FORTYFIVE

61 4 5
                                    

KATH’S POV

"Kath unahan mo na kasi.." Maria

Si Maria, siya yung isa sa mga una kong naging friend sa college. Baby ng group.

"Oo nga! We all know where this is going anyway.." Kit

Si Kit, batchmates kami nung highschool, pero this college lang naging super close. Yung feeling na “where have you been all my life?!” Ganun.

"Punyeta Kath akala ko ba ikaw yung may pinaka mataas na pride?? Wag mong sabihing di mo papairalin yun ngayon?!" Nads

Si Nads, kapantayan ko sa pagiging strong. Mataray at pala-mura.

"Guys, hayaan niyo namang magsalita si Kath! Hindi naman kayo yung kakausapin ni Quen, no." Alessandra

Si Alessandra, medyo slow sa mga joke. Pero palaban din yan.

Sila kabarkada ko sa college. We all have 3 things in common, maganda kami lahat. (Pasensya na), laitera kami (past time namin yan), pero kahit ganun, matatalino kami (deans listers eh, sorry)

They’re my support system. Nandiyan para murahin ako, para makipaglaban para sakin kahit alam nilang kaya ko, nandiyan para mag review ng sabay sabay, lahat na.

At ngayon, nandito para sa kung ano man ang mangyayari samin ni Quen ngayon.

Nakatingin ako sa kanilang lahat na naka palibot sakin at nakatayo. Napatawa ako at tumayo narin.

"Guys, hayaan niyo na. Kaya ko to." Ako

"Sigurado ka bang hindi mo uunahan?" Maria

"Bakit ko uunahan? Mahal ko siya, siguro siya may dahilan para hiwalayan ako. Pero ako? Wala eh. Wala akong reason para hiwalayan siya. Kaya ba’t ko uunahan, diba?" naka ngiti kong sagot sakanila.

Napatahimik silang lahat at hindi maka imik

"Tangina! Sige na! Puntahan mo na nga siya. Basta dito mo nalang kami puntahan." nasasaktan yung pride ni Nads para sakin

"Text mo kami ha." Alessandra

"Oks!" Ako

Nagsimula na kong maglakad papunta sa pagkikitaan namin ni Quen.

"Kath! San punta mo?" si Tracy pala, ka block ko

"Kikitain yung boyfriend ko na makikipagbreak na sakin!" sabi ko habang tuloy tuloy parin ang lakad

"Ha?! Kath okay ka lang ba?!" sigaw niya sa hallway

"Yup!" nilingon ko siya saglit at nag thumbs up.

Tuloy tuloy na ko maglakad hanggang sa nandun na ko sa meeting place. Hindi siya private area, as in katapat lang ng kalsada.

Wala parin si Quen. Kinuha ko yung phone ko at binasa ulit yung text niya sakin kagabi.

Quen: Mag usap na tayo bukas, lunch time. Kita nalang tayo sa CGI tower.

Hay Quen, kahit proper breakup ba di mo mabigay? Ano ba nagawa ko sayo?

"Kath"

Napalingon ako at nakita si Quen

"Upo muna tayo." Quen

Umupo naman kami sa steps. Nakatingin lang ako sa mga dumadaang kotse sa kalsada. Habang siya, nakaharap at nakatingin na sakin.

"Alam mo naman na siguro kung ano mangyayari satin diba?" ang cold ng pagkaka sabi niya.

"Yup." hindi parin ako tumitingin sakanya

"Eto, nandito lahat sa letter na ginawa ko" sabay abot sakin ni Quen ng letter. Tatayo na dapat siya pero pinili ko ng sagarin yung sakit na nararamdaman ko

"Quen, may tanong lang ako" nakatingin parin ako sa kalsada

"Hay, ano yun" he obviously doesn’t want anything to do with me anymore

"Ano kulang sakin?" this time, tumingin na ko sakanya. Gusto kong malaman. Kailangan kong malaman.

"Kath.. It’s not you, it’s me." Quen

Bullshit.

"I told you, lahat nandiyan na sa letter. Basahin mo nalang pag alis ko. Sige, Kath. Mauuna na ko" at tuluyan ng umalis si Quen.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon