Isang buwan na kami. Umabot din kahit pagapang ang relasyon na aking pinasukan. Ok lang. Kaysa naman hindi umabot nang ganito katagal.
Gusto ko s'yang e surprise. Isang surprise na hindi nya malilimutan. 'Yong pag matanda na kami babalik-balikan n'ya pa rin ito, 'yong e kwe-kwento n'ya sa iba kung gaano s'ya kasaya ng gabing 'yon.
Sa isang hotel ko naisipan mag set-up ng dinner date. At para romantic, inupahan ko ang rooftop nila kung saan tanaw na tanaw ang buong city.
Ginawa kong garden ang buong lugar. Nag-hire ako ng taga tugtog ng music. Saka todo get up din ang dalawang taga serve ng pagkain. At syempre mawawala ba ang aking napaka special na regalo?
Simple lang sinuot ko at ganun din naman s'ya. Kasi naman alam ko di n'ya bet mag dress ulit.
"Blind fold. Blind fold ka pa jan e. Madapa ako nito. Uupakan talaga kita." Reklamo n'ya habang hawak ko ang kamay nya habang paakyat kami ng rooftop.
Nang nakatayo na kami sa harap ng mesang uupoan namin. Nag umpisa ng tumugtog ng sweet music ang mga musikero. Hindi ko muna tinanggal ang blind fold n'ya.
"I love you Alex. Happy first monthsary."
Pagtanggal ko ng blind fold. Napangiti s'ya sakin. Alam ko nagustohan n'ya ang ginawa kong surprise.
"Dapat di ka na nag abala pa. Ok lang naman ako sa street food e. O di kaya sa fast food." Sabi n'ya na tiningnan ako.
"I dont mind spending a lot basta makita ko lang na masaya ang babaeng pinakamamahal ko." Sabi ko at pinaupo na s'ya.
Automatic naman na serve ng mga waiter ang pagkain namin. Course by course.
Thirty days kong natagalan s'ya bilang girlfriend. Isa itong achievement para sa akin. Sana mas lalo pa kaming magtagal. Kase desidido na ako na s'ya na talaga ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.
Matapos namin kumain. Uminom muna kami ng wine. Hinihintay ko rin na sabihin n'ya ang big bomb.
Big bomb? I mean, I love you.
One month na nga kami pero wala naman s'yang sinasabi na mahal n'ya ako. Kahit yon nalang gift n'ya, ayos na 'yon.
"Can I dance with you?" Tanung ko na tumayo sa kinauupoan ko.
Tumayo s'ya at humawak sa naghihintay kung kamay. Hinawakan ko ang hips ni Alex habang nasa leeg ko naman ang mga kamay n'ya.
Sway dito. Sway doon. Pwede kayang ganito nalang kami kalapit sa isa't-isa habang buhay?
"Mahal kita Alex. Mahal na mahal kita." Bulong ko sa taenga n'ya at naamoy ang pabangong super girly.
"Thankful ako sa lahat ng efforts mo. Sa mga pagtitiis mo sakin. Thank you din sa pagmamahal mo." Bulong n'ya din at napangiti.
"Ok lang naman 'yan Alex e. Sabihin mo lang na mahal mo rin ako ok na ako. 'Yan lang naman ang hinihintay kong marinig mula sa'yo para masigurado kong tapat ka sakin."
Umiwas s'ya ng tingin sa aking mga mata. Halatang may kinukobli s'ya na kung ano na hindi n'ya pwedeng sabihin sa akin. Girlfriend ko na s'ya pero bawal ko pa rin s'yang tawaging love, baby, honey o ano man na name calling. Gusto n'ya lang tawagin ko s'ya sa pangalan n'ya, kasi hindi daw s'ya comfortable sa name calling. Ganun ba 'yon? Unfair sa part ko di ba? Kasi lage nalang s'ya dapat masunod pero may magagawa ba ako? Wala, kasi mahal ko e, gusto ko ibigay sa kanya ang gusto n'ya kahit masakit sa akin. Napangiti na lamang ako sa kanya. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang isang taong hindi sigurado sa kanyang nararamdaman di ba? Ang importante binigyan n'ya ako ng pagkakataon para mahalin s'ya at maging parte ng buhay n'ya.
"Let's have a deal." Offer ko at sabay bitaw sa kanya. "Gawin natin lahat within one year ang mga bagay na gusto natin na magkasama. At kung hindi ka pa rin sigurado sa feelings mo. Then walk out na ako sa life mo." Sabay angat sa right hand.
"Max hindi-"
"Shhhhhh." At pinatong ang daliri ko sa labi n'ya. "One year."
"Pag hindi mo na kaya Max bumitaw ka na. Wag mo ng hintayin ang isang taon."
"Kaya ko. Alam kong kaya ko." Tiwala sa sarili ang pinaiiral ko kaya alam ko I can do it.
"Sorry kong pinapahirapan kita ng ganito. Ayoko saktan ka."
"Manatili ka lang sakin Alex. Ako na pupuno sa pagmamahal na di mo pa kayang ibigay. Ang hiling ko manatili ka lang sakin. Sapat na 'yon."
After ng dinner date namin. Hinatid ko na s'ya pauwe. Syenpre may work pa school at work pa s'ya. Ayoko dumagdag sa stress n'ya.
"Thanks." Tanging sambit n'ya.
"Happy monthsary." Ulit ko na naman.
"Ah. Oo nga pala happy monthsary." Tugon n'ya din sa akin at ngumiti.
Inabot ko kamay ni Alex saka ito hinalikan, agad naman n'ya binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Napakadamot n'ya talaga.
"Hatid na kita sa bahay n'yo?" Tanung ko.
"Wag na. Ilang lakad lang naman e. Saka alam ko pagod ka na." Sagot naman n'ya.
"Pagdating sa'yo walang pagod-pagod." Pagmamalaki ko.
"Wag na nga. Namimilit pa talaga." Naiinis n'yang sabi.
"Ok. Ok."
Sa sobrang effort ko napabili ako ng regalo sa kanya, 'isang singsing na di ko muna binigay kay Alex. Naramdaman ko kasi na hindi pa s'ya handa na mahalin din ako, na hindi pa s'ya sigurado sakin, saka ko lang isusuot sa kamay n'ya ang singsing na binili ko pag handang-handa na s'yang pagkatiwalaan ako.
Todo effort ako that day, napasobra pa nga para lang mahulog ulit ang puso ko sa kanya and at the same time masaktan. Paulit-ulit nalang ganun ang nangyayari sakin. Hanggang kailan ba ako magtitiis? Di ko rin alam pero kakayanin ko talaga lahat manatili lang s'ya sa buhay ko. Ang kinatatakot ko lang naman 'yong s'ya na mismo bumitaw sakin.
BINABASA MO ANG
ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)
RomanceTitibo-tibo man ang babaeng gusto ko, s'ya at s'ya pa rin ang gugustohin kong mahalin. Marami man hadlang alam kong kayang-kaya namin itong lampasan.