Chapter Four

11.4K 275 1
                                    

“MY errand girl is here.”

Agad umakyat ang dugo sa ulo ni Charisma sa ginawang pagbati sa kanya ni Theo. Subalit kahit gusto niyang singhalan ang lalaki ay hindi niya ginawa. Kailangan niyang magtimpi dahil hawak siya sa leeg ni Theo. Sa ayaw niya at sa gusto, sa loob ng isang buwan ay magiging utusan siya ng walanghiyang halimaw. Iyon na ang pinakamahirap at pinakamabigat na parusang natanggap niya sa tanang buhay niya.

“Tapos na ba ang klase mo?”

“Sa tingin mo, pupunta ako rito kung may klase pa ako?” pilosopong sagot niya. Sinubukan niya ang lahat para pigilan ang pagtataray niya pero hindi niya talaga kaya! Paano ba naman! Pagmumukha pa lang ng lalaking ito ay kumukulo na ang dugo niya. Paano pa kaya kapag bumuka na ang bibig nito.

Subalit mukhang hindi man lang naapektuhan ang lalaki sa pagtataray niya. Hindi kasi nabura ang malapad na ngiti nito.

“Good. Gusto kong ipaalam sa'yo na kailangang nandito ka lagi sa'kin pagkatapos ng klase mo.” Ngumisi ito at inabot sa kanya ang nakasabit na tuwalya sa balikat. “Here.”

“Ano'ng gagawin ko rito?”

“Punasan mo ang pawis ko..”

Napaawang ang mga labi niya. “Bakit sa'kin mo pa ipapagawa ang bagay na iyan?”

Theo chuckled. “Of course. Errand girl kita. Lahat ng gusto kong ipagawa sa'yo, dapat sundin mo.”

Nilamukot ng kamay niya ang hawak na tuwalya. Eh, kung ihampas niya kaya ang tuwalya sa mukha ng hinayupak na ito?

“Come on, Charisma. I'm waiting…”

Nagpupuyos na itinaas niya ang kamay at pinunasan ang butil-butil na pawis sa noo ni Theo.

“Dahan-dahan naman,” nakangiwing reklamo ni Theo. “Gusto mo yatang gasgasin ang mukha ko, eh.”

Umismid siya. “Kung magrereklamo ka, bakit hindi na lang ikaw ang magpunas sa sarili mo?”

“Captain!” Sabay pa silang napalingon ni Theo sa sumigaw. Tatlong lalaki ang lumapit sa kanila.

“Ipakilala mo naman kami sa magandang kasama mo..”

Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga lalaki.

“Teka…” Kumunot ang noo ng isa. “Pamilyar ang mukha mo.”

“Ikaw iyong…”

“This is Charisma..” pakilala sa kanya ni Theo. “Charisma, these are my teammates.”

Isa-isang nagpakilala sa kanya ang miyembro ng basketball team.

“I'm James,” huling nagpakilala sa kanya ang matangkad at chinitong lalaki. “Nice meeting you, Charisma. By the way, you've got a very nice name.”

“Thank you.” Hindi niya mapigilang mapangiti sa papuri ng kaharap. Subalit agad ring napalis ang ngiti sa labi niya nang maramdaman ang pagdantay ng kamay ni Theo sa balikat niya.

“Back off, James. Don't messed with my girl. All of you, resume with the practice. Now!”

Kung gaano kabilis na lumapit sa kanila ang mga teammates nito, ganoon din kabilis na lumayo ang mga ito.

“Alisin mo nga iyang kamay mo!” singhal niya sa lalaki. “Ang kapal talaga ng mukha mo? At bakit mo sinabi sa kanilang babae mo ako?”

Inalis nito ang braso sa balikat niya at humalukipkip. “Ano'ng mali sa sinabi ko? You really are my girl. My errand girl.”

Mariing kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang galit niya.

Inhale, exhale, Charism, pagpapakalma niya sa sarili.

Kissing The Beast (Unedited Version/Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon