SUMULYAP si Charisma sa suot na relo habang naglalakad patungo sa gym. Maaga siyang makakapunta sa practice ng nobyo dahil absent ang professor nila sa huling subject.Huminto siya sa paglalakad nang makalas at malaglag ang keychain na nakasabit sa bag niya. Yumuko siya para pulutin iyon.
“Ano iyong impotanteng sasabihin mo sa’kin?”
Kumunot ang noo niya sa mahinang boses na narinig ng tainga niya. Parang boses ni Theo.
Pinakiramdam niya ang boses na narinig. Pumihit siya patungo sa botanical garden na hindi kalayuan sa kanya. Mukhang doon nanggagaling ang tinig na narinig niya.
Habang lumalapit siya sa garden ay lumalakas ang tinig na nakakarating sa tainga niya.
“I still love you, Theo.”
“What are you talking about, Fia?”
Awtomatikong kumabog ang puso niya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Theo nga ang may-ari ng tinig na iyon? At ang pangalang narinig niyang binanggit nito. Fia. Ang ex-girlfriend nito?
Agad na binaha ng mga tanong ang isip niya? Bakit nito kausap ang ex-girlfriend nito? Ano ang pinag-uusapan ng mga ito? Tama ba ang narinig niya? Sinabi ni Fia na mahal pa rin nito si Theo?
Kasabay niyon ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib. Sa sobrang kaba, hindi na niya nagawang pumasok sa loob ng garden. Hinawa na lamang niya ang ilang mga dahon sa mga halaman upang makita ang nangyayari sa loob.
Mariing kinagat niya ang ibabang labi nang tumambad sa kanya ang nobyo. Kahit nakalikod ito mula sa puwesto, sigurado siyang si Theo iyon.
Lumipat ang tingin sa matangkad at magandang babaeng kausap ni Theo. Ito ang nakaharap sa kanya kaya't malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Mapulang labi, magandang mga mata, matangos na ilong. Ito ba ang Fia na ex-girlfriend ni Theo. Napuno ng insecurities ang pagkatao niya matapos pagmasdan ang babae.
“I'm sorry, Theo,” malambing na wika ni Fia sa lalaki. “Sorry kung nakipaghiwalay ako sa'yo noon. I thought I didn’t love you anymore. But I was wrong, Theo.. I still love you. And I already broke up with Jake.”
Naikuyom niya ang kamao sa narinig. Kasabay niyon ay ang pag-akyat ng dugo sa ulo niya. Ang kapal naman pala ng mukha ng Fia nito. Pagkatapos nitong makipaghiwalay, basta-basta na lang ito magso-sorry at sasabihing mahal pa rin nito si Theo!
“I know you still love me, honey!”
Nanlaki ang mga mata niya sa galit. No. He doesn't love you anymore! Ako iyong mahal niya! Gusto niyang sumugod at isigaw iyon sa babae subalit hindi niya tinuloy. Nagpigil siya at hinintay na magsalita si Theo.
“I'm sorry, Fia but--”
“No, no.” Umiling-iling ito. “Sinasabi mo lang iyan dahil nasaktan ka sa ginawa ko. You still love me. Ako ang pinakamatagal mo'ng naging girlfriend. You can't just easily forget me.”
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang natigilan sa huling mga sinabi ni Fia. Bakit ganoon? Bakit unti-unti niyang naramdaman ang pagdududa at pangamba sa dibdib niya.
Nagtagal ng apat na buwan ang relasyon ng dalawa. Si Fia ang unang seryosong relasyon ni Theo. Paano..kung tama ang babae. Paano kung hindi pa rin totally nakakalimutan ni Theo si Fia.
Marahas na umiling siya. No. Imposible. Siya na ang mahal ni Theo ngayon.
“Listen, Fia. I have a girlfriend now--”
“And I'm sure next week magbe-break din kayo,” putol ng babae. “I bet na simula nang maghiwalay tayo, wala na ulit babaeng tumagal sa'yo. Ako lang Theo, di ba? I'm sure kung sino man ang girlfriend mo ngayon, panakip-butas mo lang din. Ako pa rin ang mahal mo.”