Chapter 7

38 1 2
                                    

"Rika, okay ka lang?" Faith waved her hand in front of my face. Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria.

Wala akong gana, halos halukayin ko lang ang pagkain ko gamit ang disposable fork.

"Kakainin mo ba yan o tataniman ng malunggay? Makahukay ka e." Natawa naman ako sa sinabi niya, pero tawa na nawala din kaagad.

I can't take it off my mind, that moment where I saw Clark being hugged by Nancy.

"Faith, parang..ayoko na." I muttered. Napatigil sa pagkain si Faith at sa pagkakataong ito ay napatingin na sya ng masama saken.

"Huh? At saan naman galing yan? Ayaw mo ba ng ulam mo?" Jusme naman Faith, patawa ka talaga.

Nilapag ko na ang tinidor ko at sumandal sa upuan.

"Kanina, nakita ko si Clark sa rooftop. Binisita niya si Nancy."  This time halos mabulunan si Faith, ngali ngali niyang tunggain ang tubig nyang nasa baso.

At ng malunok ang pagkain niya ay agad inusog ang upuan palapit saken.

"What?! Paano? Anong nagyari? Anong sabi? Nakilala ka ba? Ano?!" Naghysterical na sya.

"Faith.. He didn't recognize me. Ni hindi nga niya ako tiningnan man lang. Para akong invisible object kanina na basta niya lang dinaanan." Just by saying the reality, kumikirot ang dibdib ko.

I saw how the excitement on Faith's eyes turn into sadness.

"Sorry to hear that beshy...baka ano, baka madami lang tao kaya di ka napansin." I smiled with her consistency on making me feel better ever since. Hindi ko pala naikwento sa kanya na nagkita na kami noon ni Clark sa harap ng building..hindi niya din ako nakilala.

"Hayaan na natin. Siguro masyado kasi akong umasa." I sighed. Pakiramdam ko sinampal ako ng realidad kanina. Tapos tinatawanan ng mushroom na yun kasi nagmukha na naman akong tanga.

But I can't blame him, I am such a pathetic fangirl.

"Hey. Huwag ka ngang papaapekto ng ganyan! Chase your dream even if it's not how you expect it to be. Prove him that you're worth his attention. I mean, huwag mo masyadong dina-down ang sarili mo. Di hamak na mas maganda ang ugali mo keysa dun sa Nancy na yun." Gusto kong maiyak sa sinabi ni Faith.

"Oo na hindi ako maganda. Bawiin na lang natin sa personality." At doon kami sabay natawa.

She's right. I shouldn't put myself so low just because of what I saw earlier. This isn't the time to give up, this is the time to strive harder.

"But seriously speaking Rika, if I were you I will feel more motivated. Parang china-challenge ka kase ngayon ni Destiny. Papatalo ka ba?" I felt this sudden joy inside of me. Faith is indeed the living presentation of her name.

I should have faith.

Tumayo ako't kinuha ang wallet na nasa table.

"Let's go Faith. May tatapusin pa tayong manuscript." Tumayo na din si Faith at inakbayan ako.

"Yan! Ganyan ang Rika na kilala ko!" Faith's laughter roared through out the hallway. I can't help but to smile. Siguro kung wala siya, kanina pa ko naghakot ng gamit at nagsusulat na ng resignation letter.

It's not yet over, this is just the beginning.

***

I was so preoccupied by soooooo many things up to the point that I forgot that my birthday is coming.

Kung hindi siguro tumawag si mama kanina para tanungin kung uuwi ba ako sa birthday ko ay hindi ko talaga maaalala. Siguro ganun talaga kapag nasa adulting stage na, you slowly forget that exciting feeling. Tipong hindi ka makatulog kakaisip kung sino mga babati sayo,anong pagkain ang ihahanda mo,sino mga magbibigay ng gift sayo...haaaay.

This Is Not About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon