Chapter 9

19 0 0
                                    

*bzzzzttt bzzzzttt bzzzttt

Muntik na akong mahulog sa kama nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. I grabbed my pillow and cover it on my ear trying to ignore the phone call.

*bzzzzt bzzzzt bzzzt

Ugh!

Sino ba 'to? Ang aga aga namang mang bulabog ng natutulog.

Kinapa ko ang phone ko na nakapatong sa side table at sinagot ang tawag habang pikit pa din ang mga mata kong ayaw pa atang dumilat dahil sa antok.

"Hello?" I asked habang humihikab hikab.

Rinig ko ang ingay sa kabilang linya, parang mga nagkakagulo.

"RIKA! WHERE'S MY FILES?! I NEED THEM NOW! WHERE THE HELL ARE YOU?!" halos mabutas ang eardrum ko nang biglang magsalita ang tumatawag saken.

Oh, si medusa 'to ah? Bakit napakaaga naman niyang mang-bwisit? -_-

I boredly opened my eyes and look at my phone screen to check the time.

Napabalikwas ako ng bangon sa nakita ko.....

Mag a-alas diyes na ng umaga!! 0_0

Nag-end na ang call at wala pang isang minuto ay tinadtad na ako ng text ni Medusa.

Wth.

I hurriedly went to the bathroom and started cursing myself.

Jusko naman! Bakit ngayon pa ako na-late?! Sa dinami dami ng araw!

Sabagay, anong oras na ba ako nakatulog kagabi? 2am na din ako nakauwi. And the fact that my mind can't stop overthinking dahil sa job offer ni Ryu. -.-

I better hurry up, baka magbuga na ng apoy ang boss ko.









Nasa harap na ako ng Department namin pero hindi ko magawang pumasok sa loob. Rinig na rinig ko ang pagwawala ni medusa.

Nakakaloka.

"..ALL OF YOU! YOU'RE ALL IRRESPONSIBLE! NAPAKA-SIMPLENG TRABAHO, HINDI NYO MAGAWA! BINABAYARAN KAYO PARA MAGTRABAHO HINDI PARA TUMAMBAY AT MAGPA-AIRCON LANG. MY GOD! NASAAN BA YANG MGA UTAK NINYO? BAKIT HINDI NYO GAMITIN?!" I heard her loud and clear. Ayan na naman siya sa mga linya nyang nakakasawa ng pakinggan.

Nobody dared to stand up and talk back. Malamang ayaw mawalan ng trabaho. Pero hindi naman ata tamang palagi na lang kami tinatapakan ng boss namin na parang siya ang may-ari ng kumpanya.

"NOW WHAT?! MAGMUMUKHA AKONG TANGA DOON SA HARAP NG MGA EXECUTIVES? WALA AKONG REPORT NA MAPE-PRESENT! I AM SO DISAPPOINTED WITH ALL OF YOU! AND WHERE THE HELL IS RIKA?! ISA PA YAN! WALA NG NAGAWANG MAAYOS. SUCH A WASTE!" Automatic na nagpanting ang tenga ko sa huli niyang sinabi.

Aba. Sumosobra na talaga siya!

Alam kong wala pa akong napapatunayan pero sa tinagal ko sa industriyang 'to halos makabisado ko na ang lahat ng task dahil lagi niyang pinapasalo saken.

I held my bag strap so tight and took a deep breath.

As I stepped inside, I captured everyone's attention. Mga nakatayo silang lahat at kitang-kita sa mga mukha nila ang pagtitimpi kay medusa.

And there goes our highness. Standing in front of her office with her demonic aura. I can clearly sense her rage as I walk towards them.

She gave me her infamous sarcastic smile.

"Aba! Nakuha mo pa talagang magpakita?! Don't you have any shame? Hindi mo na nga tinapos ang trabaho mo, late ka pa! Ganun ka ba katamad o sadyang mahina yang utak mo para hindi magawa ng maayos ang trabaho mo?" She walked a little closer to me.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon