“MAY palobo-lobo ka pang nalalaman d'yan?” sikmat ni Charisma kay Theo nang magtungo siya sa gym nang hapong iyon.“Nagustuhan mo ba?” nakangiting tanong ni Theo.
Oo.
“Bakit ko naman magugustuhan?” Umirap siya rito. “Itinapon ko na nga, eh.”
Lie. Ni hindi nga niya kayang paliparin, ang itapon pa kaya. Ang totoo, inilagay niya ang lobo sa locker niya, pero nunca na sabihin niya iyon dito. Hindi niya dapat ipakita na natutuwa ang puso niya sa mga ginagawa nito.
“Itinapon? Saan mo itinapon?” bahagyang nakangiting tanong nito.
“Sa basurahan.”
“Saang basurahan?”
Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit kailangan mo pang alamin?”
“Siyempre. Gusto ko lang masigurado kung itinapon mo talaga.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ano'ng akala mo nagsisinungaling ako sa'yo?”
“Stop, baby. You're being defensive now. Huwag mo'ng ipahalata na kinakabahan ka.”
Napahinto siya sa akmang pagbuka ng bibig. How did he know?
“Theo.” Lumapit sa kanila ang coach ng team. “May importante akong sasabihin sa'yo.”
Tumango ang lalaki sa coach. “Dito ka muna, Charisma. Babalik ako agad.” Bago tumalikod sa kanya si Theo ay kumindat pa ito.
Palihim na kinagat niya ang ibabang labi. Ganoon na ba talaga kalakas ang epekto sa kanya ni Theo. Na maging sa isang kindat lang nito ay nagagawa nang humataw ng puso niya.
“Charisma.” Napabalikwas siya sa naramdamang tapik sa likod niya.
“The--Uhm, James..” Buong akala niya ay binalikan siya ni Theo. Si James pala ang tumapik sa kanya.
Nanunuksong tiningnan siya ni James. “Hinahanap mo agad si Theo?”
Mariing umiling siya. “Hindi. Akala ko lang kasi…”
Bahagyang tumawa ang kaharap. “I'm just kidding.”
Para itago ang bahagyang pagkapahiya ay ngumiti na lang din siya.
“Akala namin girlfriend ka na ni Theo,” wika ni James kapagkuwan. “Nililigawan ka pa lang pala niya.”
Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isagot dito.
“Alam mo bang first time niyang manligaw ng babae?”
Napatingin siya kay James. “First time?”
“Yup.” Tumango ito. “We've been friends since high school. Halos lahat ng babaeng nalink at nakarelasyon niya, nakilala ko. At wala akong natatandaang may niligawan siya isa man sa mga iyon. Even Fia.”
Fia. Narinig na naman niya ang pangalang iyon.
“Si Fia ang pinakamatagal na naging girlfriend ni Theo. Their relationship last for four months, if I wasn't mistaken.”
Why did they broke up? gusto sana niyang itanong kay James subalit pinigilan niya ang sarili. Kung gagawin niya iyon, mahahalata nito na interesado siya sa buhay ni Theo. Pero totoo namang interesado siya. In fact, binabagabag ang puso niya habang iniisip ang naging relasyon ni Theo kay Fia. Shit! Nagseselos siya.
“But you know what, Charisma. Hindi niligawan ni Theo si Fia.” Ngumiti sa kanya si James. “Ikaw lang talaga. My friend's really smitten with you. Kung alam mo lang kung gaano niya kadalas na banggitin ang pangalan mo kapag wala ka.” Bahagyang umangat ang kilay nito. “You like him, too right?”