Madalas na kaming lumabas na magkasama, minsan kasama namin tropa n'ya, at minsan kami lang dalawa. Mula nung nakipag deal ako kay Alex may kunti nang pagbabago sa relasyon namin. Gumigimik na kami nang higit pa sa ginagawa namin dati sabay date na rin. Buti nalang naglakas loob ako na masabi ko 'yon nung first month namin, parang napukaw ko yata ang nahihimbing n'yang puso, sobrang laki ng naitulong ng deal na 'yon sa relasyon naming dalawa. Mas comfortable na din s'ya na makisama sa akin kasi tinuring ko nalang s'yang parang barkada tulad ng gusto n'ya kahit alam naman namin na mag syota kami. At hindi ko na rin hinahawakan kamay n'ya, wala na rin akbay at iniwasan ko na rin ang magsabi ng I Love You sa kanya kasi gusto ko maging fair sa kanya ang lahat. Syempre mahirap sa side ko na pigilan ang sarili, pero ok na rin kaysa palagi nalang s'yang nagagalit sa akin.
Tuwing gimikan, lage ko nalang s'ya nakikitang lasing at sunog baga kong mag yosi. Gustong-gusto ko talaga s'ya pahintoin kaso nga lang tuwing gusto kong pag usapan ang bagay na ganun, nagagalit at umiiwas s'ya. So ok, ok na rin sakin kahit hindi. Grabe dinaig n'ya pa talaga ako.
Nakakainis din minsan, 'yong bang kasama mo nga s'ya pero nagbibigay pa s'ya ng atensyon sa iba. Tingin ko nga sa sarili ko minsan parang anino lang ako ni Alex. Ang hirap kasi sa mga lugar na pinagdadalhan n'ya sakin, marami s'yang kakilala. Kaya madalas OP ako pagwala sina Andrew at ang tropa n'ya.
Isang beses pa nga may sinapak s'yang bakla. Nagsumbong kasi ako na binusohan ako sa comfort room. Ayon! Galit na sumugod at pinagmumodmod sa sahig. Ang ending, hinuli kami ng barangay tanod at pinag aasar pa ako nina Andrew dahil sa baklang mukhang bakolaw na pinag interesan ako.
May mga gabi din na nanghihingi s'ya ng piso sa mga kakilala n'ya, parang trip n'ya lang din. Pinagbawalan ko si Alex na 'wag ganun at sinabing kaya ko s'yang bigyan ng ganun pera kaya lang d nakikinig at nag away pa kaming dalawa. Sabi n'ya pag tambay ka sa kanto, ganun daw kalalakihan mo. Ewan ko ba kung totoo. Hindi naman ako tumatambay sa mga kanto. Saka para sa isang babae ang sama tingnan na nanghihingi. Minsan sinasabayan pa s'ya ng mga tropa n'ya sa mga trip n'ya. Pinag iipon naman nila ang barya, at di ko alam kong para saan 'yon.
Tanda ko pa nung nalasing ako isang beses. Hinatid n'ya ako sa bahay namin. Pagdating ko sa gate, ayon nawala pagkalasing ko kasi para lang akong basura na iniwan n'ya, wala man lang bye o ano-ano. Ang bilis n'yang magpatakbo sa motor n'ya at ang kotse ko iniwan nalang namin nun sa bar na pinagdalhan n'ya sakin. Sigaw nga ako ng sigaw bumalik lang s'ya pero walang effect. Kinabukasan namaos pa ako.
May mga oras din na may biglang lalapit sa table namin na babae na kilala ni Alex, tapos nagsusumbong na binabastos sila. Kahit gaano pa kalaki ang kalaban, hala sugod. Sasapakin n'ya talaga at sapul na sapul pa sa mukha. Instant super hero agad tingin sa kanya.
Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ng ginagawa n'ya ay 'yong ginigising n'ya ako sa tulog ko sa madaling araw kasi nagpapahatid ng pagkain sa bahay nila. Bukod sa tatakasan ko si mama, nakakatakot din maglakad sa dilim papunta sa bahay nila. Hindi man lang maawa sa akin. Tapos ko ihatid 'yong pagkain sa kanya, para akong asong binubogaw palayo. Di man lang ma appreciate ang effort ko.
Pasaway talaga s'ya. Lahat nalang ng delikado gusto n'ya gawin. Hindi ko s'ya maawat-awat. Syempre rason n'ya 'yon na gawain n'ya nung wala pa ako. Alangan naman bagohin ko daw s'ya sa mga nakasanayan n'ya. E minahal ko nga daw s'ya dahil sa ugali n'yang balasubas e. Nag aalala lang ako minsan dahil baka ang tapang n'ya ang magpahamak sa kanya pagdating ng araw.
Ako naman pag naiinis s'ya sa akin. Ginugulpi ako; piktos, kurot, siko, batok, hampas, tadyak at etc. etc. etc.
"Going strong." Natatawang sabi ni Andrew.
"Going strong 'yong relasyon namin o going strong dahil lage nalang akong nabubogbog ng kapatid mo?" Tanung ko na naiinis talaga sa biro ng tadhana.
"Pareho. Malamang." Sabay tawa n'ya at nagawa pang makipag cheers sa akin.
Five months na. Fiiiiiiveeeee pagtitiiiiis monthssssss!
"Pero alam mo. Bilib na bilib talaga ako sa'yo tol. Biruin mo. Kahit sakal ka na go ka pa rin ng go. Kung ako nasa kalagayan mo. Hahanap na ako ng iba kaysa naman magtiis sa ugaling di mo ma-spelling." Sabi ni Andrew na napatango-tango pa.
Napalagok ako ng alak. Napabuntong hininga na lamang.
"Hindi kaya nasira ang ulo ko nung nabangga n'ya ako tol?" Tanung ko.
Pwede rin naman 'yon hindi ba?
"Pa check up ka ulit baka may nabarang kulangot dyan sa isang nerves mo." Biro n'yang sagot. At sabay kaming nagtawanan.
"Sa tingin mo mahal n'ya ba talaga ako?" Tanung ko na naman. Hindi talaga ako nauubosan ng tanung pag si Andrew kasama ko. Turing ko nga sa kanya ay mentor.
"Mag syota kayo pero di mo malaman kung mahal ka n'ya? Binibiro mo na naman ako e." Sagot n'ya na pinipigil na matawa sa akin.
"Di nga s'ya nag I Love You sakin kahit isang beses lang. At hindi nga kami naghahawak kamay o nag aakbayan. Ni walang ang hug at kiss." Para akong batang nagsusumbong at naghahanap ng kakampi.
"Ako pa talaga pinapasahan mo sa problema mong 'yan. E wala naman akong alam tungkol sa seryosong bagay tulad n'yan." Nalilito din si Andrew. Ni wala s'yang direktang masabi sakin. Kahit naman siguro sino talagang hindi maiintindihan ang kalagayan ko. At di ko rin maintindihan sarili ko kung bakit ganito ako, kung bakit mahal na mahak ko si Alex.
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)
RomanceTitibo-tibo man ang babaeng gusto ko, s'ya at s'ya pa rin ang gugustohin kong mahalin. Marami man hadlang alam kong kayang-kaya namin itong lampasan.