasi nag fountain pa 'ko. Nakasabay ko maglakad sa hallway si Ryan nagkkwentuhan kami tapos natigilan kami sa nag aaway sa may lockers. Si Marco at si Erika

"Erika ano ba kasi problema ha?!" naiirita na si Marco kasi mukhang 'di lang 'to pinapansin ni Erika

"Tss bahala ka" nag walk out na si Marco at pumasok sa classroom. Umirap lang si Erika tapos pumunta narin ng classroom niya.

"Ano meron sa dalawang yun?" Ako. Nagsimula na ulit kami maglakad ni Ryan papuntang classroom

"LQ nanaman siguro haha!" Ryan

"Huh? "LQ"? "nanaman"?" Ako

"Oo, madalas mag LQ yung dalawang yan eh. On and off sila lagi." Ryan

"Ahhhhhhhh" hindi ko alam kung mawawalan ako ng gana o matutuwa.

Tumambay na kaming apat sa parking lot after uwian tapos kinwento ko na yung mga nangyari

"Alam niyo yung pinaka malala dun?" Ako.

"Ano?" Miles. Julia. Pai

"Bestfriend ko si Erika nung grade 5 hahaha!" Ako

Hahaha. Yup, I got back in the game. Naging sweet parin kami ni Marco sa isa't isa kahit alam ko nang may Erika siya. Naging part pa nga ng barkada si Erika eh! Haha. But the game didn't last for long. It got boring. Si Jems kasi na isa naming ka close sa section namin, may gusto rin kay Marco. Nagparaya nalang ako. To add to that, may bago kasing nagpakilig sakin.

*flashback*

Kumuha lang ako ng makakain, ang dami na agad napagusapan sa confe sa Y!M ?! Ba't may bagong window?

Asungot: kath! kamusta? :)

Aba? Nagparamdam! Lumipat kasi 'to ng school eh. 'Di na ko dapat mag rereply pero naalala ko peace na pala kami nito simula nung retreat.

Kath: Okay lang naman! Ikaw?

Asungot: eto, miss ka na.. :)

Kath: HAHAHA SIRA!!

Asungot: kinilig ka no?? :> :))))

Kath: Ewan ko sayo :))

Kung ano ano pa pinapagusapan namin tapos biglang

Asungot: deh pero seryoso na kath, alam mo ba, dream girl kita? :)

Kath: hahaha tigilan mo nga ako!

Asungot: seryoso nga kasi kath. ako ba? dream boy mo? 

AHHHHHH BAKIT GANITO PAKIRAMDAM KO?? 

Kath: tss. sige na nga

Asungot: YUUUN!! sabi na dreamboy mo 'ko eh!! :>

                 tagal ko naman hinintay yun!

                 sorry aalis na 'ko kaagad ha? kanina ko pa kailangan umalis, hinintay lang kita :)

                 bye bye for now dreamgirl! talk to you later okay? :)

*end of flashback*

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon