TWENTYTHREE

160 11 7
                                    

KATH’S POV

*flashback CHAPTER ELEVEN (First Of Summer)*

0927*******: kinuha ko kay seth number mo :) o. wag ka na malungkot ha? ako nalang muna magiging kuya mo, kahit na mas matanda ka sakin :))

Kath: Sabi na familliar eh! Okay. Sabi mo yan ah? Hahaha

Dreamboy: oo ba! dreamboy mo nga ako diba? and i’d do anything for my dreamgirl :)

Sige na nga. Tignan na natin kung ano mapupuntahan natin, Daniel Padilla. Mukhang lalaruin ko na naman yung game na ‘to.

*end of flashback*

"Dreamboy at dream girl talaga ha? Hahaha. So ganun pala nag simula yung sainyo ni DJ?" Mark

"Ganun na nga. Haha. Teka, bakit nga ba wala kang sinabihan kahit na hindi ka naman namin pinakiusapan na wag sabihin kahit kanino?" Ako

"Alam mo Kath, kung ano yung sainyo, sainyo yun. Hindi na dapat pa pakialaman ng iba. Hindi naman ako si Zharm para pagsabihan kayo diba?" Mark

Mabuti nalang at malawak pagiisip nito ni Mark. Ang lungkot nga lang na mukhang matatapos na yung kung anong pinagdasal ko na sana hindi matapos.

*flashback CHAPTER EIGHTEEN*

It’s all my fault to feel this way for you that day

"I know I am and I will" Neil

"Though it’s wrong" Mark

"So wrong" Miles

Hinigpitan ni DJ yung hawak niya sa kamay ko.

"Cause I need you here tonight" DJ

DJ sana ganito nalang, sana ganito talaga kahigpit yung hawak mo sakin. Yung hindi mo na ko mapapakawalan.

"I need you here inside" DJ/ Neil/ Mark/ Miles

Sana ganito nalang, na hindi ka na mawawala sa tabi ko.

"I need you here tonight" DJ/ Neil/ Mark/ Miles

Hindi na ‘to laro laro lang. Dahil simula nung nahulog ako at nahulog ka, dun palang panalo na tayo. Kaso mukhang ang tadhana na ang nakikipaglaro satin ngayon. Dahil hindi rin naman tayo pwede. Talo rin pala.

"I really, really need you here.." DJ

DJ, sana napaparamdam ko sayo lahat ng hindi mo namamalayang napaparamdam mo sakin. It never felt so good to be so wrong. Lord, alam ko po na mali kami at mali ‘to. Pero sana Lord, sana hayaan po Niyo na permanente na dito si DJ.

Pinatong ni DJ ang magkahawak naming kamay sa dibdib niya. Lord, salamat dito at sa kung ano mang oras na natitirang ibibigay Niyo po samin.

*end of flashback*

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, di ko namalayang nasa harap na pala kami ng Cinema 4.

"Ano Kath? Ready ka na?" Mark

Ready harapin si Zharm? Oo naman. Ready pakawalan si DJ? Mahirap. Pero kailangan.

"Yup. Tara!" Ako

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon