Chapter 11

11 0 0
                                    

After my countless disapproval, hindi pa rin ako ang nasunod.

Pumayag kasi sila Butch na sumama si Ryu. Syempre ano pa bang aasahan ko? Friend lang naman nila ako, ano bang laban ko sa mga cells nilang sabik makakita ng gwapo?

Hays.

So the said 'Cheering-me-up Party' ended up to be an addition to my stress. Ine-expect ko na kasi ang pagbe-baby sit ko sa mahal na hari. For sure, he will keep on bugging me all the while.

Pero hindi pa din malinaw sakin kung bakit gusto niyang sumama sa amin. I mean, hindi naman niya kilala sila Faith tiyaka halata namang inis siya kay Dex.

Malalaman ko din yun mamaya.

"Aaaaand we're here!" Butch said as he stopped his car in front of this KTV bar named Chona's KTV. Kulay pink ang exterior at may mga nakapark na sasakyan sa gilid. Pansin din ang mumunting mga ilaw na parang christmas lights.

6pm pa lang pero feeling ko alas-nuebe na. Medyo madilim na din kasi.

Nagsibabaan na kami nila Faith at hinintay si Butch makapag-park sa gilid. Kasunod din niyang mag-park si Ryu.

Maybe you're wondering kung bakit hindi ako sumakay sa kotse ni Ryu.

I'm just being cautious. Kung sasabay kasi ako sa kanya, for sure lalong dadami ang tanong nila Butch tungkol saming dalawa.

"Tara na sa loob girls!" Pag-aaya ni Karla.

"Una na kayo, sunod na lang ako sa loob." I said as I stretched my arms in the air. Medyo nangalay ata ako sa pwesto ko kanina sa kotse ni Butch.

"Okie!" Sagot ni Karla saken bago akbayan si Chloe. Pumasok na sila sa loob kasama si Butch at Dex na parang may pinag-uusapan.

Siguro madaming parokyano ang KTV bar na 'to, maganda kasi ang ambiance tyaka customer friendly ang dating. I've been to many KTV bars dahil kila Butch, mahilig kasi silang mag-aya kada may birthday ang isa samin.

"Oy." I stopped spacing out as I heard him, oo nga pala. Kaya pala ako nagpa-iwan dito kasi kakausapin ko pala siya.

Nakatayo siya sa gilid ng kotse niya at nakalagay sa bulsa ang mga kamay.

"Maka 'oy' ka jan. Bakit ka ba kasi sumama? Mukha namang hindi ka interesadong makipag-bonding sa mga kaibigan ko." I asked. Bahagya lang siyang naiilawan ng poste kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Sino may sabing makikipag-bonding ako sa kanila?" sabi niya bago sumandal sa kotse niyang kasing itim ata ng suot niyang hoody.

Eh?

"H-ha? Ang gulo mo kausap. Eh bakit ka nga sumama?" Nauubusan na ko ng pasensya sa totoo lang. Imbes na nakikipagkantahan na ako sa loob, heto ako't kumakausap ng isang weirdo.

"To give you this." He suddenly took off his right hand out of his pocket and threw me something.

Buti na lang mabilis kong nasalo yung hinagis niya kungdi tinamaan ako sa mukha.

"O-Oy! Maka-bato ka nama--" Hindi ko na nagawang umangal nang makita ko ang maliit na box na hinagis niya.

Ano naman 'to?

"You're work starts by tomorrow morning, 9am. I'll pick you up at your place. Also, make sure you'll wear some decent dress." He said straightface. Hindi ko magawang mag-react kasi ina-absorb pa ng utak ko ang mga sinabi niya.

Umalis na siya sa pagkakasandal at medyo lumapit sakin.

"Happy Birthday." Those words came out of his mouth with sincerity. And from that moment, I felt my cheeks burning.

0///0

Did he just greet me?

"T-Thank you." I uttered beyond this unexplainable feeling. Nahihiya ba ako o natutuwa?

Tinalikuran na niya ako at sumakay na ng kotse niya. Para akong bata na tulala sa kawalan. Jusko Rika!

Bakit nakalimutan mong Birthday mo ngayon?

Hanggang sa makaalis na si Ryu ay nakatunganga pa din ako sa kinatatayuan ko.

That guy...

He's unpredictable after all. Paano naman niya nalaman na birthday ko ngayon? Siguro dun sa profile ki na binigay ni Sir Geoffe.

Teka. Ano naman 'to? Regalo?

I was about to open it pero natigilan ako ng marinig ko si Faith.

"Rikaaaa! Ano pang ginagawa mo dyan? Teka, nasan na si pogi?" Nilingon ko kaagad siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko ding tinago sa bulsa ko ang maliit na box na binigay ni Ryu.

"A-ah ano. M-may emergency daw siya e." Pagsisinungaling ko. Sorry Faith, hindi ko pa pwedeng sabihin sayo yung nangyayari sakin ngayon.

Nang medyo makalapit na siya saken ay halata ang paghihinayang sa mukha niya.

"Aaay, sayang naman! Magwawala  si baklang Butch niyan for sure." Inakbayan ko kaagad si Faith.

"Andito naman ako ah! Yaan mo na yun, may pagka-weirdo yun." I can't help myself but smile. Somehow it made me feel happy knowing that somebody greeted me even without me saying it's my birthday.

"Sige na nga, pwede ka namang pagtyagaan." Pagbibiro ni Faith, we both laughed as usual.

Pagdating namin ni Faith sa room na pinili nila, sinalubong agad ako ng kantahan nila Karla. Hawak hawak ni Butch ang isang chocolate cake at si Dex naman ay agad akong sinuotan ng birthday hat.

Dito na ako lalong nalunod sa tuwa.

Nakikanta na din ng 'Happy Birthday' si Faith. Gusto kong maiyak pero dinaan ko na lang sa pagtawa. Nakakataba kasi ng puso kapag may ganitong pa-surprise sa Birthday mo.

I thought, as I grow older, Birthdays will eventually gets boring.

But these people surrounding me made me think twice. Birthdays are special days. And it's worth celebrating no matter how young or old I may be.

Now that I turned 23, maybe I should start some major shift on my life. At mukhang umaayon naman ang lahat ng nangyayari sakin ngayon.



Something that I'll never regret..


This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon