THIRTYSIX

102 8 11
                                    

KATH’S POV

My favorite kind of weather — heavy rain with thunder storms. Kaya sorry, hindi ako yung tipong pag ganito yung panahon, mapapatalon ako at mapapayakap sa kung sinong bidang lalake tuwing kukulog o kikidlat.

Walang ganung kilig vibes sa POV ko, pati narin kay Miles, Julia at Pai. Haha magtatampisaw pa kami habang bumabagyo.

I was watching tv when my phone vibrated. Hmm, Quen? Sabi niya mag aaral muna siya? YES!! Hindi ako matiis ng boyfriend ko. Lakas naman maka kilig. Lalo na yung masasabi ko na yung "boyfriend". 

*bzzzzt*

DJ: kath! punta kami ni moe ngayon sainyo :) ano gusto mong pasalubong?

HAHAHAHA. Sira ulo talaga tong si DJ. Lakas trip.

To: DJ

ah ganun? haha icecream.

*message sent*

Makikiride lang naman ako. Obvious naman na nangttrip lang yun. Ang lakas kaya ng ulan.

*bzzzzt*

DJ: icecream eh ang lakas lakas ng ulan? :))) sige na nga, as you wish :) papunta na kami, see you! :D

Oh diba? Siya na mismo nagsabi, malakas yung ulan. Haha lakaaaas ng trip DJ.

After awhile naisipan ko na mag dinner, 7 narin kasi. Bago pa ‘ko makatayo, nag ring yung landline namin kaya sinagot ko naman

"Hello, good evening?" Ako

"Hi Kath!! Uh.. DJ ‘to" DJ

"Oh, napatawag ka? Haha. San na icecream ko? Ang tagal ha? Hahaha" Ako

"Actually, nandito na.. Di nga lang kami makatawid papuntang bahay mo. Kasi.. baha. HAHAHAHA!!" DJ

"Haha sira ka talaga! Nandito na daw, eh nakakatawag ka sa landline? Hahaha sige na DJ bababa ko na, kakain na ‘ko ng dinner, gutom na kasi talaga ‘ko. Bye!" Ako

"KATH!!! WAG MO BABABA!! Siryoso!! Andito kami ngayon! Nakikitawag lang ako sa tindahan na nasa tapat ng bahay niyo! Kahit tignan mo pa!!" DJ

Ughhh magmumukha naman akong tanga kasi titignan ko naman?? Wala na kong sinabi kay DJ at sinilip yung tindahan.

.. Nandun nga siya.. Kinakawayan pa ‘ko habang naka ngiti.

Shit naman DJ! Nagmadali ako pabalik sa phone

"ANO BA GINAGAWA NIYO DIYAN?! BAKIT KAYO NANDIYAN!!" Ako

"Eh nakita mo naman, baha nga kaya di kami makatawid papuntang bahay mo.. Sorry na.." DJ

"I MEAN!! Bakit pumunta talaga kayo dito?!" Ako

"Gusto mo kasi ng icecream eh" kahit di ko nakikita si DJ, alam kong naka ngiti siya ng sincere habang sinasabi niya yun.

Binaba ko na yung phone at lumabas na ng bahay, paputang gate.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon