Twenty Three ^_^

54 5 0
                                    

(Yumi's POV)

Kakauwi pa lang namin sa bahay nila Eejay at yung mga gifts ko nasa isang van. Ang dami eh!

"Kamusta ang debut ng Princess?" niyakap ko sila Mommy at Daddy.

"Tiring pero nag-enjoy ako ng sobra. Sobrang saya po! Thank you."

"But di naman kami ang dapat mo talagang pasalamatan ng sobra." sabi ni Daddy.

"Si Eejay naman nag-asikaso nitong lahat tumulong lang kami." sabi ni Mommy at inalis ko yung pagkakayakap sa kanila.

Alam ko naman yun eh!

Lumapit ako kay Eejay na naka-upo sa sofa katabi ang pamilya niya.

Nakangiti siyang lumapit sakin yayapusin sana niya ako pero kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Grabe ang brutal nito. Bakit ba?!"

"At ano yung sinabi mo kanina sa party ha?!" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Ang arte nito." sabay yapos sakin. "Pwedeng mag-thank you ka nalang?"

Napangiti naman ako saka siya niyapos.

"Sigi ka. Magkagusto ka sakin. Haha. Pero thank you very much kahit lagi mo kong binu-bully noon nakabawi ka na sakin ng sobra sobra. Akalain mo yun may napapagkasunduan pala tayo akala ko forever war na eh. Haha."

Inalis niya yung yapos niya sakin.

"So crush mo na ko?"

"Ang kapal talaga nito." sabay hampas ko sa kanya.

May naisip ako. Haha. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Thank you talaga. Haha." sabi ko sabay upo doon sa sofa.

Tawa naman ng tawa sila Tita, Tito si Aye at si Mommy and Daddy. Priceless yung mukha ni Eejay tulala tapos nakahawak sa pisngi niya.

Nung naka-recover kuno na siya sinamaan niya ko ng tingin tapos biglang ngumiti ng nakakaloko.

Nagtatakbo siya palapit sakin sabay kiniliti ako. "Kyaaah. Haha. Tama na. Hahaha."

Tinigilan naman niya ko kaso niloloko kami ng mga parents namin.

"Grabe bagay talaga kayo." sabi ni Mommy.

"Nakuu! Pwede kayang magpakasal na kayo?" sabi ni Tita Kath.

"Mama!/Mommy!" sabay na sabi namin ni Eejay.

"Mommy! I'm sleepy na." sabi ni Aye.

"Hahaha. Sige. Iwan na namin kayo dito sa sala." tapos umalis na silang lahat.

-.-

"Magpapalit na ko. Baba ka nalang may itatanong pa ako sayo." sabi ko tapos umalis na ako at naglakad pataas papuntang kwarto ko.

Pagkatapos kong magpalit at maghilamos para matanggal ang make-up ko, bumaba na ako at nakita ko siyang tulala habang naka-upo sa sala.

"Emo ka na naman. Naka-usap mo ba si Irah?"

Tumango siya. Di ako nagsasalita hinihintay ko siyang magkwento.

"Umiiyak siya kanina sakin nagso-sorry gusto ko sanang patawarin siya pero masyadong masakit. Kapag nakikita ko siya masaya ako dahil mahal ko parin siya pero at the same time nagagalit ako at may pagkamuhi sa dibdib ko. "

Tumingin ako sa kanya. Hayy! Umiiyak na naman kaya niyapos ko siya.

"So anong plano mo?" niyapos niya ko pabalik.

"YB, pwede bang tulungan mo kong mag move-on?" napalayo ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" nakakunot noo kong tanong.

"Pwede bang tayo nalang? Pwede bang subukan nating mahalin ang isa't-isa?"

"Ano ba naman Eejay! Gusto mo bang maging awkward ang lahat satin?!" naiinis kong tanong sakanya.

"Ofcourse not pero gusto din naman nila Tita at Mommy na magkatuluyan tayo, diba? Bakit di natin subukan?" naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

"Please?" sabi niya sakin at kita ko ang hirap at sakit sa mga mata niya.

"S-Sige. S-Subukan natin." bigla niya kong niyapos.

"Thank you." sabi niya bago kumawala sa yakap niya nagsimula na siyang umakyat pataas.

"Goodnight. From now on di mo na ko bestfriend." napatingin naman ako sakanya. "Suitor mo na ko." napanganga naman ako sa sinabi niya.

S-Suitor?

Nagjo-joke ba siya?

"Tulog ka na! Soon to be girlfriend." lalo akong napanganga sa sinabi niya.

Grabeee! >_<

Ano ba tong pinasok ko? Waah.

\\

Na-revise ko na pero baka may typo pa ko kaya pagpasensyahan na. ^_^

New Update :)

S I G U R O &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon