Chapter 3

28 0 0
                                    

2 weeks na lang ang natitirang araw bago ang deadline.

Heto ako't nakailang palit na ng istorya. Wala pa akong matinong plot. I started questioning myself if I'm really into writing. Kase sa nangyayari sa aken ngayon, parang wala akong creativity. Walang sense ang mga naii-isip ko. Pure daydream.

Rika... Susuka lang walang susuko.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk at pumikit. Ilang gabi na din ba akong walang maayos na tulog? I'm so stressed out. Pakiramdam ko pasan ko ang lahat ng planeta. I am supposed to be motivated dahil si Clark ang gaganap ng role. Then why? Why am I feeling so..unproductive? Sayang pinapasweldo saken ng kumpanya sa totoo lang.

Maya-maya pa ay napagpasyahan kong umakyat sa rooftop. Papahangin muna ako. Wala akong planong tumalon okay?

"Faith, akyat lang ako ah." agad namang tumango si Faith na tutok na tutok sa laptoo nya. I envy her for having such dedication. Sana ako din ganun.

Ginamit ko na ang elevator dahil matagal ko ng sinumpa ang hagdanan sa building na 'to. Malawak ang rooftop, sa katunayan ay may helipad dito. Dito usually lumalapag ang helicopter na sinasakyan ng mga big boss at minsan mga artista. Syempre para iwas traffic.

May mga upuan sa gilid at may lagayan ng upos ng sigarilyo. Karamihan kasi sa mga nagtatrabaho dito ay ito ang puntahan kapag gustong mag-alis ng stress gaya ko. Wala namang tao ngayon, 4pm na kaya hindi na din gaanong masakit sa balat ang sinag ng araw.

Naupo ako at hinubad ang sapatos. Wala lang. Feel ko lang magtanggal.

"Ano na bang ganap Rika? Mukhang masyado mo namang minahal ang pagpi-print lang ng script ah. Ganito na lang ba tayo? Huh?" Kausap ko ang sarili ko. Malamang kung may makakakita saken ngayon sasabihan akon--

"Are you high or what?" Halos malaglag ako sa upuan ko ng may biglang magsalita sa likuran ko.

Sa paglingon kong yun halos mag-isang linya na lang ang mga kilay ko sa inis. Anong ginagawa ng lalaking nyan dito??

"I-IKAW?!" Napatayo ako't bigla syang tinuro na parang multo. Of all places, of all people?!

"Anong ginagawa mo dito?! Trespassing ka 'no? Gusto mo bang tawagin ko ang mga guards? Nasaan ang ID--" sunod-sunod ang tanong ko, hindi lang para takpan ang kahihiyan ko kanina kungdi para na rin mawala ang pagka-intimidate ko sa kanya. The way he look at me feels so...uneasy.

Nakatayo lang sya at dinadala ng hangin ang buhok nyang itim na itim na bahagyang tumatakip sa singkit nyang mga mata. Nakasandal sya sa sementadong harang sa bawat gilid ng rooftop.

"Ingay. Di ba sinabihan na kitang tigilan ang pangii-stalk saken?" Napakakapal talaga ng mukha ng isang 'to! Sinabi na ngang hindi ako stalker! Baka sya ang stalker ko?!

Lumapit ako ng bahagya sa kanya at hinila ang id ko sabay lahad sa mukha nya.

"Oh! Ayan! Sinabi na ngang hindi ako stalker! Kapal ng mukha. Buti sana kung kasing gwapo mo si Clark e." sa gitna ng pagkainis ko, halos walang nabago sa expression nya. Nakatingin lang sya saken na wala man lang halong sigla o interest. Ano bang ginagawa nya dito?? Huwag mong sabihing dito din sya nagta-trabaho? Malabo naman ata yun. Di ba nga sabi nya worst ang profession ko keysa pagiging stalker?

What's with this guy? Bakit parang lumiliit bigla ang mundo namin?

Biglang bumukas ang pintuan ng rooftop. Si Mr. Geoff. Nakatuon agad ang atensyon nya sa direksyon namin ng lalaki. Hala. Kilala nya ba ako?

"Ryu! I knew it! Sabi ko na at dito kita matatagpuan." abot tenga ang ngiti niya habang naglalakad papunta aa amin.

Ryu?

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon