16. Uwian na!

3.6K 97 2
                                    

Salamat naman at maganda ang kinalabas ng outing at ngayon ay pauwe na rin kami. Namimiss ko na si mama lalo na ang kama ko at ang ingay ng syudad. Paniguradong miss na rin ako ni mama. Umiiyak siguro 'yon kasi nasa malayo ang baby boy n'ya. Di pa naman 'yon mapalagay pag wala ako.

Plakda si Andrew, humihilik pa na natutulog sa gitna ng dalawang engot na babae. At ako full bar, syempre nasa tabi ko si Alex. Si Jass at Cheska naman parehong tahimik lang. Siguro napaos sa kakasigaw sa pagligo sa pool. Buti naman kasi pag nagsasalita sila naaalala ko 'yong mga chipmunks at walang kwentang mga salita lumalabas sa pareho nilang bunganga.

May plano na ako pagdating ko sa bahay; kumain at matulog. Kung pwede lang sanang euwe 'tong katabi ko para may mayakap naman ako sa aking pagpahinga e gagawin ko kaya lang hindi pwede baka mabogbog ako ni Andrew.

"May nagtext. Pakibasa naman." Sabi ko kay Alex nang tumunog ang cellphone ko at inabot sa kanya ito.

"Phone mo 'yan. Kaya basahin mo." Tangi n'ya na tiningnan pang ang kamay ko hawak-hawak ang cellphone ko.

"Babasahin mo o maaksidente tayo?" Pinapili ko s'ya kasi ayokong naalis ang mga mata ko sa daan. Kaya napilitan s'yang tanggapin ang phone. "Ibubulong ko yong password."Lumapit naman s'ya. "A. L. E. X. Capslock 'yan"

Bumalik s'ya sa maayos na pagkasandal sa kanyang upoann napatingin sakin at kindat lang sinagot ko.

"Gago ka talaga. Ingat-ingat ka baka mabaliw ka dahil sakin. Ako pa makabayad ng panggamot mo sa mental." Naiinis n'yang sabi habang pinipindot ang password.

"Baliw na nga ako e. Di ba halata?" Pang iinis ko pa sa kanya.

Nakakabaliw naman talaga ang ma-inlove, para kang nawawala sa sarili at paulit-ulit lang naiisip mo ang nagpapasaya sa puso mo. Minsan napapangiti ka nang wala sa oras at napapaisip ng malalim. Hay pag-ibig talaga kahit ang pinakamatigas na puso pag nahipo nito e lalambot at lalambot din.

"Si Diggz. Sabi n'ya invited ka daw sa birthday party n'ya." Himala at naisipan n'ya akong e text.

Matapos kasi nung tinuloy ko ang panliligaw ko kay Alex, e lumayo na sila sa akin nang napansin nilang umiiwas ako sa kanila. Akala mo naman isang krimen ang ligawan ang tulad ni Alex. Kahit kaibigan ko sila, hindi ko ipagpapalit ang tunay na kaligayahan. Minsan nga lang ito dumaan sa buhay na may taong kokompleto sakin e pakakawalan ko pa ba. Saka mula ng magsolo ako. Look at me now, Im a change person.

"Pupunta ba ako?" Tanung ko.

"Kaibigan mo s'ya, kaya bakit kailangan tanungin mo pa ako. Birthday n'ya kaya kung ako sa'yo pumunta ka." Sagot ni Alex. Kaya lang nagdadalawang isip pa din ako. Saka hindi ko pa alam ang mga details.

"Pag iisipan ko muna." Sabi ko.

"Wag mo na pag isipan," sabi n'ya. "Nag reply na ako na pupunta ka," dagdag n'ya.

"Ano?!" Gulat kong sabi.

"Mas ok na yan kaysa pag isipan," sabi n'ya at tinaasan ako ng kilay.

Napabuntong hininga at napailing nalang ako. Ano pa ba magagawa ko e s'ya na nag decide para sa akin?

Sobrang ingat kung minaneho ang kotse ko dahil baka ano pang mangyari sa amin lalo na't madaling araw kaming bumiyahe. Hindi ko naman pwedeng makarelibo si Andrew dahil sarap na sarap ito sa tulog n'ya, bukod sa lasing wala pangtulog. Kaya nakasalalay ang mga buhay nila sa akin. Mabuti na lamang at di ako tinulogan ni Alex, kasi kung nagkataon baka mahawa rin ako sa antok.

"Anong gagawin mo pagdating mo sa bahay n'yo?" Tanung n'ya.

"Syempre. Maliligo. Tapos kain. At tulog. Magpapahinga ako buong araw." Sagot ko na na-excited pa.

"Hindi ka nag enjoy?" Tanung n'ya sabay abot ng canned coffee sakin.

"Nag enjoy. Masaya ako kasi kasama kita. Baka hindi na nga maulit ito. Kaya nga binabagalan ko nalang takbo natin para mas may mahabang oras tayong magkasama." Birong may halong katotohanan.

"Sos." Sabi n'ya.

Kung buong buhay man akong magmaneho ng walang tulugan at walang pahinga, kakayanin ko talaga basta kasama s'ya. Pero kung pwedeng tumawad ng isang oras na tulog, tatawad ako. Hahaha hindi rin kaya pwedeng wala akong tulog.

Pagka-drop namin kina Jass at Cheska sa apartment nila e diretso ko nang hinatid sina Andrew at Alex sa bahay nila.

"Susunod ako. Mauna kana." Sabi ni Alex na pinauna si Andrew na makauwe.

"Bakit may pupuntahan ka pa?" Tanung ko sa kanya dahil hindi pa ito bumababa ng kotse.

"Wala lang. Gusto ko lang naman mag thank you dahil sa pakikisama mo sa friends namin kahit ginawa ka lang namin driver at may masasakyan," sagot ni Alex at umamo ang mukha.

Napangiti na lamang ako sa pinagsasabi n'ya. "No problem basta ikaw."

"Max. Please lang 'wag mo ubusin pagmamahal mo sa akin. Ayoko makita kang masaktan," paalala n'ya sakin.

"Bakit? Plano mo bang saktan ako?" Tamung ko naman.

Napangiti si Alex na tila malungkot. Alam ko naman hindi pa s'ya handang pumasok sa relasyon, gets ko na 'yon pero nag promise naman ako na hihintayin ko s'ya hanggang maging handa na s'ya.

"Basta."

Agad s'yang lumabas sa kotse ko at napasunod na lamang ako ng tingin at napabuntong hininga. Kulang pa ba ang mga efforts ko sa kanya?

Alam ni mama na darating ako kaya may hinanda s'yang masarap na breakfast, dali-dali akong nagbihis ng preskong damit para makakain na agad. Love na love talaga ako ni mama kahit na pasaway ako noon.

"Pagod na pagod ka. Kay magpahinga ka ngayon. May pasok ka pa bukas. Kumusta naman ang outing? Masaya ba? Yong Alex sinagot ka na ba?" Nakakamiss pala ang kaingayan ni mama.

"Ok lang naman ang outing. Masaya at marami akong naging bagong kaibigan. At ma, magsasabi ako sayo kung sinagot n'ya na ako. Ok? Kaya pwede ba kakain na ako. Ang sarap pa naman ng bacon mo."

There is no place like home talaga.

Kung alam lang ni mama na muntik na akong mamatay dun. Paniguradong magwawala s'ya. Pero shut up nalang ako tungkol dun baka di na ulit ako payagan sa susunod. Ok na rin ako. Buhay pa naman ako.

Habang nakahiga na ako sa kama ko di ko maalis sa isip ko si Alex, namiss ko s'ya agad. At di ako nakatiis kaya nag text ako sa kanya.

Me: Hi

Alex: Hello

Me: Ano gawa mo?

Alex: patulog

Me: ako iniisip kita

Alex: baliw

Me: baliw sa'yo

Alex: bahala ka d'yan

Me: 143

Alex: gago

Me: 143

At ayon di na nag reply si Alex. Kaibigan lang ba tingin n'ya sa akin? Mahal na mahal ko na talaga s'ya at alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon