Marami ang nagtataka sa aking biglaang pagbabago, hindi pisikal kundi 'yong pagbabago sa buhay ko at kong ano ang plano ko sa hinaharap. Kung may mga tao man pinagkakatuwaan ang nangyayari sakin, meron din naman na curious at tinatanong ako kung anong sakit ang dumapo sa akin o di kaya may nakain ba daw akong hindi kaaya-aya. Natatawa ako minsan sa mga tanong nila, at isa lang ang sinasagot ko sa lahat. Naging honest na rin kasi ako kaya katotohanan lamang ang laging lumalabas sa bibig ko ngayon. Ano ang sagot ko sa mapanglait na tanong nila? Simple lang, sinasabi ko na na-inlove ako sa isang babae at s'ya ang nagmulat ng mga mata ko upang ituwid ang bako-bakong daan ng buhay ni Max. Ilan sa kanila tinuturing kabaliwan iyon at ang iba naman hindi naniniwala, minsan pa nga tinatawag na nila akong baliw. Tinatanggap ko ng maluwag sa aking puso ang kanilang reaksyon, wala naman akong magagawa kung ayaw nilang maniwala. Ewan ko kung may natutuwa sa biglaang transformation ko, pero ito ang sigurado, masayang masaya si mama. Sabi pa nga n'ya di n'ya na ako kailangan pang e baby kasi nag-matured na ako dahil sa nagiging responsabling tao na rin daw ako sa wakas. Biniro pa nga n'ya ako na gagawa na daw sila ni Papa ng baby kasi wala na daw silang baby, kalokohan. Tatanda na gusto pa magkaanak ulit.
Kung dati invisible ako sa klase, ngayon pansin na pansin na ako ng mga titser, nagpapa-participate na kasi ako at sinisipag akong mag aral para naman may maipagmalaki ako kay Alex. Nakakahiya naman kong malaman n'yang bolakbol ako sa skwela. Binago ko na rin ang pakikitungo ko sa mga babae lalo na sa mga dati kong type, syempre pinapakita ko sa kanila na gentleman na ako at kinakausap ko na sila na may paggalang, tingin ko nga sa kanila parang tinuturing ko na silang lola. At pagdating sa allowance ko, ayon iniipon ko na, hindi tulad ng dati gasta ng gasta. Pati tambayan ko binago ko, kung dati sa parking lot o canteen ako makikita, ngayon nasa library na ako, nag reresearch ng homework. O di ba bumait na ako? Iba pala talaga pag may inspirasyon, lahat ng imposible dati nagiging posible na.
Step by step na akong naka adjust sa buhay, feel na feel ko na ito na talaga ang break na hinihintay ko. Alam kong napakababaw lang nito para sa iba pero para sa tulad ko na bolakbol sa buhay, ito'y isang malaking achievement para sa sarili.
"Pasensya kana talaga Max kung lagi ka nalang tinataboy ng kapatid ko. Nakakahiya na nga sa'yo e, ikaw pa 'tong mabait, ikaw pa 'tong nata-trato ng hindi maganda." Nahihiyang sabi ni Andrew habang solong kaming nagsalo sa tanghalian sa katapat na Carenderia ng Construction site kung saan s'ya pumapasok. "Hayaan mo pagsasabihan ko s'ya."
"Ok lang 'yon. Ako nga itong nahihiya sayo kasi para akong aso habol ng habol sa kanya. Baka isipin mo may iba akong pakay sa kanya." Sabi ko naman at napabuntong hininga na lamang. "Sobrang natamaan talaga ako sa kapatid mo."
"Ano ka ba tol? Hindi naman ganun tingin ko sa'yo. Mas gusto nga kita kaysa sa ibang nanunoyo sa kapatid ko e kasi mas pinipili mong kausapin ako sa problema mo kay Alex," nakangiting sabi ni Andrew na nakakataba ng puso.
Hindi ko matanggihan ang panglilibre ni Andrew sakin ng araw na 'yon, kasi nga daw e sweldo n'ya at gusto n'yang bumawi para kay Alex. Ang babait naman ng future kapatid ko.
"Hayaan mo kakausapin ko s'ya mamaya. Sasabihin ko maging mabait sa'yo total wala ka namang ginagawang masama sa kanya." Paniguradong sabi n'ya. "Mabait naman talaga 'yon. Simula nung natigil 'yan sa pag aaral at hiniwalayan ng boyfriend, umikot nalang ang mundo n'yan sa trabaho n'ya. Minsan nag aalala din ako kay Alex, baka ma depress at mawala sa sarili."
Napaisip ako na baka inlove pa rin si Alex sa ex n'ya kaya ayaw na ayaw n'ya sakin. Baka umaasa pa rin s'ya na magkakabalikan sila kaya iniiwasan n'ya ako. Nakakasakit sa puso isipin na may karibal ako sa kanya. Ang mas nakakalala pa ng sitwasyon, may memories sila habang kami wala.
"Baka gusto lang muna n'ya na focus lang s'ya sa ibang bagay. Mas na inspired nga ako dun e. Kayo pa 'tong wala, kayo pa 'tong nag sisikap. Ako, kahit meron kaya mga magulang ko, ayon winawaldas ko lang ang kanilang pinaghihirapan nila." Sabi ko kay Andrew na napaisip din kong gaano ako kawalang utang na loob na anak.
"Bumawi ka sa kanila pag may trabaho kana," tinapik ni Andrew ang balikat ko.
Ngayon ko lang talaga lahat na-realize na ang ibang tao nagsusumikap para kumita ng pera para makatulong sa pamilya o di kaya makapag aral, at ako parang loko-loko lang, sinasayang ang bawat centimo na kinikita ng mga magulang ko. Mas lalo akong namulat sa realidad ng buhay, nabulag talaga ako ng karangyaan at ito siguro ang nakukuha mo pag puro mayayaman din ang naging kaibigan. Sa mga mayayaman kasi, lahat nalang patalbugan, padamihan ng pera at pamahalan ng gamit. 'Yon lang ang problema nila, nag aastang walang pakialam kung ilang libo man magastos nila sa mga walang katuturang mga bagay. Ako ngayon, nagpapasalamat talaga ako at may mga tao akong nakilala tulad nila Andrew at mga tropa n'ya lalo na si Alex. Tingin ko sa kanila tuloy anghel na nagbabalat kayo para gisingin ako.
"Saka mahirap ubusin pera n'ya kasi nag-iisang anak ka," sabi ni Andrew.
"Hindi naman. Umaasta lang akong mayaman. Ni hindi ko nga alam kung may pera pa ba kami sa bangko. Kung gusto na mag retiro ni Papa. O kaya pa ba nilang tustosan ang pag aaral ko. Wala kasi akong alam sa lahat ng bagay. Ang alam ko lang sayangin ang pera nila." Malungkot kung pahayag na may kasamang konsensya na rin. Bakit hindi ko naisip yon dati?
"Wag kang mag-alala tol. Di pa naman huli ang lahat." Sabi ni Andrew na pinalakas ang loob ko sabay tapik sa balikat ko.
Nakaramdam ako ng sinsiridad sa magandang pakikitungi ni Andrew sakin at mas namulat ako sa katotohanan na kailangan din kumayod para maging successful. Parang pinapahiwatig ng panahon na dapat na talaga akong magbago hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga magulang ko, at sa lahat ng kanilang sakripisyo para sakin. Sana di pa huli ang lahat upang magbago at bumawi sa kanila, sana kaya ko pang habulin ang mga nasayang kung oras. Gusto ko rin patunayan sa sarili ko na kaya ko rin naman magpursegi at may mga pangarap rin naman ako sa buhay na gustong matupad. Lahat ng gusto kong baguhin sa sarili ko e hindi lang para sa iba, gusto ko rin tong gawin para sakin.
"Nak may nakain ka ba ngayon na hindi mo nagustuhan?" Tanung ni Mama pagkadating n'ya.
"Wala naman po," sagot ko. "Bakit mo naitanung ma?" Tanung ko sa kanya dahil na curious ako.
"E kasi naman nag-aaral ka. Di ka naman ganyan ah," sagot n'ya na nagtataka ng makita ang mga libro ko sa mesa. "May gusto ka bang hingin? O ipabili?" Tanung n'ya. Ganun kasi ako pag may gustong hingin sa kanila dinadaan ko sa pagiging mabuting anak kono.
Napalingo-lingo ako habang nakangiti. "Nag-aaral lang talaga ako ma. Gusto ko lang hingin e hapunan."
Napasulyap si Mama sakin bago nagtungo sa kusina para magluto ng kakainin naming hapunan. Alam kong litong-lito s'ya pero sana masaya s'ya sa nakikita n'yang pagbabago sa akin.
Hindi ko naman ginagawa ito lahat para kay Alex, I came to realize din naman kasi na isa sa nagugustohan ng babae sa isang lalaki ay kung gaano s'ya ka porsigido sa buhay. Marami na rin naman akong sinayang na oras sa pagbobolakbol, kaya it's about time bumawi naman at para matupad ko ang mgandang kinabukasan. Thankful ako na nakilala ko si Alex, s'ya 'yong nagbigay liwanag sa madilim na daan na aking tinatahak, at kung maging successful man ako in the near future, forever akong magiging grateful sa kanya.
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)
RomanceTitibo-tibo man ang babaeng gusto ko, s'ya at s'ya pa rin ang gugustohin kong mahalin. Marami man hadlang alam kong kayang-kaya namin itong lampasan.