Chapter One

35.4K 433 14
                                    

Note: This is the unedited version. Pasensya na po sa grammatical at typo errors na makikita n'yo. Happy reading!

ALPHA Chi Omega headquarters.

Pinasadahan ng tingin ni Charisma ang tarpaulin na nakadikit sa labas ng silid na kinatatayuan.

Nasa labas siya ng Alpha Chi omega hedquarters, ang nag-iisang sorority sa unibersidad kung saan siya nag-aaral.

Kasama niyang nakahilera sa labas ng naturang silid ang may sa dalawampung kapwa estudyante. Lahat sila ay may pare-parehong hangarin. Ang maging miyembro ng naturang sorority.

Lumipad ang mga mata niya sa bumukas na pinto ng silid. Iniluwa niyon ang dalawang miyembro ng sorority.

Seryosong inilibot ng isang babae ang tingin sa kanila. Humalukipkip naman ang isa.

“Isa-isa kayong gustong makausap ni President,” wika ng baabeng nakahalukipkip.

Bumaling sa kanya ang babae. “Ikaw ang mauna.” Pinihit nito ang seradura ng pinto at iminuwestrang pumasok na siya sa loob.

Tumango siya. Bago siya humakbang patungo sa loob ay humugot siya ng malalim na hininga.

Pagpasok ay agad na tumambad malaking taurpaulin na nakasabit sa dingding, nakasulat doon ang pangalan ng mga opisyal ng sorority. At ang 'motto' ng naturang samahan.

“Charisma Morales?”

Lumipad ang tingin niya sa isang sulok na bahagi ng silid kung saan nanggaling ang tinig.

Isang maganda at maputing babae ang nakaupo sa mesa. Diretso ang tingin nito sa kanya.

Pasimple siyang lumunok ng laway matapos tumango. Ito na marahil ang presidente ng Alpha Chi Omega. Wala na rin namang ibang tao sa silid maliban sa kanilang dalawa.

“Lumapit ka rito,” awtorisadong utos sa kanya ng babae.

Walang salitang humakbang siya palapit dito. Habang unti-unti siyang lumalapit sa babae ay lalong niyang napagmamasdan ang kabuuan nito. She was beautiful. Kung sakaling makakasalubong niya ito sa hallway, aakalain niyang campus queen ito at hindi sorority president. Hindi niya inaasahan na ang isang ganito kagandang babae ay presidente ng isang sorority.

“Ako si Beatrice Vallemor. Ang presidente ng Alpha Chi Omega.” Tumayo ng tuwid ang babaeng kaharap at humalukipkip.

Bahagya siyang yumukod. “Nice to meet you, Miss--president.” Bahagya siyang naguluhan kung ano ang itatawag sa babae.

“Huwag mo ako'ng tawaging president,” kunot-noong wika nito sa kanya. “Hindi ka pa miyembro ng Alpha Chi Omega. Call me ma'am.”

“Y-yes, ma'am,” sagot niya. Hindi niya napigilan ang paggapang ng kaba sa dibdib sa ekspresyong ipinakita ni Beatrice. Ngayon, unti-unti na siyang nagkakaroon ng ideya kung paano ito naging presidente ng sorority. She was so strict.

Kinuha nito ang papel sa mesa. Bahagya niyang nasulyapan na iyon ang Personal Information na ipinasa niya.

“Accountancy,” basa nito sa impormasyong nakasulat sa papel. “Third year.” Bahagyang umangat ang isang kilay nito. Pagkatapos ay hayagang sinuri siya nito ng tingin. Simula sa buhok niya hanggang sa mga paa niya.

“Kadalasan, tatlong klase ng estudyante ang gustong maging miyembro ng Alpha Chi omega. Una, iyong mga biktima ng bully at gustong maging matapang. Pangalawa, iyong mga gustong makakuha ng full scholarship. At pangatlo, iyong mga gustong maging popular sa campus.” Tumiim ang titig nito sa kanya.

“So, Charisma, alin ka sa tatlong nabanggit ko?”

Huminga siya ng malalim at matapang na sinalubong ng tingin si Beatrice. “Pangalawa, ma'am.”

Kissing The Beast (Unedited Version/Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon