Pumayag ako na tulungan silang lutasin ang kaso.That's why nandito ako ngayon sa kanilang headquarters.
It's near our school. Medyo maliit lang ito pero maluwag naman sa loob.
"So you agreed. That's good, then."
Ayan ang pambungad sa akin ni Shinji.
Napag alaman ko na kaming apat lang ang miyembro nitong club nila.
"Anong pangalan ng club niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Wala. Di uso samin yun." Sagot naman ni Raven.
Kumunot naman ako noo ko sa kanyang sagot.
"Ahhh. Gusto niyo mag isip ako?"
Suggestion ko."Nah. Don't bother. It's really not important." Sabi naman ni Shinji.
"Okay. Sayang naman may naisip na sana ako."
"Ano naman yun?" Si Mizzie.
Nabigla ako nang magsalita si Mizzie. Mula kasi kanina ay parang iniiwasan niya ako. Oh well, baka naninibago lang siya.
"The Sleuthhounds." Proud kong sagot.
Tumawa naman si Raven sa sinabi ko.
"Ang cool naman ng naisip mo." Pagpupuri ni Mizzie.
"Ah eh naisip ko lang bigla. But nevermind na lang." Nahihiya kong sabi.
"If that's what you want to call us, then it's fine." Pag sang ayon naman ni Shinji.
Nagulat naman ako dahil hindi ko inexpect na mag aagree siya sa sugggestion ko. Nagbibiro lang naman ako doon. Napangiti nalang ako.
Maya maya ay nagsimula na kaming magplano sa mga dapat naming gawin para maisagawa ang imbestigasyon.
"Mizzie and Wynzelle, for this next sem, I want you both na imbestigahan ang mga tao sa inyong school. Tignan nyo kung may kahina-hinala ba sa mga kinikilos nila. Malaki ang possibility na nasa loob ng school niyo ang suspect." sabi ni Shinji.
Pareho kaming tumango ni Mizzie sa sinabi niya.
"Raven, kumusta yung pinapalakad ko sayo? Nakakuha ka ba?" Tanong niya ulit.
"Syempre ako pa ba?"
Meron siyang iniabot na flashdrive kay Shinji.
"Pwede ba akong magtanong?" Sabi ko sa kanila.
"What is it?" Si Shinji ang sumagot.
"Kanina pa kasi tayo nagpaplano kaso hindi ko pa din alam kung sino yung biktima na namatay."
"Her name is Lemery Ann Sanches. 20. 3rd year BSBA student. Huli siyang nakita sa canteen ng school niyo, pagkatapos nun ay natagpuan na lamang siyang nakahandusay sa dulong bahagi ng parking lot, duguan at may saksak sa kanyang puso. Based sa mga kwento ay wala naman siyang kaaway dahil mabait siyang estudyante." Kwento ni Raven.
May hinahanap siyang kung ano sa isang folder at iniabot niya ito sa akin.
"This is her picture na binigay sa amin ng kanyang mga kaibigan. Tignan mo baka kilala mo siya."
Tinignan kong maigi ang litrato. Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan.
Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kakaisip.