KATH’S POV
"Shit Pai! Diba sabi natin, sasabihin natin sa isa’t isa pag may important text?!" Ako
"Oo nga.." Pai
"Eh bakit di mo sakin sinabi ‘to?! "We need to talk"?! Pai importante yun!! Lalo na’t galing pa kay Quen!! SHIT!!" Ako
"Sorry.. I thought it could wait.." Pai
"Uy! Hi Kath.. Bago na pala hair mo?"
Napalingon ako sa nagsabi nun, si Angela pala. Kabarkada ni Quen.
"Angela! Yup! Haha. Si Quen nga pala?" Ako
"Uhmm.. Nasa GP na.. Di pa kayo nagkikita..?" Angela
Ang sama na talaga ng kutob ko..
"Hindi pa eh.. Sige, sunod nalang ako.." Ako
"Kath.." Pai
"Uminom na tayo." Ako
Tuloy tuloy kami papasok ng GP at umorder ng 1 bottle each. Hindi dahil mahina kaming uminom. Pero dahil—
"Pai! Kath! Dito pala kayo? Dun na kayo sa table namin!" Jops
Yup. Maliit lang ang Taft. Kahit anong inuman dito, may kakilala ka. Di mo na kailangan gumastos dahil maraming willing to share.
Nakaka ilang bottles at pitchers of mixed drinks na kami ni Pai pero okay parin kami.
"Kath.. si.." Pai
Bago pa matapos ni Pai yung sasabihin niya, naka lapit na siya sa table namin.
"Kath.."
"Quen.." Ako
"Kailangan natin magusap. But not now. Tama na inom, umuwi na kayo ni Pai" Quen
Bago pa ko makapagsalita, umalis na siya.
".. Shot, Kath." sabay abot sakin ni Jops ng shot glass.
I drank it straight. And took another one. And another one. Then I lost track.
"Kath, Pai, uwi na tayo. 12 na.." Jops
"Hindeeeee, kaya ko paaaahhhh" obviously lasing na si Pai
"Tara na." Ako
"Sabay na tayo." pati si Jops nakikita kong may tama na. Nakakunot na kasi yung noo. Fighting to keep his eyes open.
Naglakad na kami hanggang sa sakayan ni Pai.
"Kaya mo ba?" Ako
"Oo. Ako pahhhh?!" sabay yakap sakin ni Pai "Sorry Kath ha? I love you" umiiyak na ngayon si Pai at napatawa nalang ako habang inaalalayan siyang maka sakay sa jeep.
Naglakad naman kami ni Jops papuntang sakayan namin. Nang maka sakay na kami ng jeep, hindi ko na nakayanan. Hiniga ko na yung ulo ko sa lap ko.
"Kath, wag ka gumanyan. Lalo ka tatamaan." Jops
Umayos ako ng upo at humarap sakanya.
"Natamaan na nga eh. Dito" sabay turo ko sa left chest ko. Sa heart.
"Jops di ko na kaya.. Ang sakit sakit na" hiniga ko na yung ulo ko sa lap niya. Totoo naman, di ko na kaya. Ang sakit na kasi ng likod ko! Ganun kasi pag napaparami ako ng inom, sumasakit likod ko.
Tuluyan na kong napaiyak sa sakit. Halong sakit ng physical at emotional. Wala na kong paki sa mga kasama namin sa jeep. Basta. Masakit.
Di ko namalayang nakatulog na ko. Nagising nalang ako nung bababa na kami. Isang jeep pa hanggang village ko.
"Jops hatid mo na ko please.." Ako
"Hindi na pwede Kath.. Kaya mo na yan." Tumingin si Jops sa katapat kong lalaki sa jeep. "Kuya, paki para nalang sa Summitvalley please." Jops
Nakatulog na ko ulit. Buti nalang sakto pag gising ko. Bumaba na ko sa jeep at sumakay sa tricycle sa village namin.
Alam na alam kong amoy alcohol pa ko at may konti pa kong tama.
"San po tayo?" Manong tricycle driver
"Kuya mukha ba kong may tama?" Ako
"Wala naman po ma’am." Manong
"Eh kasi baka maamoy ako ng nanay ko.." di ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napaiyak ulit.
Pinatay ni manong yung motor niya at humiga sa back ride.
"Mukhang mahabang usapan to" Manong
"Kuya kasi tangina ng boyfriend ko eh *hagulgol* parang wala ng pakialam?! Ang cold na niya!! *hagulgol*" Ako
"Eh bakit naman ganun?" Manong
"Ewan ko ba! Mahal na mahal ko yun putangina lang!!" Ako
Naka 15 minutes din akong nag rant kay manong.
"Oh, okay ka na ba? Alam mo dapat sayo kape, para mahimasmasan ka. Gusto mo daan ka muna samin? Sabihin ko sa misis ko pagtimpla ka?" Manong
"Hindi na po.. *sniff* salamat.. Tara na po.." Ako
Pagdating ko ng bahay, pumasok na kong gate. Bago ko pa buksan yung pintuan, inayos ko sarili ko.
Shit gising pa si Mama!
"Hi Ma" Ako
"Oh? Diyan ka na pala?" Mama
"..Mm-mm!" tipid na tipid sagot ko kasi baka mamaya maamoy pa ko ni Mama!
"Ma ligo lang ako ha!" Ako
"Okay! Kain ka nalang after" Mama
Dali dali akong pumunta ng banyo. Turned on the shower at ayun. Namatay ako sa bathroom floor.
Di na ko makagalaw kasi napagod ako. Tuloy tuloy lang buhos sakin ng shower habang ako nakaupo sa floor.
Hay.. Ano na ba nangyayari satin Quen..
BINABASA MO ANG
The One That Saves Me
FanfictionHanggang saan dapat lumaban kapag nag mamahal? Pwede bang ipag laban ang mali? Kathryn Bernardo is the type of person to play risky games without committing herself. Pa laro-laro lang, hindi na f-fall, kaya hindi natatalo. But what if she realizes s...