Chapter 11

7 1 0
                                        

Isang oras pa before my last subject. Pumunta muna ako sa canteen para magmeryenda nang makasalubong ko si Lemery.

She immediately avoided me when she saw me.

Anong nangyare dun?


Hindi ko nalang pinansin at bumili na ako ng sandwich at isang bottled water.



30 minutes akong nakaupo dun sa canteen at nagbabasa lang ng notes.


Tumayo na ako at naglakad para sa next subject ko. Bago pa ako makarating ng classroom ay nakasalubong ko ulit si Lemery sa hallway.


"Can I talk to you for a moment?" Tanong niya.


Nagulat ako kasi kanina ay parang iniiwasan niya ako.


"Ay as in ngayon na? May class pa kasi ako eh."


"Yeah. If okay lang sayo." Sabi niya at nagsimula ng maglakad.


Hindi ko alam pero sinundan ko rin siya hanggang sa mapadpad kami sa parking lot.

"Hey. What do you want to tell me?" I asked.


Humarap siya at parang nag iba bigla ang expresyon sa kanyang mukha.


"Masaya ka na ba na iiwan na kami ni Daddy dahil sa inyo?"


"Huh?" Naguguluhan kong tanong.


Lemery is my friend so, hindi ko maintindihan bakit parang galit siya sa akin ngayon.


May nilabas siyang papel galing sa kanyang bulsa at itinaas ito.


"Ito ang sulat na iniwan niya sa kwarto ko. Umalis na siya. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Iniwan na niya din ako. Ang sakit sakit."



Medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.


"Wait lang ah. Hindi kita maintindihan. Anong meron?"



"You dad..." panimula niya.


"What about him?" I asked.


"He left my mom. He said na hindi na niya mahal ang mommy ko. Sinabi niya hindi daw niya kayo maiwan. I was so shocked. All this time, akala ko kami lang ang pamilya niya. I'm 20 years old for God sake. Ang tanga lang."


Bigla kong naalala yung away nina daddy at mommy nung nakaraan. Is it because of Lemery's mom?


"My mom's depressed because of that. Hindi na siya masyadong kumakain Wyn." Umiiyak niyang sabi.



Lumapit siya sa akin at lumuhod.


"Please, tell your mom na iwan niya ang daddy mo. Wala akong pakialam kahit si mommy yung kabit. Ang gusto ko lang mabalik na yung sigla niya." Pakiusap niya.


I'm speechless.


Pinatayo ko siya at pinapatahan sa kanyang pag iyak.


"I don't know what to say. I'm also shocked with what you said. But, my mom's hurt too." sabi ko sa kanya.


"Ang saya saya namin Wyn eh, pero sa isang iglap lang naglaho lahat. Bakit? Bakit pa kasi kayo nag eexist?"

Nagulat ako lalo sa sinabi niya. That's not the Lemery I knew.


"Kung ganto lang rin mangyayare, dapat quits tayo. Dapat masira rin pamilya niyo." She laughed like an evil.



Biglang may nilabas siyang kutsilyo sa likod niya at agad naman akong kinabahan.



THE SLEUTHHOUND'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon