Nagising ako dahil sa pag'ring ng aking telepono. Ang aga aga ay may nambubulabog. Sinagot ko iyon nang hindi tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Pambungad ko.
"Hello anak? Please come here. You're mom was rushed to the hospital." Sabi ni daddy.
Agad naman akong napabangon dahil sa nalaman.
"Where are you? Tell me the name of the hospital. I'll go now."
Mabilis akong kumilos at agad na pinaharurot ang aking sasakyan.
Mabilis naman akong nakarating sa binigay na address ni daddy.
Pagkarating ko sa ospital ay nakita kong payapang natutulog si mommy.
"What happen to her?" I asked my dad.
"She's stressed. Overfatigue."
Nilapitan ko naman si mommy at agad hinawakan ang kanyang kamay.
"Mom, I'm sorry. I'm not there when you need me." Sabi ko sa kanya habang tulog siya.
Hindi na ako pumasok para maalagaan ko si mommy. Noong bandang hapon ay nagising siya. She's fine now. Kailangan nalang siyang obserbahan.
Nag'ring ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Raven.
"Yes hello?"
"Wynwyn, pinapasundo ka sa akin ni Shinji kaso wala ka naman sa school niyo. Hindi ka daw pumasok. Wala ka din sa unit mo. Nasaan ka ba?" Nag aalalang tanong niya.
"Nasa ospital ako. Naospital kasi si mommy. Ako ang nag aalaga."
"Ah ganun ba? Sige kami nalang ang pupunta dyan. Bigay mo sa akin ang address. Bye" sabay baba nya ng telepono.
Tinext ko sa kanya ang address ng ospital. Ano na naman kaya ang kailangan nila sa akin?
Pinabantayan ko muna kay Manang Ising si mommy. Lumabas ako at umupo sa isang couch sa lobby. Saktong nakita ko naman silang dalawa papasok ng ospital.
"Bat di nyo kasama ni Mizzie?" Tanong ko.
"She's not part of this case." Diretsong sabi ni Shinji.
"Anong kailangan nyo pala sa akin?"
"The results are out. It's negative. Hindi contaminated ng thallium ang mga soda na binigay nila sayo." Pagsisimula ni Raven.
"Baka naman kasi wala sa tatlo yung killer." Sabi ko
"Maybe, he/she didn't find you a threat kaya normal na soda ang binigay sayo." Sabi naman ni Shinji.
Talagang determinado siya na isa sa tatlo ang killer.
"So, ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ko.
"Magpapanggap kaming Fire Inspector. Don't worry, hindi ito illegal. Nagpaalam kami sa nakatataas." Sabi ni Raven sabay pakita ng I.D.
"Ipapaalam lang sana namin sayo na kung pwede pagamit nung unit mo para maging base namin." Dagdag niya.
"Okay. No problem."
Binigay ko sa kanila ang susi ng unit ko. Sana naman ay hindi sila mabuko sa balak nila.