Chapter 6

29 0 0
                                    



And my life went back to normal..I guess.

Hindi ko na ulit nakita si mushroom. Teka, dapat siguro di ko na sya tawaging mushroom kasi di na sya sumusulpot bigla. Si Mr. Executive na lang.

I became busier dahil na din sa deadline ng manuscripts. Ni hindi na ako nakabisita kila mama. Yung apartment ko halos saglit ko na lang din nagagamit dahil late ako umuuwi then maagang umaalis. Hindi lang naman yung manuscripts ang inaayos namin, may ibang mga trabaho din kaming ginagawa.

Gaya ngayon. Nakatambay ako sa gilid ng photocopy machine. Kailangan kong mag-produce ng 25 copies ng script sa isang episode ng Kailan ba ako liligaya. Telenovela sa hapon. Patok na patok kasi sa mga manunuod, madaming nae-excite sa mga sabunutan at sampalan ng mga bida.

Ang hahaba pa naman ng scripts nila kaya halos umabot ng 63 pages ang pino-photocopy ko ngayon.

"Matagal pa ba yan? Need na nila asap. Kupad kupad." pagsusungit ni medusa saken habang nakapa-meywang pa.

"Malapit na, mga 10 mins." I drew a fake smile. She turned her back and went straight to her office. Hmp.

Akala mo naman kung sinong boss.

Pagkatapos kong magcompile ng mga scripts ay dumiretso na ako sa rooftop. Doon kasi nila ishu-shoot ang episode na 'to. Tipong itutulak ang bida sa gilid ng rooftop tapos dadating yung leading man para sagipin siya.

I know, so clichè.

Wala e, sa ganun tumatakbo mga drama sa pinas.

Pagkaakyat ko sa rooftop ay bumungad saken ang magulong set. Nagkalat ang mga staff at may hawak na mga payong para sa mga artistang init na init dahil tutok ang araw ngayon sa kanila.

Puro cable wire din sa sahig at may mga cameraman na kanya-kanyang ayos ng camera nila at pwesto. Hinanap ko si direk Vicky para ibigay ang mga script. Siya kasi ang nakisuyo sakin kanina dahil wala daw si Girly na staff ng production team.

Nasaan naman kaya siya?

"Excuse me, can you move aside?" natigil ako sa paghahanap kay direk ng itaboy ako ng isang babae sa kinatatayuan ko.

si Nancy.

I was awestruck with her beauty. Napakakinis at ang tangos ng ilong. Kahit nakablouse lang siya at plain pants ay nagsusumigaw ang salitang 'maganda' sa awra niya. Compared naman saken na parang di naligo ng isang linggo.

If I'm not mistaken, siya ang bida na laging inaapi sa telenovela na 'to.

"Miss, move aside. Can't you see? Nahaharangan mo ako sa electric fan oh." Napaatras na ako nang muli siyang magsalita.

Jusko. Ganda lang pala meron ang isang 'to.

"Pwede ka namang magsalita ng maayos." I talked back. Aba syempre. Bakit ako magpapadaig?

Wala syang kasamang PA, marahil ay may inutos siya. O baka nasa loob ng tent, o baka di ko alam kung nasaan talaga.

"Did I just heard you talked back?" She raised her left eyebrow and looked at me with dismay. I did the same thing. Nilapag ko ang bitbit kong dalawang bag na may lamang mga scripts.

"Oo narinig mo ako. Unless bingi ka para hindi marinig ang sinabi ko di ba." Ate girl, mali ka ng kinakalaban. Ayaw na ayaw kong minamaliit ako.

Tumayo siya at nag-crossed arms.

"Hey, I don't like the way you conversate with me. Sino ka ba?" Nakakaloka 'tong Nancy na 'to, marunong naman palang magtagalog e.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon