10. One point over one hundred.

4.6K 104 3
                                    

May plano na ako sa lahat ng moves ko sa panliligaw, pray ko lang sana ay umayon sa akin ang dyosa ng kapalaran. Tinatawagan ko na rin pati si Cupido na sana panain n'ya na ang puso ni Alex para mahulog na ang loob n'ya sa akin tulad ng ginawa n'ya sa akin nung unang beses ko nakita si Alex. Nagdasal nga ako kay Zeus na sana maging kasing gwapo ni Hermes at kasing lakas ako ni Hercules. Para na akong nababaliw sa excitement. Alam mo 'yong feeling na nababading ka sa kilig tuwing may iniisip ka na gusto mong mangyari that day between sa inyong dalawa, I mean may mangyaring maganda at wag kang dirty minded kasi ang gusto ko lang makipag heart to heart talk sa kanya kung papalarin man.

Tulad ng napagkasundoan namin, sinundo ko sila sa bahay nila. Ang saya-saya ng mukha ni Tatay Gusto at ang kulit pa ng suot nya. Para s'yang nagmukhang isa sa mga seven dwarfs ni Snow White, naka tack in ang kanyang green shirt sa maong nyang highwaist na pantalon at naka tictac pa na black shoes. At si Alex, sa simpleng ayos n'yang naka pantalon at shirt, umaapaw pa rin ang gandang taglay n'ya. Heto na naman ako, nahuhulog na naman ako sa kanya, pauli-ulit nalang tuwing nakikita ko s'ya. Ano kaya ang panghatak n'ya sa akin at nakakabaliw s'ya pagnakatingin na ako sa kanya?

"Ito ba ang kotse mo?" Tanung ni Tatay at lumibit pa sa kotse ko. "Ang ganda. Ang kinis." Sabi ni Tatay Gusto na binugahan ng hangin ang salamin saka pinahid ng sariling kamay. Napangiti ako. Nakakatuwa talaga s'ya.

"Tatay Gusto ang astig ng porma natin ah. Saan ang lakad?" Pansin ng mga binatang dumadaan.

"E lilibre kami ng boyfriend ni Alex sa presidential restaurant!" Pagmamalaki n'ya na tumayong nakapantay ang dalawang paa at inaayos ayos ang buhok.

"Oy Gusto big time kana pala at kung papalarin 'yan ang maging asawa ng anak mo aba'y magiging mansyon na ang bahay n'yo." Sabi naman ng isang ale na nakatambay sa may tindahan.

"Maniwala kayo dito kay tatay. Kaibigan lang po s'ya ni kuya." Sabi ni Alex.

"Naku Alex. Bagay naman kayo n'yan. Ang poge nga e. Wala ba 'yang kapatid ha?" Nagtatawanan na ang mga nakatambay at tuwang tuwa naman si Tatay Gusto sa atensyon na nakukuha.

"Tara na. At baka tayo ay maubosan ng pagkain sa restaurant." Yaya ni Tatay Gusto at sumakay agad sa back seat ng buksan ko.

Si Andrew ang s'yang nauna sa restaurant kung saan ko sila e lilibre. Unahan kasi ng seats doon. Ayoko naman silang dalhin sa ibang restaurant dahil andun ang mga masasarap na pagkain na tiyak magugustohan ni Tatay Gusto.

Parang bata si Tatay Gusto na dumudungaw sa bintana at lahat ng magagandang natatanaw ng kanyang mga mata ay kanyang pinupuri. Si nanay Eba naman nakatanaw lang sa labas ng salamin ng kotse at kalmado, habang ang katabi ko, walang imik.

"Alex." Pabulong kung tawag. Lumingon sya sabay taas ng dalawa nyang kilay. "Salamat."

"Para saan?" Tanung n'ya.

"For this chance." Nakangiti kung sagot. How I wish sa susunod kami nalang dalawang ang magde-date. "Sana may kasunod pa."

"Ang OA mo rin." Naiinis n'yang sabi.

Pagdating namin sa restaurant ay agad kaming sinalubong ni Andrew. Si Tatay Gusto manghangmangha sa magandang mga ilaw at sa lugar. Nakaka-touch talaga na may napapasaya akong tao, isang taong kahit kailan man hindi naranasan kumain sa ganitong klase ng lugar o kahit maghanda ng masarap ng pagkain sa kanilang hapag kainan. Feeling proud ako sa mga oras na 'yon sa sarili ko.

"Tay wag makulit ha," paalala ni Alex sa Tatay n'ya sabay hawak sa braso nito.

"Tayo ba pipili ng gusto natin ha?" Pabulong nitong tanung.

"Umorder ka lang Tatay. Kahit ano basta gusto mo." Sagot ko at kinindatan si Alex. Hindi ako pasikat o di kaya'y ginagawa lang yon dahil parte 'yon ng strategy ko sa panliligaw kay Alex. Taos puso kong ginagawa 'yon kasi gusto ko maranasan nila ang hindi pa nila nararanasan.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon