Chapter 1

88 7 1
                                    

Nagising ako sa isang malamig na kwartong kulay puti. Babangon sana ako nang napansin kong merong benda ang aking ulo.


Where am I? What happened to me?


"Oh Wynzelle anak, buti at gising ka na. Nag alala talaga kami sayo ng mommy mo. How are you feeling right now? May masakit ba sayo. Just tell me, anak." Pag aalala ni daddy.


Biglang sumakit ang ulo ko pero nawala din agad ito.


"What happened to me, dad?" Tanong ko.

"You don't remember anything?"


Tumango ako bilang sagot.


Parang hindi makapaniwala si daddy sa mga sinabi ko. But it's true, I don't remember what happen.



"Ahhh. Uhm. I j-just came home from Hongkong that time at sasalubungin mo dapat ako but, unfortunately, nahulog ka sa hagdan dahil sa pagmamadali mong makita ako. You hit your head on the floor. Mabuti nalang at nagising ka na ngayon. You slept for 3 days, anak." Paliwanag ni dad.


"3 days? Ang tagal ko palang walang malay. Kailan daw ako pwede umuwi daddy? I want to go home na po." Tanong ko.


"I'll ask the doctor first. Kailangan ka pang maobserbahang maigi para mas mapanatag ako. Okay?" Sabi naman ni daddy.


"Okay dad. By the way, where's mommy?"


"She's at home. Pinauwi ko muna dahil dalawang araw na siyang puyat."


Sa araw na iyon ay wala akong ginawa kundi kumain at humiga. I'm so bored here. I just want to go home and watch some movies or read books.



Inobserbahan ako ng doctor tulad ng gustong mangyare ni daddy. Napakaprotective talaga niya sa akin dahil nag iisa lang akong anak.


Maya maya ay may kumatok sa labas ng pintuan. Binuksan naman ito ng daddy.


"Excuse me, Mr. Cruz! Pwede ko ba kayong makausap saglit? Sa labas po sana tayo kung maaari?" Sabi ng doctor.


Tumango naman si daddy at tsaka lumabas.


Ano kayang pag uusapan nila na 'di ako kasali?

After ilang minuto ay nakabalik na si daddy.

"Anong sabi ng doctor dad? Pwede na raw ba akong umuwi?" Tanong ko.


"Pwede ka na raw madischarge bukas  kung okay na yung pakiramdam mo."


"Yehey!" Tuwang tuwa kong sabi.


Kinabukasan ay pinayagan na ako ng doctor na makauwi ng bahay. I miss our house! Parang ang tagal kong hindi nakauwi dito.


Buong araw lang akong nasa kwarto, magbabasa ng libro or manunuod ng movies. That's my routine kapag walang pasok.


Sa mga sumunod na araw ay mas okay na yung pakiramdam ko. Pero may mga times na sumasakit yung ulo ko pero nawawala din agad. Tinanggal na rin yung benda na nasa aking ulo.


"Mommy, I want to go shopping. Is it okay po? See? I'm ok naman na. Don't worry, I'll be careful this time."


My mom chuckled. She knew na hindi ako titigil mangulit sa kanya if hindi niya ako papayagan.


"May magagawa pa ba ako eh nakabihis ka na? Basta be careful, Wyn. Ok?" Bilin ni mommy.


"Yes mom. I will." I smiled.


THE SLEUTHHOUND'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon