It's Saturday today pero imbes na nasa bahay ako ay nandito ako sa school para habulin ang mga namiss kong lessons.
I stayed in the hospital for two days.
Hindi na rin ako nakakaattend sa Taekwondo class ko dahil sa nangyare sa akin.
Sinabi ko nalang kay Raven na sabihin kay Mr. Reyes na hindi na muna ako papasok.
I'm okay now. I glad that I survived! Masamang damo nga ata talaga ako.
After that incident, umuwi na ako sa bahay namin because of my mom. Nakauwi na rin siya galing hospital. I want to take care of her.
Ang sabi sa akin ni Raven, nasolved na raw ni Shinji yung case ni Loreign. Sayang di ko nawitness.
I can't believe na si Glyzie yung killer. Oh well, move on na.
It's my lunch break now when I saw Shinji walking in the direction of Multipurpose Hall building.
I don't know if I am hallucinating or not.
Pero siya talaga.
What is he doing here?
Ang mga kababaihan na nakakasalubong niya ay parang nangingisay sa kilig. I know, he has the charm.
Hindi na ako nag abalang sundan siya dahil medyo malayo na siya.
Pagkatapos kong kumain ng lunch ay pumunta na ako sa next class ko.
My head hurts sa dami ng lessons na kailangang aralin.
I decided to go to the headquarters after my class.
When I'm about to start my car's engine, I saw Mizzie standing in front of a red car.
Why is she standing there? Parang may inaanalyze siya na kung ano.
Hindi ko nalang pinansin iyon at nagdrive na ako papunta sa headquarters.
Si Raven lang ang naabutan ko doon at abala siyang tinitignan ang mga litratong nakakalat sa mesa.
"Anong ginagawa mo dyan?" I asked.
"Inaanalyze ko lang itong mga pictures. Para kasing kulang eh."
Lumapit din ako sa kanya at tsaka tinignan din ang mga litrato.
"Anong kulang?"
Napansin kong eto yung mga litrato sa krimen na nangyare kay Lemery.
"Look carefully. Pansin mo bang puro iisang angle lang ang mga kuha sa litrato? Kailangan sa lahat ng angle ay dapat may kuhang larawan. I find it very suspicious. Iniisip ko na baka kulang yung nabigay ng police sa akin na kopya." He said.
"May point ka. Try mo kaya ulit humingi ng copy sa police. Baka mamaya hindi niya lang nasama lahat or..." I paused.
"What is it?"
"Or di kya pwede ding sinadya niya talagang hindi ibigay sayo." Pagpapatuloy ko.
Napatingin siya sa akin dahil sa huling sinabi ko.
"Ayan din ang iniisip ko. Kung sinadya niya talagang hindi ibigay sa akin ang kompletong kopya, palagay ko may something important doon." He said.
"Maybe some evidence."
"Sabihin nating may ebidensya doon. It's possible na may nagbayad sa police para hindi niya ibigay sa atin ang kompletong litrato noon. Maybe, that person ay may kinalaman sa krimen." Sabi ni Raven.