21. Lumambot din sa wakas.

3.9K 67 1
                                    

Linggong-linggo, akala ko makakapagpahinga ako ng mabuti kaya lang parang plakang sira ang tunog ng phone ko sa message tone nito. Nakakairita sa taenga.

Binuksan ko ang isang mata para tingnan kung sinu-sino ang nangungulit sa akin. Nang maaninag ko ng klarong-klaro ang pangalan ni Alex. Napalundag ako sa kama. Nawala bigla ang antok ko. Pero parang gago lang, kinurot ang sarili upang siguraduhin na hindi ito panaginip lamang. At nang napa aray ako. Saka ko binuksan ang mga message nya.

"Good Morning! :)"

"Gising na. Tanghali na. :*"

"Bc ata. Cge maya nalang."

"Hello?!"

"Kung klan pa hindi bc sya rin 2ng bc."

"Textback ASAP!"

"Max!"

"Bahala ka na nga jan! Inaasar mo na naman ako. Gago ka! :/"

Agad kong s'yang tinawagan.

At talagang sinasadya n'ya pang hindi sagutin ang tawag ko. Kaya hinayaan ko nalang na wag n'yang sagutin. Nag shower nalang ako para fresh na fresh.

Ewan ko ba kung bakit ang hirap-hirap n'yang spellingin kahit pag aralan mo pa ng mabuti at kabisasohin. Hindi talaga ganun kadali. Akala ko kasi dati lahat ng babae pare-pareho lang. 'Yon bang iisa lang ang hilig, gawain at gusto. Pero iba-iba pala, lalo na ang girlfriend ko.

Pagbalik ko sa kwarto, panay ring ng cellphone. Dinampot ko ito agad saka sinagot.

"Naglolokohan ba tayo ha?!" Galit n'yang tanung. Nakakabingi talaga ang boses n'ya pero lumulundag pa rin sa tuwa ang puso ko sa mga oras na 'yon.

"Ayaw mo kasing sumagot kaya naligo muna ako." Sagot ko. "Pakipot kasi." Bulong ko pa at marahan tumawa.

"Ano?! Anong pakipot?!" Sumisigaw na talaga s'ya. Daig n'ya pa si mama. Saka infairness, hindi s'ya bingi.

"Sabi ko umiikot." Natatawa kong sagot saka humarap sa salamin at nag poseng-poseng na para bang modelo ng bench. "Bakit ba ang kulit mo ngayon? May nakain ka bang hindi maganda sa panlasa mo ha?" Tanong ko. Curious lang. Di n'ya ugaling mag text o tumawag ng una sa akin.

"Gusto kong kumain ng kwek-kwek. Dun sa plaza." Sagot n'ya na huminahon din sa wakas.

"Namiss mo lang ako." Tukso ko.

"Ah ganun! Pwes wag na! Kaya ko naman mag isa!" Nagagalit na naman ang tigre.

"Hintayin mo ko d'yan." Pahabol ko bago n'ya binaba ang tawag.

Pakipot. Mapagkunwari. Magaling gumawa ng kwento. Di nalang talaga sinabi ng diretso na namimiss n'ya ang kagwapohan ko. Kailangan lang pala n'ya ng hot words para lumambot. Kaya lang, hanggang kailan naman? Di bale na nga. Ang importante may date kami. Kakain na naman ako ng itlog ng baby ng ibon. Talagang animal cruelty na talaga ito. Labag sa PETA ang ginagawa ng mga kwek-kwek vendor.

Plaza lang naman ang distenasyon. Kaya di na ako masyadong nag effort. Shirt at khaki shorts tapos casual shoes. OOTD na!

Binilisan ko ang pagsundo sa kanya. Baka iba na naman dumampot sa syota ko. Aba! Kung 'yon mangyari ulit. Lagot sila sa kamao ko pero kung mas malaki pa sakin. Ok lang kasi baka matalo pa ako. Kakausapin ko nalang ng maayos. Sakit pa naman mabugbog. Nakakawala ng poise.

"Akala ko di kana dadating. Aalis na sana ako. Buti nalang naabutan mo pa ako dito." Sabi nya ng magsalubong kami sa kanto ng daan papunta sa bahay nila.

"Pag nobya ko na nagyaya. Papalampasin ko pa ba? Boss kita e." Ang bango n'ya, bagong ligo. Sarap amuy-amoyin.

Inikot n'ya ang mata n'ya at sumimangot. Sinundan ko si Alex saka agad binuksan ang passenger seat ng kotse.Tumatakbo naman ako papunta sa drivers seat.

Nang dumating kami sa plaza. Ang daming tao kasi Linggo. May magpapamilya ang nagpunta at mga nagdi-date. Saka mas marami ang mga nagbebenta ngayon kaysa nung nagpunta kami. Nakakaaliw pala sa ganitong araw tuwing dapit hapon. Parang may fiesta lang. At lahat sila naka ngiti, masaya.

Sinundan ko lang s'ya habang hinahanap 'yong suki n'yang matanda. Hanggang makarating kami sa pwesto nito. Ngunit iba na ang nagbebenta dun.

"Kuya asan po 'yong may ari nito?" Tanung n'ya na tinuro ang bike na mismong kinargahan ng paninda.

"Benenta na ito ng anak n'ya pati na ang pwesto na ito eneng. Namatay na kase ang may ari nito." Sagot naman ng mama. " Bakit kamag anak ka ba n'ya?" Tanung naman ng matanda.

"Hindi po. Sige kuya. Mauna na po kami." Pagpapaalam n'ya.

Walang imik na bumalik kami sa kotse. Nalungkot siguro s'ya dahil wala na ang kawawang matanda. Hinayaan ko nalang muna si Alex at di kinulit. Syempre kaibigan na rin nya 'yon e kaya nalulungkot s'ya sa nabalitaan.

"You want anything?" Tanung ko. Napalingo-lingo s'ya ng wala. "Mall nalang tayo." Yaya ko sa kanya. Tumango lamang s'ya.

Naiyak-iyak s'ya kaya binigay ko muna ang panyo ko sa kanya. Di ko alam may sensitive side pala si Alex, hindi naman kasi halata. Hindi ko maintindihan kung bakit parang sobrang affected s'ya sa pagkawala ng matanda, parang may something na hindi n'ya sinasabi sakin. Gusto ko man alamin, hinayaan ko muna s'ya.

"Anong gusto mo?" Tanong ko.

Tumingin s'ya sa baba at napatingin naman ako. Namula ako. E di dapat pala hindi kami sa mall nagpunta.

"Hoy. Ano naman kagagohan iniisip mo?" Tanung n'ya sakin na habang titig na titig ako sa kanya.

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga n'ya para siguraduhin na walang makakarinig.

"Bakit di mo sinabi agad? E di dapat dumaan nalang tayo sa hotel."

Piningot n'ya ang tenga ko saka kinaladkad papunta sa sulok habang namilipit talaga ako sa sakit. Pinagtitinginan kami ng mga tao at ang iba pinagtatawanan pa ako.

"So iba iniisip mo. Kamay mo ang ibig kung sabihin. Manyak." Inis n'yang sabi at sinipa ako sa tuhod.

"Tama na. Nakakahiya." Pigil ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Gago ka talaga. Kung anu-ano kasi ang iniisip e kaya laging maling akala." Nagalit na naman at iniwan ako. Kaya heto ako hinahabol na naman s'ya.

Syempre naman noh. Kahit sino ang nasa posisyon ko iisipin 'yon. Hindi naman pangmamanyak 'yon e. Dapat kasi di na s'ya tumingin pa. Sinabi nalang n'ya sana para ma gets ko kaagad. Mahirap ba bigkasin ang salitang kamay? 

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon