Honestly and to be fair sa feelings ko, naka let go na ako sa kanya pero ito stuck up pa din ang puso ko. I dont know bakit nagawa ko pang magmahal o baka imagination ko nalang na mahal ko pa si Alex. Hay! Alam ko, it is a form of cheating sa girlfriend ko. Kaya lang ano magagawa ko kung nananatili pa rin s'ya sa puso ko. Mahal ko rin naman Mariel, pero mahal ko pa rin si Alex more than anything. Turn between two lovers ang drama ng lolo Max n'yo.
Magulo ba? Maske ako naguguluhan na rin sa takbo ng love life ko. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana at ni Cupido. Kailan kaya nila ako tatantanan?
Masaya naman ako kay Mariel minsan pag hindi s'ya inaabotan ng topak sa utak at alam ko ganun din s'ya sakin. Marami na nga s'yang plano para sa aming dalawa. Sa ngayon, pinag iiponan pa namin ang dream house na gusto namin bilhin sa tabi ng beach, kahit ayoko sa bahay na 'yon e gusto n'ya naman kaya ok na din kaysa magtalo pa kaming dalawa. Tapos gusto n'ya din mag ipon ng bahay bakasyonan na itatayo namin sa Pilipinas. Basta marami s'yang plano at isa na dun ang garden wedding na matagal n'ya ng pinapangarap.
Sa totoo lang. Hindi pa ako sigurado kung s'ya ba talaga gusto kung makasama, dahil may mga bagay akong hinahanap na wala sa kanya. Patawarin sana n'ya ako pero may kulang talaga sa relasyon namin. Hindi ko alam kung ano ba ang kulang, isa lang ang alam ko. Hindi ako kuntento.
"Working again? My God! Since I knew you up until now you never change! Working is your priority not me." Agad n'yang sabi pagpasok pa lang ng pinto sa office ko.
"Bakit di mo sinabi na magda-drop by ka?" Tanung ko at binaba ang binabasa kong paper works.
"I want to surprise you. But guess what. Ako pa ang na surprised." Inis n'yang sabi.
"Nag undertime ka na naman. Di tatagal matatanggal ka na naman sa trabaho na 'yan." Sabi ko na pinapangaralan s'ya.
Napakasayang n'ya kasi sa oras sa trabaho, nanghihinayang ako palagi kasi dai na n'yang trabahong sinayang. Tapos napakalaki n'ya gumastos kaya minsan natatambakan s'ya ng mga bayarin. Kung trabaho man ang priority ko sa ngayon dahil lang din 'yon sa gusto ko ng magandang buhay kung sakaling magkakapamilya na ako, habang s'ya puro plano pero priority naman n'ya mamahaling gamit at make up. Minsan na di-disappoint ako kay Mariel dahil dun. Alam ko kilay is life at make up is happiness sa mga babae pero ang sobra ay addiction na.
"Pina-practice ko lang ang sarili ko noh. Soon to be your wife na ako e. No need to work na. That's why I am making sure na hindi ko hahanap-hanapin ang office ko if we settle down na. Alangan naman saka na ako mag adjust if kaka settle down natin. Its too hard for me then." Pangangatwiran ni Mariel.
Ngumiti nalang ako. Sobrang advance talaga n'ya mag isip.
"Kain nalang tayo?" Tanung ko.
"Umiiwas ka ba?" Tanung n'ya naman sa akin.
"Hindi. Hindi. Ginutom lang naman ako." Tangi ko.
"You better get rid of that Alex sa utak mo Max. Ayokong may kahati sa buhay mo." Pagalit n'yang sabi at napailing na lamang ako.
Ito na nga sinasabi ko, prino- provoke na naman ako ni Mariel over sa isang tao na di ko na nakikita. Ayoko pa talagang pag usapan ang mga bagay na masisilan, hindi ako umiiwas dahil may feelings pa ako kay Alex, ginagawa ko lang 'yon para wala kaming pagtalonan.
"Alam mo dapat lumipat ka na rin ng place. Why not live with me? Time na rin bumukod ka sa parents mo kasi kaya naman nila buhayin ang mga sarili nila." Sabi n'ya sakin, gusto na rin n'ya kasing magsama kami pero para sakin hindi ko gusto dahil di pa kami kasal.
"Excuse me."
"I know I have no rights to tell you this. Pero once nag settle down na tayo ayoko naman kasama natin parents mo."
"Bhe parents ko sila at ako nagdala sa kanila dito."
"Bhebhe ko. Sorry pero wala akong plans tumira with them we should have our own house din naman. Our own life without them. Isa pa pwede mo naman sila madalaw anytime. What I-"
"Mariel pwede ba don't talk like that about my parents."
"When are we going to talk about it Max?! I am so tired understanding you and putting first. How about me?"
Nanggagalaiti ako sa galit sa kanya, pero pinigilan ko ang sarili ko na masigawan s'ya. Bumalik ako sa trabaho ko at dini-deadma nalang si Mariel. Bigla n'yang hinablot ang mga hawak kong papel saka itinapon sa sahig. Napabuntong hininga ako at tumayo para pulitin ang mga ito. Di pa s'ya nakontento e pinagsasampal n'ya pa ako.
"Tama na!" Sigaw ko at nanlilisik ang mga mata sa galit habang hawak ang kanyang kamay.
Napaluha si Mariel at agad ko s'yang binitawan at bumalik sa aking kinauupuan.
"I hate you!" Sigaw n'ya at patakbong lumabas ng office ko.
Napaka moody n'ya talaga, ngayon masaya mamaya malungkot o di kaya ay galit. Sanay na ako sa ugali n'yang pabago-bago pero habang tumatagal lalo s'yang lumalala at minsan naiisip ko na baka kulang lang ng sapak.
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)
RomanceTitibo-tibo man ang babaeng gusto ko, s'ya at s'ya pa rin ang gugustohin kong mahalin. Marami man hadlang alam kong kayang-kaya namin itong lampasan.