Chapter 4

24 0 0
                                    

Juice ko naman.
Kanina pa ako maya't maya binabalikan ng mga tao dito sa station ko. Ni hindi ko na matapos ang ginagawa ko eh.

"Girl, so ano nga? New employee ba si pogi? Saang department sya? Ha? Kwento ka pa dali!" I held my temple out of helplessness. Pati kasi si Faith ay nakikichika din tungkol sa lalaking mushroom na kasama ko kahapon.

Nakapalibot sa station ko si Butch, nag-iisang baklang chismosa sa dept namin, si Karla na halos lahat ng lalaki dito sa building ay crush nya at si Chloe na tahimik pero may taglay din palang kaharutan sa dugo. Nasa gilid ko si Faith na kanina pa tanong ng tanong.

"Guys, pinakilala lang nga sya saken ni Mr. Geoff okay? Sabi nya ilibot ko daw. So ayun." pang-ilang beses ko na bang sinabi yan? Sampu?

Hinawi ni Butch ang buhok ni Karla na sumasaboy na sa mukha nya.

"Aish! Karla girl! Pakitali nga yang buhok mo, nakakain ko na e. Anyway, Rika baka naman may number ka ni pogi? Share mo naman jan ohhh." napangiwi ako bigla kay Butch. Baklang 'to!

"Oh Fudgeeee! Baka may instagram account ka nya girl bigay mo din saken hihi!" aniya Karla na parang kinukurot sa singit.

"Magitigil nga kayo, bumalik na kayo sa mga station nyo't baka mahuli pa tayo ni Medusa. Ang mabibigay ko lang sa inyong impormasyon tungkol sa mushroom na yun ay ang pangalan nya. Ryu okay? Wag nyo na syang tawaging pogi, nakakasura ugh."

Pagkatapos naming kumain sa canteen kahapon halos isuka ko ang kinain ko. Turns out na pinalagyan nya pala ng madaming chili paste ang sandwich na binigay nya saken.

Mala-demonyo e.

How I wish, I'd never get the chance to see that face again. Such an eyesore. Ugh

I get back to my work, sa wakas mga friend! May story plot na ang lola nyo! Alam kong mejo mainstream na ang naisip kong plot pero lalagyan ko naman ng personal touch.

Well, my story will focus on a girl whose deeply in love with her friend. Kaso si guy walang alam. Kaya ang mangyayari dahil sa sobrang manhid ni guy, paulit-ulit na masasaktan nya si girl. Kaya may dadating na isa pang character, sya ang magiging savior ni ate girl. With that, tyaka lang mare-realize ni guy na mahal din pala nya si girl. And he doesn't want to lose her.

Ang kaso, si ate girl natuto ng mahalin si new guy. Ganun. Ganun yung gusto kong mangyari sa gagawin kong story.

I know, a lot of people will shrug their shoulders at me and say it's already 'gasgas' pero gusto kong i-pinpoint na lahat tayo ay masasaktan kaya dapat lahat tayo marunong bumangon. Sabi nga ni Clark saken..

"Then take it. Lahat naman masasaktan. Walang exempted dun"

Minsan kasi iniisip ng iba, kapag maganda o kaya gwapo ka hindi ka na makakaramdam ng ganung sakit. But in reality, they suffer the same thing.

They kasi di naman ako belong sa kanila. Lol

Anywaysss I am writing the first part of the story. And the name of my protagonist will be Clyde and Riya. Para kasunod sa name namin ni Clark ^_^



Lumipas ang isang linggo at laking pasasalamat ko't hindi na ulit sumulpot ang taong mushroom na yun. Pero palapit na ng palapit ang deadline mga friend. Nasa gitna pa lang ang istorya ko eh. Sila Faith matatapos na at sa nakikita ko, they are all confident.

Kasi naman Rika, mag-focus ka naman. Puro ka fangirling kay Clark e.

Pinapanuod ko kasi yung fancam sa concert nya last year sa Japan. Di ko afford kaya hanggang asa na lang sa mga fancam ng fellow ambisyosang gaya ko.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon