46. Kasal-kasalan.

4.4K 83 0
                                    

Napakasaya ng mga mukha ng mga dumating sa kasal. Ako? Mukhang ewan at walang gana, dagdag mo pa sa kabwesit sa paulit-ulit na naririnig na CONGRATULATION.

Isang garden wedding ang hinanda namin ni Mariel, her choice not mine, mala fairy tale tulad ng gusto n'ya. Nagrenta pa ako nang venue para sa araw na ito, mga kwarto para sa special visitors at limusine. Sayad na sayad pa pati savings sa aking banko, at ito ang napala ko sa babaeng ihaharap ko sa altar, niloko ako ng bonggang-bongga. Hayop di ba?

"Naligo ka ba? Bakit ganyan buhok mo? At amoy kama ka pa. Amoy alak. Tapos gusot pa suot mo. Max. 'Wag ka ngang ganyan. Nakasimakot ka pa. Anak naman e. Ngiti naman dyan." Natatarantang sabi ni Mama na pinaligoan pa ako ng pabango n'ya. Nag amoy babae tuloy ako, baka akalain pa ng iba galing pa ako sa ibang kandungan ng babae kaya ganun amoy ko.

Hindi dumating si Alex, expected ko naman 'yon. Siguro kung dumating man s'ya, gusto ko ng takasan lahat ng 'to kasama s'ya at itanan nalang s'ya kahit labag sa kalooban n'ya. At si Kendrik naman, hindi rin nagpakita.

"Max. Mag uumpisa na. Tayo na." Sabi ni Papa.

Lahat ng nag-attend e naka ngiti, masaya para sa amin ni Mariel. Ako naman nakasimangot talaga. Ang ganda ng mga bulaklak sa paligid, lalo na ang mga paruparu na nagliliparan, sayang na sayang na sa ilang minuto nalang, ang lugar na ito ay magiging bahagi na ng past ko na hindi ko na kailan man babalikan pa. Nakatayo ako sa harap ng altar katabi si Papa at ang bestman ko na kaibigan din ni Mariel, at hinihintay s'ya. Panay dasal ko na sana dumating na si Kendrik para matapos na ang palabas na ito. Nakikita ko s'ya na masayang naglalakad palapit sa akin, napakaganda n'ya sa suot na gown kahit buong-buo na ang umbok sa kanyang tyan, kung di lang sana s'ya gumawa ng kalokohan, baka s'ya na talaga ang ka forever ko e, tanggap ko na kasi na di talaga kami ni Alex, sobra akong nanghihinayang.

"This is disgusting." Bulong ko sa kanya ng humarap na s'ya sakin at hinihintay na hawakan ang kanyang kamay.

"Max." Naiiyak na s'ya pero pilit n'ya itong pinipigil.

"Akala mo di ko malalaman? Anong tingin mo sakin madaling lokohin at utoin?" Tanung ko sa kanya at nagpanic na ang bestman pati si Papa.

"What do you mean?" Tanung ni Mariel at pilit akong niyayakap kahit na tinutulak ko s'ya palayo sakin.

Nahkaguko na ang mga tao, at nagbulong-bulongan.

"Anong nangyayari?" Tanung ng Mama ni Mariel na hinawakan sa magkabilang balikat ang kanyang anak.

"Max. I am not fooling you. Why do you think-"

"Shut up! Enough with your lies Mariel! Sigaw ko na di na nakayanan ang bigat na nararamdaman ko.

"Bhebhe. Please let us talk after the ceremony." Pagmamakaawa n'ya.

"No. Wala ng kasalan magaganap. Bakit pa ako magpapakasal sa'yo Mariel e niloko mo na nga ako di ba? Bakit di ka nalang bumalik sa totoong ama ng baby mo?"

Nagulat si Mariel sa sinabi ko at napaiyak habang pilit akong hinahawakan sa kamay. Naawa ako sa kanya, kaya lang napaka unfair n'ya talaga sakin. Kung di ko pa nakilala si Kendrik, habang buhay akong magiging bulag sa katotohanan.

"What?!" Galit na tanung ng Papa ni Mariel at tiningnan ako.

"Hindi ako ang ama ng dinadala n'ya. Kaya hindi ako pwedeng magpakasal sa anak mo. Sorry Tito. Sorry. Maling-mali kung paninindigan ko man ang naging bunga ng kanyang pagtataksik sakin. Sorry."

Nag walk out na ako sa venue at hinayaan naman ako ng parents ko na umalis. Alam kong pinahiya ko si Mariel sa harap ng maraming tao, ginawa ko lang naman 'yon para malinis ang pangalan ko dahil dati pa nila akong pinaghihinalaang may babae at di nila ako pinagkakatiwalaan na maging kabiyak ni Mariel.

Wala akong ibang maisip na lugar na pwede kong puntahan kay sa burger shop nalang ako nagpunta para abangan si Alex.

"Anong ginagawa mo dito? Di ka pa ba late sa kasal mo?" Tanung n'ya na nag-aalala pa na baka ma-late ako sa kasal ko.

"Tapos na." Sagot ko.

"Ang bilis naman yata." Sabi n'ya na tinitigan ako.

"Saan ka pupunta? Pwede bang sumama?" Tanung ko kay Alex.

Papunta kami sa plaza at dumaan muna sa Coffee Shop para magtake out ng kape. Tahimik ko lang s'yang sinundan.

"Di ba pagkasal may program pa 'yon pagkatapos ng ceremony?" Tanung n'ya at naupo na kami sa bench sa harap ng fountain.

Napatitig ako sa kanya habang pinapanood niya ang mga taong nagdaraan, nasa tabi ko na si Alex ngayon at napanatag ang loob ko na kasama ko s'ya. Kahit na para binagsakan ako ng langit, napakagaan ng pakiramdam ko.

"May boyfriend ka na ba?" Tanung ko sa kanya.

"Ano naman pakialam mo sa love life ko?" Naiinis n'yang tanung sakin. "Napa weird mo ngayon." Dagdag n'ya pa.

"Kasi gusto kitang ligawan ulit tulad ng dati." Sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Alex at muntik pa n'ya mabuga ang kape n'ya sakin.

"Gago! Ano gagawin mo kong kabit?!" Galit n'ya tanung.

"Sino ba may sabing ikinasal ako?" Tanung ko din sa kanya.

Napatingin s'ya sakin at sa suot ko. Nakalimutan ko oang tanggalin ang rosas sa bulsa ng suit ko kay dali-dali ko 'tong kinuha at itinapon sa likoran ko.

"Anong drama mo? Runaway groom?" Natatawa n'yang tanung sakin.

"Nakakatawa ba para sa'yo?"

"Hoy! Maximo! Bumalik ka na dun sa venue ng kasal mo. Gago 'to. Ngayon ka pa aatras e ngayon na nga kasal mo. O gusto mo kaladkarin kita papunta kay Mariel? Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo ha."

"Alex-"

"Maximo 'wag mo kong pinagloloko!" Galit n'yang sabi at napatayo sa kinauupoan at palingon-lingon sa paligid namin. "Layoan mo nga ako. Baka pinaghahanap kana tapos maabutan pa tayo. Madamay pa ako sa drama mo."

"It's a long story Alex. Kaya maupo ka ulit dito. Dahil walang naghahabol sakin."

"Wag mo kong ma english-english Maximo."

Tumayo na rin ako sa bench at dinakot ang kanyang ulo sabay halik sa kanya, di na s'ya nakaangal dahil sa pagkabigla. Nang bitawa  ko na s'ya at tumitig sa kanya, ayon napalunok at injwan ba naman akong mag-isa sa park. Alam kong nabigla ko s'ya at dapat di ko ginawa 'yon pero di ko mapigil ang sarili ko e.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon