Chapter Eight

10.9K 252 0
                                    

“PUPUNTA ba ako o hindi?” Iyon ang tanong ni Charisma sa sarili nang matapos ang huling klase niya sa araw na iyon.

Pagkatapos ng mga nangyari kahapon, hindi niya alam kung kaya niyang harapin si Theo ngayon. Natatakot siya na baka bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya kapag nilapitan siya nito.

“Ano pa'ng hinihintay mo diyan Charisma?” Tinapik siya ni Lance sa balikat. “Tara na sa gym?”

“Ha? Bakit pupunta ka sa gym?”

Pasimpleng inikot nito ang mga mata. “May game ngayon ang team natin. Siyempre, gusto ko ring manood ng laban 'no.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ako pupunta do'n ngayon.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Ano'ng hindi? Eh, di ba, errand girl ka ni Theo? Kailangan ka niya ngayon 'no!” Sumilip ito sa relo. “Tara na, Charisma. Gusto kong makita kung paano ka alilain ni Theo.” Tinawanan siya nito.

Wala siyang nagawa kundi magpahila rito. Kapag itong si Lance ang pumilit sa kanya, wala na siyang nagagawa kundi sumunod.

“Nagsisimula na pala,” excited na sambit ni Lance pagdating nila sa loob ng gym. Tulad ng inaasahan, halos hindi na naman mahulugang karayom ang mga estudyanteng nanonood ng laban.

“O diyan ka na sa bench.” Nakangising itinulak siya ni Lance sa bench ng varsity team nila. Bago pa siya makahuma ay tumakbo na ito palayo sa kanya.

“Charisma, maupo ka rito, oh.” Tinawag siya ng mga nakareserbang teammate ni Theo. “Kanina ka pa hinihintay ni captain,” nakangiting wika sa kanya ni Vince, kung hindi siya nagkakamali ay iyon nga ang pangalan nito

Kinagat niya ang ibabang labi at bumaling sa court. Awtomatikong napahawak siya sa dibdib nang mahagip ng tingin si Theo. Nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang naramdamang pagbabago sa dibdib. Isa lang ang kahulugan niyon. Walang ibig sabihin ang mga kakaibang nangyari sa kanya kagabi.

Hindi niya dapat baliwin ang sarili sa pag-iisip tungkol sa mga naramdaman at ikinilos niya kagabi. Ang kailangan niyang gawin ay kalimutan na lang iyon at umaktong normal sa harap ng lalaki.

Kaya naman nang maupo si Theo sa bench, kaswal na inabutan niya ito ng tubig. Tinanggap iyon ng lalaki. Subalit sa halip na uminom ay salubong ang kilay na tiningnan siya nito. “Ang sabi ko sa'yo, tumawag ka kapag nakauwi ka na, 'di ba? I didn't receive any single call nor text from you.”

Napanganga siya. Hindi niya inaasahan na sermon ang ibubungad sa kanya ni Theo. “Uhm, nakalimutan ko kasi,” sagot niya ng makabawi. Ang totoo, naalala naman niya ang lahat ng sinabi nito. Sinadya lang niyang hindi tawagan ang lalaki. Natakot kasi siyang kapag narinig niya ang boses nito, lumala ang matinding kabog sa dibdib niya.

“You have no idea how you scared the hell out of me.” Marahas na humugot ito ng hininga. “Next time, hindi na ako papayag na hindi ka ihatid.”

“Huwag mo'ng sabihing nagpunta ka nga sa'min?”

“Oo, nagpunta ako kasi kung anon a ang nangyari sa’yo.” Hinawi nito ang buhok gamit ang palad nito. “Nakausap ko ang mama mo. Hindi na kita pinaistorbo. Umalis na rin ako nang masiguro kong nakauwi ka nga ng maayos.” Sunod-sunod na nilagok nito ang tubig bago muling sumulyap sa kanya. “I have something important to tell, Charisma. Let's talk later.” Tumayo ito.

Sinundan niya ang pagbalik ni Theo sa laro. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito? At talagang tinotoo nito ang banta na pupunta sa bahay nila kapag hindi siya tumawag? Pero bakit naman nag-aksaya pa ito ng oras para gawin iyon? Bakit gano'n na lang ito kung magpakita ng pag-aalala sa kanya?

Kissing The Beast (Unedited Version/Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon