Chapter 5

32 0 0
                                    


After that night, hindi na ako nagpapagabi ng uwi. Natakot na ako. Hindi naman sa lahat ng oras may tutulong saken tyaka mas maganda na din sigurong sumabay ako kila Faith kada uwian. Babawasan ko na lang ang pag-oOT ko.

"Rika punta lang kami ni Chloe sa CR ah. Wait mo kami." sabi ni Faith bago ako iwan sa harap ng building namin. Kasabay niya parati so Chloe kasi iisa lang ang way nila pauwi.

Nakwento ko din sa kanila ang nangyari saken but not including mushroom saving me. Baka lagyan pa nila ng malisya. Sinabi ko na lang na may dumating na pulis. Habang naghihintay sa kanila ay may isang hi-ace van na tumigil sa harapan ng entrance. Pagkabukas ng pintuan ay may lumabas na dalawang lalaki. Ang isa ay may mga bitbit na mga damit ang isa naman ay parang manager ang datingan. May suot kasing scarf e.

At huling lumabas ang isa pang lalaki na naka suot ng hoody. May katangkaran at maganda ang posture. Tumigil sila sa gilid ko at nag-usap usap. Maya maya pa ay pumasok sa loob ang dalawang naunang bumaba ng van. Naiwan ang lalaking naka-hoody sa tabi ko.




Nilingon ko uli sya at halos manlamig ang buong katawan ko ng mamukhaan ko sya.



Si Clark! 0_0


Nananaginip ba ako?? Sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko sa mga oras na 'to at parang bumalik lahat ng alalala namin noong kaklase ko pa sya. I wanted to slap my face just so I can prove to myself that I am not dreaming right now!


Look at him. Oh man. You look so fine! Alam kong gwapo sya pero iba ang karisma nya ngayon. He looks so manly yet with elegance. Siguro mukha lang akong tagapunas ng sapatos ngayong katabi ko sya. He's fragrance smells like heaven!


Lalo akong natuliro ng tumingin din sya saken. Those eyes... I miss looking at those pair of eyes.


"What?" sabi niya na parang iritado sa pagkakatitig ko sa kanya. Hindi ba nya ako nakikilala? Baka pagod sya. Baka nga. Or maybe he can't recognize me because I became a living word called 'manang'.


Magpapakilala ba ako?? Jusko! Hindi ko alam ang gagawin ko!


"Do you have anything to say miss?" asik nya, doon ako nataranta lalo. Ayokong maging panget ang muli naming pagkikita. Pinilit kong ngumiti kahit gustong gusto ko ng himatayin sa tuwa!

"A-ah w-wala. S-sorry." gusto kong batukan ang sarili ko! Ano yun?? Mukha akong tanga. Hindi ko magawang magpakilala sa kanya. Siguro kase I'm hoping that he'd still recognize me. Hinihiling na sana maalala nya 'tong mukhang 'to.

Pero hanggang sa dumating na ang dalawa nyang kasama't pinapasok na sya sa loob ay ni wala syang nabanggit na kahit ano tungkol saken. Sinundan ko na lang sila ng tingin.

Clark... Mukhang hindi mo na talaga ako kilala.

Parang kinukurot ang puso ko ngayon. Lakas ko kasing umasa e. Pero baka pagod kasi sya, siguro kung nagpakilala ako e maaalala na nya ako diba?

Siguro I wasn't that memorable to him. Unworthy of his memory.

I smiled bitterly.

Hanggang sa dumating na sina Faith ay iniisip ko pa din si Clark. He's somehow different from the Clark I used to know. Parang ibang tao na ang kaharap ko kanina. Pero ewan ko ba. Heto pa din ako't patay na patay pa din sa kanya. How I wish the next time we bumped into each other he'll smile and call me by my name.

"Uy, Rika. Okay ka lang?" napansin siguro ni Faith ang pananahimik ko. Naglalakad na kami papuntang bus stop.

"O-oo naman." pagsisinungaling ko. Sa totoo lang gusto kong tumakbo pabalik ng building namin at magpakilala kay Clark. Gusto ko syang kausapin. Gusto ko syang tanungin kung bakit sya nag-migrate sa Japan noon? Gusto kong maliwanagan kase.. Kase all this time hinihintay ko sya.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon