Twenty Nine ^_^

44 4 0
                                    

(Yumi's POV)

Nakalimutan ko yung cellphone ko. Talaga naman oh! Tsk. Babalik pa tuloy ako.

Bakit bukas ang pinto ng room ng boys? Sasaraduhan ko na sana ng may marinig ako.

"Eejay, sorry. I'm so sorry for hurting you." napatigil ako sa kinatatayuan ko para bang naging bato ako.

"I'm sorry, too. Siguro di pa naman huli ang lahat diba? Pwede pa tayong magsimula muli?" parang may kung anong sumaksak ng kutsilyo sa puso ko ng marinig ko yang sinabi ni Ej.

Napatakbo ako sa kwarto namin. Peste oh! Bakit ba ako umiiyak?

Tanga mo rin kasi YB eh, tutulungan mo lang siyang mag-move on, bakit ikaw naman ang nahulog sa kanya?

Alam mo namang dead na dead yun kay Irah hinayaan mo pa yung sarili mo.

Okay. I'll admit it, may gusto na nga ako dun sa panget na yun. Langya!

"Yumi? Bakit umiiyak ka, panget?" napatingin ako sa nagsalita.

Ohmygod si Ej! Agad kong pinunasan ang luha ko sabay dampot ng cellphone ko. Lalabas na sana ako ng harangan niya ako.

"Hep. Hep. Wait lang." bigla niya kong hinigit at niyakap. Napalaki naman ang mata ko. "Thank you sa tulong mo Yumi. Thank you." Lalo akong naiyak sa sinabi niya, then, is this goodbye?

"Welcome." sagot ko nalang sabay kalas sa yakap niya at takbo.

Di ko alam kung saan ako napunta pero atleast walang tao dito.

Maraming bato dito kaya binato ko ng binato ang dagat para mailabas ang sama ng loob ko!
"Walangyang puso! Bakit nagkagusto ka sa panget na yun ha? Di ka naman nun gusto YB eh. Mahal na mahal nun si I-Irah. Hindi ka naman mahal ni E-Eejay pero bakit nagkag-gusto ka sa k-kanya?" napa-upo nalang ako.

Umub-ob ako sa tuhod ko at nagsimulang umiyak.

Flashback

"Bugok! Nakakahiya kang kasama sa supermarket." sagot ko.

Paano ba naman kasi kumuha siya ng urgh-napkin. Kinukulit kung ano daw brand ang ginagamit ko . "Aish. Arte, nagtatanong lang kung ano ginagamit eh. Ang panget mo na nga ang killjoy pa. Tsk."

"Grabe ang mean mo ha! Pangit ka din. Tara na nga dun sa vegetable section para makauwi na tayo at--Waah. Walangya ka ibaba mo ko! EJAAAY!" binaba nga niya ako pero sa loob...yung sa mga supermarket yung tinutulak na nilalagyan ng pinamili. Stroller ba tawag dun?

"Ang sweet naman nila"

"Ang sweet. Kinikilig ako pero mas bagay  siguro kami nung boy. Hihihi"

"Swerte nung girl ang sweet nung boyfriend"

"Grabe anong sweet dito? Ginawa akong bata? Atsaka anong bf, ikaw papatulan ko? No way!" bulong ko na siya lang makakarinig.

"Kinikilig ka lang baby. Haha." Namula naman ako sa endearment niya sakin grabe first time yun. "Look at your face. Hahaha. Priceless."

Tawa lang siya ng tawa kaya tumayo na ako, hinigit ko siya sa kwelyo at hinalikan siya. Narinig ko namang naghiyawan ang mga tao.

Nagulat naman siya, inalis ko na ang pagkadaop ng labi naman tapos sabay, "Bleh. Haha." asar ko sakanya.

Namula naman siya. "Crush mo ko noh? Yiee." Asar ko sa kanya.

"Namumula ka rin noh, panget." sabi niya kaya napatigil ako at napahawak sa pisngi ko.

End of flashback

Flashback

"PANGET! BUGOK! HOY GUMISING KA NA DIYAN! " Sigaw ko sa labas ng pintuan niya.

"Bakit ba?" Medyo inis niyang tanong niya.

Ginising ko daw kasi siya sa masarap niyang tulog! Sleeping beauty yan eh!

Nilabas ko yung cake na bigay sakin ni Joseph (may crush daw sakin, grade school lang?  Psh).

"Anong gagawin ko diyan?"

"Testing mong inumin!" Inis kong sigaw sabay irap. "Bigay kasi ito nung kapitbahay natin, si Joseph. Kainin natin as breakfast, di ako nakaluto eh."

"Okay. I'll just change my clothes." Tumango nalang ako at nagtungo na ng kitchen.

"Panget, diba may crush sayo yung si Joseph?" Napalingon naman ako sa kanya.

"Yup." Walang gana kong sagot sabay upo sa kitchen counter.

"Taraay! Pa-cake cake ka na ngayon. Bagay kayo! Hahahahahaha." Nahampas ko nga siya ng kutsarang hawak ko.

"Inaasar mo na naman ako dun, sabi ko nga sa kanya na friends nalang kami." Sabi ko pa sabay subo ng cake.

Umupo din siya sa counter.
"Oy! Oo nga pala, kinuha mo yung first kiss ko! Waaah." Sabi ko kay Eejay sabay pahid sa mukha niya ng icing ng cake.

"Ako din naman. Kinuha mo first kiss ko sa lips!" Sabi niya with matching irap pa yan ha!

Tapos binuhusan ako ng flour sa ulo. Oh no! Saan niya nakuha yun?

Pwes lalaban ako! Di ako magpapatalo.
"Ah ganun!" Sabi ko sabay bato sa kanya nung cake.  "Hahahahah. Akala ko naman mabilis ang reflex mo." Tawa ako ng tawa ng tamaan siya sa mukha.

"Hahahahahhaahha. Ikaw din naman!"

Binato niya kasi ako ng tatlong itlog. Waaah. Tumakbo ako sa kanya kaso nagtatakbo naman siya palayo.

Naghabulan kami hanggang mapagod kami.
"Panget, thank you!"  nanlaki ang mata ko ng niyapos niya ako.

End of Flashback

"AYOKO NAAAA!" Sob "Nasasaktan din ako!" Sob "Bakit kasi ikaw pa?" Sob "Madami namang iba diyan eh." Iyak ako ng iyak hanggang may naramdaman akong tumabi sakin.

"Bakit di mo sinabi saking may gusto ka na pala sakin?" Napatingin ako sa kanya.

"Eejay?!"

-------------------------------------

Hahaha. Reactions? Sorry for super late update.

I'll just plug my new story on my other account,"RS:Best Friends" (by jeunefilledouce)

Happy New Year! God Bless us all. Thank you so much guys for reading my stories.

WELCOME 2015.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S I G U R O <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon