9. Payo ng magulang.

4.4K 120 5
                                    

**** I dedicate this chapter to my cousin Aljem who took his own life last June 11, 2014. Ey! You may be gone but you will always be in our hearts and mind. I do hope you are happy up there.

To those who are depress or needed someone to talk to, I am here for you guys. I gone through all the shit in this world, tried to kill and be killed also but God is good all the time, He saves me from my despair. *****

------------------

Minsan ko lang kinakausap ang mama ko ng seryoso, 'yon lang ang mga panahon na may importante akong kailangan tulad ng bagong cellphone o di kaya pera para sa barkada. Alam ko naman kasi na lagi s'yang busy sa business n'ya at si papa naman nasa malayo. Kaya ng umaga na 'yon talagang sinabi ko kay mama na mag uusap kami kung hindi magtatampo talaga ako sa kanya. Hindi naman s'ya pabayang ina, pareho naman sila ni Papa who tried hard to reach out with me, wala sa kanila ang problema ng lack of communication sa pagitan namin, nasa sa akin kasi panay barkada lang ang alam ko dati. Ngayon gusto ko kausapin si mama para malaman n'ya na nagtitino na ako sa klase matapos ang maraming taon.

"Anong pangungulit naman ito Max?" Tanung n'ya habang hinahanda ang breakfast naming dalawa. "Marami pa akong gagawin sa tindahan kaya wag mo akong isali dito sa mga kagagohan mo. Bagong cellphone? Dagdag sa allowance? Ano? Nang makalarga na ako. " Talagang ganyan na si Mama dahil nasanay s'ya na nakikipag usap lang ako sa kanya pagtungkol na sa luho ko.

"Hindi 'yon. Ibang bagay to ma. Seryoso. Puso sa puso." Naiinis kung sabi na umupo na sa nakagawian kung upoan tuwing kainan. "Inaayos ko na po ang buhay ko. Nag aaral na ako at nagli limit na po ako sa pagbabarkada. Gusto ko kasi maging proud kayo sakin."

Napangiti si Mama matapos ilapag ang sunny side egg at toasted bread sa mesa. "At ano naman nakain mo?"

"Mama naman e. Nagseseryoso na talaga po ako. Promise!" Sabi ko kasi gusto kong maniwala s'ya sa akin. Feeling ko kasi tingin n'ya nagjo-joke lang ako ng mga oras na 'yon.

"Anong kapalit naman n'yan?" Tanong ni Mama sa akin at napaupo na rin.

"Wala. Gift ko ito para sa inyo ni Papa," sagot ko at tinitigan s'ya sa mga mata.

"Buti naman at totally nag matured na rin ang Max ko. Ipagpatuloy mo lang 'yan anak," sabi n'ya at dinampi ang kamay n'ya sa kamay ko bago kumuha ng pagkaon n'ya.

Nilalaro ko ang pagkain ko ng matanung ko si Mama. "Ma paano ka po niligawan ni Papa? Sinagot mo ba s'ya dahil marami s'yang pera o dahil mahal mo s'ya?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. At nang makita n'yang hindi ako tumawa o ngumiti, bumontong hininga s'ya. "Mahal na mahal ko Papa mo at di dahil sa pera kaya napasagut n'ya ako." Sagot ni Mama at nilagyan ang toasted bread n'ya ng daricream.

"Paano ka naman po napasagot ni Papa?" Tanung ko na hindi nakuntento sa sagot n'ya.

"Max kung totoo man na may nililigawan ka hindi mo kailangan magpa impress sa kanya. Dapat kung ano ang nasa loob mo, 'yon lang ang ipakita mo sa kanya. Hindi mo kailangan gumawa ng mga bagay na hindi na kapanikapaniwala dahil hindi 'yon makakapagpasaya sa aming mga babae." Panimula n'ya. "Kung kokopyahin mo lang paano nanligaw ang papa mo. Wala ng originality 'yon. Parang dinaya mo lang s'ya. Gusto mo ba ng ganun? Dapat sariling sikap at diskarte anak upang magustohan at hanggang mahalin ka ng babae na 'yan."

"Ang hirap po pala manligaw," napabuntpng hininga ako. "Sana andito si papa para may tips s'ya sa akin." Nalulungkot kung sabi kasi na miss ko bigla si papa.

"Max, alam mo naman di ba na si papa mo anjan lang palagi para sa'yo. Ikaw lang itong walang oras na kausapin s'ya. Kahit nasaan man s'ya, isang tawag o text mo lang sasagot agad yon." Paalala ni Mama sakin.

Ilang taon din akong naging sakit sa ulo ng magulang ko. Ni hindi ko na nga napapansin na tumatanda na sila. Hindi ko rin pinahalagahan ang bawat pagsisikap nila. Ni hindi ko nga sila nasabihan ng THANK YOU, kahit isang beses lang. Ngayon ko lang napagtanto na napakasalbahi ko palang anak at hindi ko kailan man sila pinahalagahan.

"Ma sa tingin mo po ba magugustohan n'ya ako?" Tanung ko kay Mama.

"Bakit naman hindi anak?" Pabalik n'yang tanung sakin. "Ang gwapo-gwapo mo naman."

"Tingin kasi nila sa atin isang pamilya na mataas ang kalidad sa lipunan. Pakiramdam n'ya at ng pamilya n'ya ang layo ng agwat nila sa atin," sagot ko.

"Imbitahan mo s'ya dito minsan para makilatis ko naman. Hindi ko sinasabi na baka masama s'yang babae, ang akin lang gusto kong makilala s'ya," sabi ni Mama sa akin. "Ang pagmamahal kasi para yang sugal anak, pagnatalo ka, syempre may mawawala sa'yo, kaya ihanda mo sarili mo at wag kang masyadong umasa," paalala ni Mama sa akin. "At hindi madaling lumabas sa isang relasyon. Ayoko pang magka apo sa ngayon Max," natatawa n'yang sabi. "Dahil bawat magulang hangad ay makatapos muna sa pag aaral ang anak nila bago magkapamilya. Sana maintindihan mo ako. At alam mo, wala ka pang kapasidad maging ama."

"Iba s'ya sa ibang babae ma. At saka nasa stage pa po ako ng panunuyo. Ang advance mo naman mag-isip. Di pa nga sigurado kung sasagutin ako e." Natatawa kong sabi.

"Hindi mo pwedeng sabihin na iba 'yan hanggat hindi mo pa kabisado ang ugali n'ya. Wag kang magsalita ng tapos. Makinig ka nga sa akin. At pwede bang tawagan mo ang papa mo mamaya, para makahingi ka rin ng payo sa kanya. Ayaw ko lang mapahamak ka anak dahil marami pa akong pangarap para sa'yo."

Si mama talaga, kakaiba mag isip. Ganyan din ba ang mga nanay n'yo? Mabait naman ang mama ko, kaya lang pagnagalit talak ng talak. Pero kahit na moody s'ya, love na love ko pa rin si Mama.

Matapos ang mahabang pag uusap, parang nagdadalawang isip na tuloy ako kay Alex. Natatakot kasi akong masaktan, ayokong maiyak ng dahil sa pag-ibig. Ang sagwa pakinggan at nakakahiya, matawag pa akong bakla kung pagnagkataon. Pero andito na ako sa pangalawang stage ng panliligaw, umusad na nga ako e. Aatras pa ba ako? E d sumugal nalang. Matalo o manalo at least nalaman n'yang mahal ko s'ya.

Di na ako bata, magto twenty years old na nga ako e. Si mama at papa lang naman nagtuturing sakin na bata pa ako. Matanda man o bata, pagdating sa masisilan at mahirap na problema, sa magulang pa rin ang takbo natin. Sila kasi 'yong unang mga taong kabisado tayo, at sila lang ang tunay na nagmamahal sa atin. Kung napapagalitan man tayo o nasasabihan ng hindi maganda, wag natin kalimutan na mas alam nila ang tama at hindi nawawala ang pagmamahal nila para sa atin.

"Wala kang pasok?" Tanung ni Andrew ng pinuntahan ko s'ya sa site n'ya. Alam ko kinagulat n'ya ang biglaan kong pagsulpot dun.

"Meron," sagot ko. "Pero mamaya pa naman."

"Oh," napatingin s'ya sakin at hinubad ang hardhat. "Bakit ka nandito?" Tanung n'ya sakin.

"May itatanung lang kasi ako sa'yo," sagot ko na nag-aalangan. "Gusto ko lang may makausap kasi nalilito na ako ng sobra."

Napangiti si Andrew. "Ano na naman 'yan?" Tanung n'ya. "Tara sa tindhan at dun tayo mag usap," yaya n'ya sa akin sa canteen na malapit sa site.

Softdrinks at pandesal, malayong-mayo sa aking nakagawian. Dati pag may problema, dinadaan sa alak, ngayon dinadaan sa kain. I do miss sometimes yong dating ako, na walang pino-problema, kaso nga lang, pag bumalik ako sa daan na 'yon, for sure hindi na ako makakaahon pa. So happy na ako ngayon.

"Paano ba mang ligaw?" Diretsahan kong tanung kay Andrew na di na nahiya pa. Natawa si Andrew at muntik ng maboga ang softdrinks. "Seryoso."

"Ganito kasi 'yan," panimula ni Andrew. "Para mapa oo mo si Alex. Maging ikaw ka lang. Maging natural ka."

"Ganun lang? Paano naman mga regalo? Mga bagay na dapat kong gawin?" Tanung ko na super curious talaga.

"Hindi naman sa regalo 'yan tol," sagot n'ya. "Nasa kung paano mo ipakita sa kanya ang nararamdaman mo. Magpakatotoo ka lang. At magiging ok lahat."

"Ang hirap naman kasi ligawan ni Alex. Kakausapin ko lang, parang mangangagat na sakin," natatawa kong sabi.

"Be yourself. Yan lang maipapayo ko sa'yo. Wag mo isipin ang mga ganyang bagay, hayaan mo lang na mangyari ang lahat."

"Thank you tol."

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon