Chapter 12

14 1 0
                                    

Ugh.

Hinagis ko sa kama ang huling dress na nakatago sa aparador ko. My clothes is either lying on the floor or crumpled on my chair.

Kanina pa ako naghahanap ng masusuot sa 'first day' ng trabaho ko bilang julalay ni Ryu.

Sir Ryu pala.

I wish I could drop the formality yet I might sound disrespectful. Depende na lang kung pati siya ay maasiwa sa pagtawag ko ng sir sa kanya.

"Aisssssh. Ba't kasi kailangan pang mag-dress?" I asked no one. Out of frustration and giving up, I decided to wear my classic white flared dress.

Plain and simple.

Tipong magsisimba lang ang drama. Don't be surprise, wala na akong time maging fashionista. At wala din naman akong pangbili di ba.

Dali-dali na akong nagbihis at nakatanggap na ako ng text message kay Boss.

Nasa tapat na daw siya ng apartment.

Hassle. Magme-make up pa ba ako?

Lipstick na lang siguro tyaka pulbo.

I tied my hair into a bun like how I usually do, then paired my dress into a cream colored doll shoes.

Alright. This should be enough. Decent na akong tingnan.






"T-teka. Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko nang makababa na ako ng apartment, nasa labas ng kotse si Ryu at parang kakatapos lang makipag-usap sa phone.

Tumingin siya sakin saglit bago sagutin ang tanong ko.

"Get in. We need to get there by lunch." Sabi niya bago sumakay sa kotse niya, hindi niya sinagot ang tanong ko. Hindi ko alam pero parang bigla ko naramdaman ang agwat ng buhay naming dalawa.

Hindi kasi ako sanay na makita siyang naka-suit.

Ever since I met him, I always see him wearing dark colored hoodies. Kahit mainit naka-hoody sya.

Nag-alangan ako sa suot ko. Baka kasi sa isang sosyal na party kami pupunta.

"Oy. Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Sabi niya pagkatapos ibaba ang bintana ng sasakyan.

"E-to na ho." Wala na akong nagawa kungdi ang sumakay na lang sa kotse, hindi naman siguro ako mapapansin kung sakaling sa sosyal na lugar kami pupunta.

I'm just his personal assistant after all.

"Saan tayo pupunta..sir?" I can feel the cringe. Hindi ako sanay mag-sir sa asungot na 'to.

"Lunch meeting with some people. Starting today, you'll accompany me. May it be a meeting or some sort of a party. Ikaw ang magte-take note ng mga importanteng detalye sa mga makaka-transact natin." pag-eexplain nya.

I can do all that. Sanay ako sa note taking.

Pero hindi ako sanay makihalubilo sa madaming tao. Pakiramdam ko kasi nasu-suffocate ako e.

"Ah..madali lang naman pala." I tried to convince myself. Kahit na ang totoo ay ngayon pa lang nanlalamig na ang mga kamay ko.

Umaandar na naman ang pagiging anti-social ko.

"If there's anything you need, just ask me." I felt his genuinity with those words. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi naman niya siguro ako papabayaan.

Syempre boss ko siya di ba?

It took us 2 hours before we arrived at the said lunch meeting. Medyo maaga pa kami ng kalahating oras.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon