4. Di ko mapigilan di ka e-text.

10.5K 212 10
                                    

Hawak ko sa kamay ko ang tissue kung saan sinulat ni Andrew ang numero ni Alex. Alam ko! Abot hanggang tainga ang ngiti ng mokong na inlove sa isang astig na babae na aksidente ko lang nakilala sa isang tawiran sa isang kanto. Kinikilig ako at hindi ko mapigil ang tawag ng damdamin. Mukha na talaga akong sira ulo dahil sa kinikilos at sa nararamdaman ko para sa kanya. Gulong dito at paroon sa kama na hinihigaan. Dalawang oras nalang at mag uumaga na ngunit 'yong mata ko ayaw pang pumikit para magpahinga. Ganito pala noh pag inlove ka sa isang babae, hindi mo ma-di-define ang happiness. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sakin. Ito na kaya ang sumpa ng kasabihang collect-collect and then select? Inakala ko noon hindi ako iibig sa tulad n'ya ngunit ako'y mali, as in maling-mali.

Kinuha ko sa katabing mesa ang iphone ko at saka agad na ini registered ang numero ni Alex. Iniisip ko nga tawagan ko kaya baka naman kasi tulad ko ay gising pa s'ya ngunit naunahan ako ng takot kaya pinili ko nalang hintayin mag umaga.

Halata sa mapula at malalaki kung eyebags na wala akong tulog. Sa dating mga babae ko noon hindi ako nakadama ng pagod o stress, dahil sa excitement ko na matetext ko si Alex mamaya kaya di ko namalayan na nag umaga na at di ako nakatulog man lamang.

"Anak may problema ka ba?" Tanong ni Mama na sinilip ang mukha ko habang nilapag ang plato ng bacons, eggs at bread  sa mesa. At pabagsak s'yang umupo sa upoan na katapat ko. "Anak naka drugs ka ba?" Tanong n'ya. "Bakit ka ba nag drugs anak? Naku anak! Masama 'yan. Diyos ko po. Ano ba ang naidudulot sa iyo ng makabagong henerasyon?" Sunod-sunod n'yang pagbubonganga sakin.

"Ma, calm down." Sabi ko sa kanya. "No need to worry kasi ang druga ko ay hindi tulad ng iniisip mo. Isa po s'yang makabagong druga." Pabiro kong sabi. Napanganga s'ya. "I mean po ma. Inlove 'ata ako."

Sanay na si mama sakin na papalit-palit ng girlfriend kaya nagtaka s'ya kung paano nangyari na na-inlove ako. Salungat kasi iyon sa sinabi ko dati na hinding-hindi mangyayari na ma-e-inlove ako sa babae,luluhod muna ang mga tala kung mangyari 'yon. Sa kasamaang palad nilamon ko lang ang aking mga sinabi dati. Nahihiya? Mama ko naman s'ya kaya ok lang na maging open ako sa kanya. Pero sa tropa ko, wag muna baka ako'y kanilang pagtawanan.

"Lumuhod na ba ang mga tala anak?"Bulong na sabi ni mama at kumain nalang. See? Deadma lang s'ya dahil akala n'ya nagbibiro itong gwapo n'yang anak.

Pagkaalis ni mama para pumunta sa kanyang tindahan, para akong batang palundag-lundag sa sofa. At paulit-ulit kung binasa ang text ko na "Hi Alex!". Para akong tanga, ilang beses ko muna itong binasa bago pinindot ang send. Damang-dama ko ang kaba ko at napatanung sa sarili kung magre-reply kaya s'ya o e-de-delete lang n'ya ang message. Magsusulat sana ako ng new message ng bigla s'yang mag reply ng "who you?". Sa simpleng reply lang na iyon ay para napapalutang ako sa hangin sa saya na nadarama. At ganito ang sumunod na nangyari...

Nagpakilala ako at tinanung n'ya saan ko nakuha ang number n'ya at sinagot ko naman na kay Andrew. Matagal bago s'ya naka reply kaya nag double send ako na for sure ikakainis n'ya. Hindi ko na natagalan pa kaya ang simpleng palitan ng text message ay itinawag ko na.

"Ang kulit mo rin noh!" Pasigaw n'yang sabi sa akin. Parang nabingi ako.

"Bakit ba ganyan ka kasungit sakin ha? May nagawa ba akong mali?" Pagtatanung ko sa kanya.

"Busy ako kaya wag mong sirain ang araw ko!" Galit na galit s'ya at na imagine ko ang mukha n'ya kung paano s'ya magalit. Napangiti ako. Ang cute n'ya, para s'yang anime girl kung magalit, cute pa din.

"Kita naman tayo. Mag kwentohan. Sige na naman." Pagyayaya ko sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na papayag s'ya agad pero sana pag bigyan n'ya naman ako.

"Ewan ko sayo!" Sabi n'ya sabay baba sa tawag ko. Hindi na ako tumawag, baka naman kasi magalit lalo. E tinext ko nalang na sana pumayag s'ya at maghihintay ako sa Oo n'yang sagot.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon