Chapter 1

52 1 0
                                    

I held my pen.
Stared at the blank sheet of paper in front of me, napakadami kong gustong isulat pero ni isang letra di ko malagay.

Ugh.

At sa ika-pitong beses, binitawan ko na naman ang ballpen ko't sumandal sa upuan.

Ano na Rika?

Kailangan ko nang matapos 'tong manuscript ko, pero bakit di ko man lang masimulan?? Wala ba akong sense of urgency? -.-

Lagot na naman ako sa management.

5 minutes pa ang lumipas bago ko naisipang sa laptop na lang gumawa ng manuscript. Baka ganahan na ako.

Pagkabukas ko ng laptop, mukha nya agad ang bumungad sa screen. Bigla tuloy akong napangiti. Ang gwapo gwapo talaga nya. Hanggang tingin na lang ba ako sa picture mo??

"Ano ba Rika? Di ba't may manuscript ka pang tatapusin?" Hindi ko napansing nasa gilid ko na pala si Ms. Shayna.

Editor-in-chief namin.

Dali-dali kong sinara ang laptop at ngumiti sa kanya na may halong hiya. Myghad. Naaktuhan nya pa akong nagtititigan sa my labs ko. >_<

Baka isipin nyang cheap ako.

"Y-yes Ms. Shayna. Actually malapit na 'kong matapos h-hehehe." ako na sinungaling.Ako na.

Umismid lang sya't tinalikuran ako. Hmp.

Ang init talaga ng dugo 'nun saken. Pare-parehas lang naman kaming empleyado dito ah. Hindi porke't naka-floral na skirt sya pwede na syang magmaganda hmp.

Magtwo-two years na 'kong script writer dito sa JLC entertainment. One of the biggest company in the field of entertainment. Handler ng mga sikat na artista at musician. May mga models din at news anchor.

This is my dream job.

Gusto kong makapagsulat ng manuscript sa mga shows, especially sa mga tele-drama. Sobrang sarap kaya sa feeling kapag mapapanuod sa TV yung story na ginawa mo. Na pinaghirapan mo't sinulat ng buong puso.

And...to think that people can relate in your works, makes you feel alive. That somehow, people knows how you feel because they've been in that situation. Siguro ito yung pinaka nagmotivate saken to pursue writing. I want to see how people relate to the show or movie.

How they can relate to me.

Pero I was so young at that time kaya hindi ko nakita ang consequences. Ika nga nila young,dumb and broke.

Hindi pala porke't empleyado ka na, mapipili na palagi ang mga storya mo. Yep. I still have to compete with my colleagues here. -.-

At sa tuwing hindi napipili ang gawa mo, gagawin ka na lang proof reader. Taga-basa ka na lang ng gawa nila at magco-correct ng minor errors. Or worse you'll end up printing the copies and spread them to different departments.

But then again the credit is not yours.

Pangalan nila ang nakalagay sa screen kada ending ng show. Which is never ko pang na-experience. Sadlyf.

Well right now, may bagong announcement si Chairman. They are planning to make a new romantic-comedy movie. Which is my favorite genre!

Duh?

Sobrang fan kaya ako ng mga romantic movies noong College pa ako. Tyaka feeling ko eto na ang big shot ko.
That's why I wanna put my 1000x effort with this one. Pero sa ngayon, ultimong isang salita wala pang pumapasok sa isip ko.

Paano ko ba dapat simulan?

"Rika! Lunch na, tara." aya ni Faith. She gestured her hand in the air with her lazy face. She took off her glasses and left it in her desk.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon