Chapter 10

17 0 0
                                    

"One month suspension ?" Napatayo agad ako nang sabihin ni Ms. Krizel ang pasya ng mga boss sa ginawa ko kay medusa.

Nasa loob kami ng conference room at pinapaliwanag niya ang nangyaring usapan tungkol sa issue namin ni Ms. Shayna.

"Rika, it's much better than getting thrown out of this company. Look, isang buwan lang naman. You can take that time to rest from all of these pressure you're getting from that evil witch." Ms. Krizel still tries to make me feel better, alam niya din kasi ang lahat ng issues sa Department namin. Gustong-gusto man nilang gawan ng aksyon ay di rin nila magawa.

Malakas ang kapit ni Medusa sa mga mas matataas ang posisyon dito sa kumpanya.

Napasalampak ako sa upuan.

"Pero Ms. Krizel..yung isang buwan na yun wala akong sasahudin. Saan ako kukuha ng ipapadala kila mama niyan."

Ngayon ko lang na-realize na may mga bagay akong hindi na-consider kanina noong pinatulan ko si medusa.

"Don't you have any savings? I mean meron ka naman sigurong kaunting ipon kahit papaano. Mabilis lang naman lumipas ang isang buwan ngayon." Tiningnan ko si Ms. Krizel bago mapasabunot sa sarili.

"Yun lang..wala pa po akong gaanong naiipon. Buwan buwan kasi akong nagpapadala sa kanila tyaka nagbabayad din ako ng renta sa apartment." I can't abosrb the fact that I'll be jobless for a month. I mean look, anong gagawin ko sa loob ng isang buwan?

"Hindi po ba magkakaroon ng parang hearing? I mean, di po ba kailangan din nila marinig ang side ko?" Napaka-unfair talaga ng mundo.

"Sorry to hear that Rika pero wala na talaga akong magagawa. You know how much I wanted to be fair pero wala akong laban kapag involve na si Sir Vic. Just bear with it for awhile, Ok? Dadating din naman ang araw ng bruhang boss mo. Anyway, I gotta go now. And Rika, your suspension will take effect tomorrow." tumayo na si Ms. Krizel bitbit ang folder nya.

"A-agad agad po?" I badly wanted to beg pero wala din namang mangyayari. Kilala ko si Ms. Krizel, she will do everything for the welfare of us. Pero iba talaga ang kapit ni medusa sa taas.

She gave me a tap on my shoulder and half smiled. She did what she could and I am thankful for it tho.

"S-sige po Ms. Krizel. Siguro nga mas maganda na din 'to. Salamat po pala sa tulong ninyo." I stood up and also smiled. Pero deep inside I wanted to rant. Napaka-unfair kasi e. Pero it's not as bad as I thought, akala ko nga mate-terminate na ako dito eh.

Hay...I better face it heads up. Gaya nga ng sinabi ni Ms. Krizel, may araw din ang bruhang yun.

Pagkalabas ko sa quarters ng HR Dept. ay agad akong sinalubong nila Faith. Halatang kanina pa sila naghihintay sakin.

"Ano Rika? Ano daw sabi?" agad na tanong ni Faith.

"Ayun..suspended ng isang buwan." sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang hallway. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung anong pwede kong pagka-abalahan ng isang buwan.

"Suspended?!" sabay na react nina Butch at Karla.

"Oo. Naloka nga din ako eh. Pwede pala yun?" Naglakad na kami papuntang Department namin.

"Pero in fairness ah! Hindi ka pina-terminate. Ang alam ko kasi dati kapag may bumangga kay medusa, tegibels agad agad." na-curious naman kaming lahat sa sinabi ni Butch.

"Grabe..talaga ba? Kaya pala walang pumapalag na mga senior writers sa kanya." Agad akong sumang-ayon sa sinabi ni Karla, sampu kaming writers na hawak ni medusa at lima sa amin ay mga mas matatagal niyang hawak. Ni hindi din nila ako gaanong kinausap kanina pagkatapos kong sagut sagutin si medusa.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon