CHAPTER 20

260 10 0
                                    

Alexa's POV

Hindi naman kasi ako na inform na may pasok pala ngayon. Kaya ito ako ngayon nag mamadali nang magbihis.

"Kuya? Ihahatid mo ba ako?" Sigaw ko sa baba.

Pero di siya sumagot. Ano ba yan. Nag suklay pa ako ng bonggang bongga.

Pagkababa ko wala na akong nakitang tao dito sa bahay. May pagkain pa pero late na ako! Enebe!

"Alexa here!" May nag tawag sa akin at nakita ko naman si spart pero wala siyang kasama.

Tumakbo na ako palapit sa kanya at pag kalapit ko may binigay siyang isang rose?

Aanhin ko naman tong rose?

"Oh? Bakit to?" Sabi ko pero nag smile lang siya.

"Kung pwede lang sabihi eh. Pero hindi" sabi niya.

Tahimik lang ang buong biyahe at hinuhulaan ko kung sino ba talaga yung nag bigay nitong rose dahil pag makita ko palang dito sa rose na alala ko na si roze.

"Mauna ka na" sabi niya.

Nauna na ako at pag kapasok ko sa gate may bumati sakin.

Pag pasok ko sa room may binigay si andrei sa akin na teady bear color green.

"May nag papabigay" sabi niya.

Pero lahat rose na.

"So... Anong meron?" Sabi ko.

"Ang slow mo din no?" Sabi sa akin ni andrei at inakbayan niya ako.

May pumasok sa room namin na may dalang human size na teddy bear kaya natakpan yung mukha niya at may hawak pa siyang bouquet of roses.

So ano to? Birthday ko?

"Pinapabigay po nang nasuntok." Sabi ni dexter. So si dexter pala yung may dala.

"Sinong nasuntok? Si Owen?" Sabi ko.

"Ang shonga mo! Si extint sino pa ba?" Sabi ni andrei at tumawa.

"Paki balik tong mga rose sa kanya." Sabi ko at nag walkout.

"Alexa..." Sabi ng kung sino at nakita ko si extint na may pass pa sa pisngi.

"Oh pumasok ka?" Sabi ko.

Nag lakad siya papunta sa akin... Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sheeeet. Parang nag slow mo lahat habang nag lalakad siya parang kami lang yung tao dito sa room.

Natauhan lang ako ng may nag salita.

"Tara na guys nakaka hiya naman sa dalawa" sabi ni andrei at sumunod naman yung mga classmates naming uto uto.

"So para Saan toh extint?" Sabi ko.

"Manliligaw mo ako. Tsaka asan yung mga rose?" Sabi niya.

"Ayoko ng rose. Allergic ako sa mga ROZE. Tsaka extint hindi ko kailangan yang mga yan." sabi ko.

"Ah heheheh sabi kasi ni Google eh. Pero gusto mo teddy bear?" Sabi niya.

Tinignan ko yung mukha niya... Ang gwapo niya pala. Parang wala akong marinig na parang nag slow mo nanaman.

"Ano pala gagawin mo sa birthday mo? Malapit na ha?" Sabi ni andrei.

"Alam mo pre bigla bigla ka na lang sumusulpot no?" Sabi naman ni extint.

"Matagal pa birthday ko ah?" Sabi ko kay andrei.

"Kailan ba?" Cool na tanong ni extint.

"Ayy manliligaw ka niya pero di mo alam. Tsk tsk tsk. Buti pa ako alam ko. Ako na lang kaya ang manligaw sa kanya?" Sabi ni andrei.

EVERYTHING ABOUT YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon