Chapter Eleven

10.1K 252 2
                                    


“SAAN tayo pupunta?”

Nakangiting binalingan si Charisma ni Theo. “Secret, baby.”

Lumabi siya. “Sus, pa secret-secret, pa.”

It was their first date together as a couple. She was excited and at the same time nervous. Lalo pa't ayaw sabihin ni Theo kung saan sila pupunta.

Sumulyap sa kanya si Theo. “Baby, don't pout you lips like that.”

“Hmm, bakit?”

Bahagya siyang nagulat nang ihinto nito ang sasakyan sa gilid ng high way. Pagkatapos ay dumukwang sa kanya ang lalaki. Sa isang iglap ay kinintalan nito ng halik ang labi niya.

“See? Baka hindi tayo makarating sa pupuntahan natin kapag lagi kang nakanguso.”

Kinagat niya ang ibabang labi at hinawakan ang namumulang pisngi. Paano nito nagagawang inisin siya at pakiligin ng sabay.

“You're so beautiful when you're blushing like that, Charisma.”

Bahagya niyang inirapan si Theo. “I already told you I love you. Hindi mo na ako kailangang bolahin.”

Hinawakan nito ang baba niya at pinagsalubong ang mga mata nila. “Hindi kita binobola, Charisma.”

Naramdaman niya ang matinding pagkabog ng dibdib. He we go. The Theo Villegas effect on her.

“I love you..Charisma.”

“I love you, Theo.” Nanatili silang nakatitig lang sa isa't-isa hanggang sa katukin sila ng ilang street children.

Kamot-kamot ang ulong ibinaba ni Theo ang bintana ng kotse nito.

“Kuya, sampaguita po!”

“O, heto..” Inabutan ni Theo ng pera ang mga bata kapalit ng mga sampaguita. “Mag-ingat kayo sa kalsada, ah.” Nakangiting hinawakan niya ang mga sampaguita na nakasabit sa kotse nito. Naaalala niya ang unang beses na sumakay siya sa kotse nito. Iyon din ang araw kung kailan niya unang natuklasan ang kabaitang nakatago sa pagkatao nito.

“I have something to confess to you,” wika niya rito kapagkuwan.

“Hmm?” sumusulyap-sulyap ito sa kanya habang nagmamaneho.

“Iyong lobo na ibinigay mo sa'kin, hindi ko talaga iyon itinapon.”

“I know.”

“Paano mo nalaman?”

“Pinatingnan ko ang lahat ng basurahan sa St. Jerome.”

Namilog ang mga mata niya. “Seryoso ka?”

“Seryoso.”

Hindi niya alam kung matatawa siya o mapapailing. “Baliw ka talaga!”

Nakangising sumulyap sa kanya si Theo. “Oo. Baliw na baliw sa'yo.”

Shucks. Hindi ba talaga ito hihinto sa pagpapakilig ng puso niya?

“Charisma, can you say you love me, baby?”

“I love you.”

“Say it again, please.”

“I love you.”

“Again, please.”

Kunot-noong tiningnan niya ito. “Pinagtitrip-an mo na yata ako, eh.”

Ngumiti lang ito. “No, baby. Ang sarap lang pakiramdam na marinig iyan mula sa'yo.”

Muling namula ang mukha niya. “Hmp. Ang corny mo.”

“Kinikilig ka naman.” Patuloy siya sa pag-aasaran at pagkukulitan hanggang sa makarating sila sa destinasyon nila.

Kissing The Beast (Unedited Version/Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon