KHALIL'S POV
"UY KAATHH. PANSININ MO NAMAN AKO PLEASE!! Ano ba kasi ginawa ko??" nagmamakaawa ako ngayon kay Kath. Di ko naman kasi alam ginawa ko!! BIGLA NALANG AKONG DI PINAPANSIN AKSJFHAASFHI!!
"Aba nag walk out pa?! SLKDFHOAIDH KAAAAATH" nagmumukha na 'kong tanga dito sa harap nila Seth. Pakshet Kath.
"HAHAHAHAHA ano ba ginawa mo dun??" tawa ng tawa si Seth. Siya kaya di pansinin ng crush niya??
"Ewan ko ba! Ewan ko sainyo! EWAN!!" umalis muna 'ko para magpahangin. Para narin mapag isip. Naguguluhan ako, ano ba kasi nagawa ko kay Kath?
KATH'S POV
Umamin sakin si Khalil na may gusto siya sakin. Simula nun hindi ko na siya pinansin. Hindi ako galit sakanya dahil ang kulit kulit niya. Na awkward lang ako. HAHAHA baduy! Hindi ko alam. Siya kasi yung unang nagkagusto sakin at nagsabi sakin na gusto niya ko. Di ko alam gagawin ko, kaya di ko tuloy pinapansin!
Okay naman ang grade 6. Masarap sa pakiramdam kasi hari at reyna kami ng grade school. Si Tin may boyfriend na, pangalan Peter. Siya palang may boyfriend saming barkada. Ako naman may bago ng crush, kaklase namin! Ang dahilan kung bakit naattach ako sa number 13. Pang 13 kasi yung name niya sa class list. Hihi. Si “HC”? Ayun. Nabalitaan ko kay Karla na may girlfriend na. Zharm ba yun? Tss. Nung una nairita ako dun sa Zharm. (Wagas kasi sa h at z). Pero after awhile nawalan na ko ng interest.
Okay na sana first few months ng grade 6.. Pero biglang nagsimulang gumulo. Feel ko kasi inlove na ko kay Joshua.. Siya si #13. Bakit “gumulo”? Si Joshua, may girlfriend, si Louise. — ang bestfriend ko since grade 4. Talaga naman oo.
Sa kakaisip ko ng mga bagay bagay, di ko namalayang may meeting de avance na pala yung barkada ko. Magpulong ba naman sa lockers? Pinuntahan ko nalang sila.
Kasama ni Tin si Peter. Binati ko yung barkada tapos eto namang si Peter nag “hi” kaya nag “hi” narin lang ako.
"May science fair ngayong week ah? Mamaya after class, may workshop daw sa auditorium." Sabi ni Mitch sakin. Alam kasi nila na mahilig ako sa science.
"Ah talaga?? Punta tayo!" Excited ako. Masama?
"Can’t! Late ko nalaman na may ganun. Na-plano na namin ni Jes na tapusin group work namin mamaya eh" napa sad face ako nung sabi ni Mitch yun. Tas nag grin ako kay Aly.
"Kath naman ehhh, alam mo namang di ko hilig yan!!"
"Hahaha! Kawawa naman si Kath guys! Hay nako. Peter samahan mo nalang si Kath mamaya since mahilig ka rin naman dun. Di ko nga lang kayo masasamahan, may date kasi kami ni mommy later." yung totoo, Tin? Alam mo ba pinag sasabi mo?
"Huh? Deh, okay lang naman kahit mag isa ako no!"
"Okay lang, samahan na kita." Magsasalita pa ko dapat nung biglang sinabi yun ni Peter at ngumiti. Eh di okay.
"Then it’s settled! See you guys tomorrow nalang. Dismissal narin naman eh." Nag paalam na kami sa isat isa, then Tin kissed Peter.
Kinuha ko na bag ko then I went out of the classroom.
"Wait Kath!!" Tumakbo papunta sakin si Peter tapos nginitian ako. "Tabi naman tayooo" di ko nalang pinansin.
-AUDITORIUM-
"Shet ngayon ko lang nakitang ganito ka ganda auditorium natin!!" Pansin ko kanina pa ‘tong Peter na ‘to nakadikit sakin ha.
"Mahilig ka ba talaga sa science" Tinanong ko habang di tumitingin sakanya. Naramdaman ko na tumigil siyang mag lakad kaya napatingin ako sakanya.
"Actually, I’m really interested in chemistry." Nilapit niya mukha niya sakin tapos tinitigan ako sa mata. Nakakunot lang noo ko. Sabay nag smirk siya. Ahh ganun. So you want to play this game ah? Nag smirk ako pabalik at nauna ng maglakad sakanya. Hindi ko alam kung bakit, pero pag chinachallenge talaga ako, pumapatol ako. If anyone wants to play a game, I can play better.
BINABASA MO ANG
The One That Saves Me
FanficHanggang saan dapat lumaban kapag nag mamahal? Pwede bang ipag laban ang mali? Kathryn Bernardo is the type of person to play risky games without committing herself. Pa laro-laro lang, hindi na f-fall, kaya hindi natatalo. But what if she realizes s...