“ANO ba'ng ginagawa mo sa sarili mo, Theo? Shit! You looked hell, man.”
Nilagok ni Theo ang laman ng hawak na lata ng beer. Nang maubos iyon ay mahigpit na sinira niya ang lata gamit ang kamay at walang pakialam na hinagis iyon sa unit niya.
“Hey, Theo. Nakikinig ka ba?”
Tinabihan siya ni James sa pagkakasalampak sa carpeted floor ng sala at salubong ang kilay na tiningnan siya. “Ilang araw ka nang hindi sumasama sa practice. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang captain ng team!”
“Hindi kita pinapunta rito para sermunan ako, James. Kailangan ko ng karamay.”
Bumuntong-hininga ito. “Hindi kita sinesermunan, nag-aalala lang ako sa'yo, Theo. Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan...dahil sa isang babae.” Hindi makapaniwalang umiling-iling ito.
Mariing ipinikit niya ang mga mata. “I really love her James. I really do.” Kahit nakapikit ay hindi pa rin niya napigil ang pagpatak ng luha sa mga mata.
Fuck. He was crying, dammit. And he couldn't even do something about it.
He was devastated for the past three days. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang lahat. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay naglaho ang relasyon nila ng babaeng pinapangarap niyang makasama habambuhay.
Kinuyom niya ang kamao habang inaalala kung paano siya tingnan ni Charisma nang suntukin niya si Lance. Sa matinding galit niya, gusto niyang patayin sa bugbog ang lalaki. Subalit ng makita niya ang galit para sa kanya ni Charisma, nanghina siya. Ang lahat ng galit ay napalitan ng sakit.
“Shit, are you crying?” Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan siya ni James. Hindi na niya ikinabigla sa reaksiyon nito. Sa hinaba-haba ng pinagsamahan nila ng kaibigan, ngayon lang siya nakita ni James na nabaliw at nasaktan ng ganoon sa isang babae.
At ngayon, wala siyang pakialam kung makita man ni James ang pagluha niya. Iyon lang ang tanging paraang alam niya, para kahit papaano ay mapawi ang napakatinding sakit sa dibdib niya.
“Do you think it's karma?” mapait na tanong niya sa kaibigan. “Ito ba ang kapalit sa mga nasaktan kong babae?”
“Wala ako sa posisyon para sabihin kung karma ba iyan o hindi,” seryosong wika ni James. “Isa lang ang masasabi ko, kung hindi man maayos ang relasyon niyo ni Charisma, hindi pa ito ang katapusan ng mundo para sa'yo.”
Umiling siya. “No. James. When she left me, it feels like the end of everything for me.”
PATULOY ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ni Charisma habang pinagmamasdan si ‘MATHEO’, ang teddy bear na ibinigay sa kanya ni Charisma.
Isang linggo na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ni Theo, pitong araw na rin siyang walang tigil sa pag-iyak tuwing gabi. Akala niya, naranasan na niya ang pinakamasakit na puwede niyang maranasan noong maghiwalay sila ni Theo. Subalit hindi niya inaasahang mas masakit pala ngayon.
Sa nakalipas na mga araw ay pinilit niyang kalimutan si Theo, pero bigo siya, sa halip na kalimutan ay bumabalik sa isip niya ang mga araw at sandaling magkasama sila ng lalaki.
Miss na miss na niya ang lalaki. Sa tuwing ipinipikit niya ang mga mata ay mukha nito ang pumupuno sa isip niya.
Sa kabila ng lahat ay mahal na mahal pa rin si Theo. At kapag naiisip niyang nagkabalikan na si Theo at Fia, lalong lumalalim ang sugat sa puso niya. Wala siyang magawa kundi ang mapaiyak na lang.
“Ate Charisma, may bisita ka.”
Tinuyo niya ang pisngi nang marinig ang tinig ng kapatid. “Padiretsuhin mo na rito si Lance.” Si Lance lang naman ang inaasahan niyang bibisita sa kanya.