29. Tatlong taon na pala.

3.7K 83 1
                                    

Umabot na ako ng tatlong taon sa Australia. Talagang pinagbutihan ko ang pagiging Engineer. May sideline o part time jobs din akong ginagawa para makapag ipon ng malaki para sa mga plano ko. Naaawa na ako kay mama, lagi nalang s'yang umiiyak tuwing kausap ako sa skype. Plano ko na rin umuwe at pagbalik ko, dadalhin ko na si mama, pipilitin ko s'yang sumama sakin. Ready na ang papers n'ya, desisyon n'ya lang talaga inaantay ko e at si papa, last sakay na n'yang sampa sa barko. Pahirapan nga e ang pagpayag n'ya sa pag-resign pero nanalo pa rin ako. Sabay kaming uuwi, syempre surprise namin 'yon kay mama.

Matapos ang isang taon, nakabili na ako ng sariling bahay sa Pinas pero hindi ko balak tumira dun, ewan ko ba kung bakit, plano ko ngayon pagnadala ko na ang parents ko sa Australia e baka e benta ko nalang 'yon at mamalagi na kami sa ibang bansa. Bilang pasasalamat ko sa kanila gusto ko sa Australia na sila tumira, para malapit sila sakin at ako na bahala sa kanilang dalawa, dahil naging mabuti silang mga magulang sa akin, dapat lang suklian ko rin ang kabutihan nila Mama at Papa.

"Max. Hurry ok?" Sabi ni Grasya. S'ya kasi naghatid sakin sa airport. Sila tito at tita kasi nasa Thailand para sa anniversary vacation nila. Si Alberta naman pumasok sa school.

"Do I look like Tom Cruise today?" Tanung ko na pumo-posing pa.

"You wish!" Nainis n'yang sabi at pinalo ako sa ulo.

"Grasya naman! Sige di na ako babalik dito. Para wala kanang kuya na lagi mo nalang ginugulpi." Panloloko ko sa kanya.

"Max! I hate you! Ok you win. You look like, dress like, act like Tom Cruise. You gonna come back nah?" Natawa ako.

Ka-close ko talaga si Grasya kahit nung bata pa kami. Ako kasi tumatayong kuya n'ya dahil gusto n'yang magkaroon ng kuya at ako naman gusto ko magkaroon ng little sister. Sa loob ng tatlong taon, nakakabaliw s'yang kasama. Kung kani-kanino n'ya ako niririto, bina-blind date n'ya pa ako sa di ko kilalang mga babae. Grabe. Lagi n'ya rin akong ginagawang palusot sa parents n'ya tuwing late na s'ya umuwe. Pasaway na bata, nagmana sa akin.

"Hey! Don't date girls there. You might end up with the wrong one again." Paalala ni Grasya at binigyan ako ng beso.

"I will. Be good. ok?" Bilin ko din.

One hour ahead akong darating kaysa kay papa. Pero ok lang maghintay ako sa kanya sa NAIA. One hour lang naman 'yon e. Kumpara sa taong-taong paghihintay ko dati.

Sa pag-uwe namin ni papa. Kasabwat namin ang mga pinsan, tita at tito ko. Bahala na gulpihin kami ni mama sa gulat kapalit naman nun ay ang pagiging buo naming pamilya. Ang alam n'ya lang kasi. S'ya lang ang isasama ko sa Australia. Kaya hinanda ko na ang katawan ko sa mga kurot n'ya.

Nag-relax muna ako sa airport restaurant. Laking tuwa ko ng malaman may pancit sila. Nakakamiss ang Philippine food. Saka iba na rin ang nakikita ko, halos lahat Pilipino. Nakakapanibago.

Pag check out ni Papa sinalubong ko agad s'ya at tinawag na ang van na s'yang magdadala sa amin papunta sa hotel kung saan naghanda ng party ang relatives namin.

"Kumusta naman itong pogi kong anak huh?" Tanung n'ya sabay yakap.

"Syempre gwapo pa rin!" Masaya kong sabi. "Tara na pa! Wag natin pag intayin si mama ng matagal. Baka lalo tayong magulpi nun!"

Marami kaming napag-usapan ng nasa van pa kami. Ang tagal na rin na nagtatawanan kami na harapan. Hindi sa cam at hindi through headset. Ang sarap ng pakiramdam.

Pagbaba namin sa van ay sinalubong na kami ng mga pinsan ko. Agad kami pumunta sa venue kung saan handa na ang party. Di ko na mahintay makayap si mama. Ang iba ko naman pinsan ay s'ya na rin nag akyat sa bagahe namin sa kwarto kung saan kami mag o-over night.

Boom!

Galing talaga ng mga kasabwat namin. Perfect talaga ang party. Saka hindi ako magka-ogaga sa pagsagot ng 'oo, may pasalubong ka.'  Ang init rin ng yakap at mga halik ng tito, tita, mga pinsan at pamangkin ko. Hindi pa rin sila nagbabago. Kahit kailan hindi ko ipapalit ang pamilyang meron ako.

Pumasok si mama kasama ang kapatid n'yang lalaki. Naka blind fold s'ya at dahan-dahan naglakad.

"Hindi ko naman birthday! Ano bang gimik to!" Sigaw ni mama at nagpipigil kaming tumawa.

Nakatayo kami ni papa na magkatabi at nilapit ni tito si mama sa amin.

"Amoyan game ito ate. Pagnahulaan mo kung sino nasa harap mo. Malaking premyo nito." Panloloko ni tito sa kanya.

"Ay lintik naman!" Tawang sabi ni mama.

Inamoy na kami ni mama. Kinapa-kapa.

"Hindi naman bawal kapain di ba?" Tanong n'ya.

"Oo. Bilis na ate. Isang minuto lang oras na ibibigay. Sige ka. Isang milyon pa naman ang premyo." Pagbibiro ni tito.

Unang hinawakan ni mama ang braso ni papa. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Nilipat n'ya kamay n'ya sa akin. Hinawakan ang mukha ko. Bumalik naman s'ya kay papa at ng hawakan n'ya mukha nito nakita na naming umiiyak na s'ya.

"Pang? Pang? Ikaw ba 'to? Max? Max?" Nanginginig n'yang sabi. Kinuha ni papa ang kanyang blindfold at nang maaninag ni mama ang mga mukha namin ay sabay nya kaming niyakap ng mahigpit. Pinaghahalikan n'ya pa ako.

"Papatayin n'yo ako sa gulat e." Naiiyak n'yang sabi.

"Ma, tahan na. Hindi na tayo ulit maghihiwalay. Magiging buong pamilya na tayo." Naluluha kung sabi.

"Nag-resign kana pang?" Tanong n'ya. At tumango lang si papa dahil naging emosyonal na rin s'ya.

Matapos ang mahaba-haba naming dramahan ay nagsipag kainan na kami kasi nagutom na rin ako. Sobra kung na-miss ang pagkaing pilipino. Kaya lulubos-lubosin ko natalaga ang gabing ito para bawiin ang tatlong taong pagkagutom ko sa putahing namimiss ko.

Nakauwe na rin ako sa wakas. Sa lugar na tinalikuran ko. Marami ng nagbago. Dumami na ang mga sasakyan sa kalsada at mas dumami ang mga establisemento. Pero ang puso ko hindi ko alam kung nagbago ba. Sixty days lang ang hiningi kung leave sa trabaho. At baka huling uwe ko na rin ito sa lupang sinilangan. Kaya gusto ko sanang magpaalam sa lahat ng iniwan ko dati. Kasama na rin si Alex dun.

ANG GIRLFRIEND KONG ASTIG! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon