Chapter 6

36 5 0
                                    

I woke up early today dahil mag aayos pa ako ng gamit na dadalhin ko sa aking paglipat.

I already told my mom yesterday. Dinahilan ko nalang na ayaw kong makita si daddy.

I did my everyday routine bago pumasok ng school.


Pagkarating ko sa aming building ay marami ng estudyante.


Nagsimula na ang klase namin at ako naman ay tinatamad makinig. Nakakaantok kasing magturo itong prof namin.


Puro discussion lang ang ginawa sa tatlo kong subjects. Kapag breaktime naman ay sinusundan ko si Mizzie. Wala naman siyang kahina-hinalang kinikilos ngayon. Hindi ko alam baka nakakaramdam na siya na palaging may nakasunod sa kanya.


Pagkatapos ng klase ko ay pumunta muna ako ng headquarters. Naabutan ko silang tatlo na nasa loob.


"Oh Wynwyn my loves nandyan ka na pala." Pang aasar sa akin ni Raven


"Hoy Raven tigil-tigilan mo ako dyan sa kalokohan mo ha." Galit na sabi ko.


"Uy masyado ka namang highblood. Nagbibiro lang ako. Peace."



Inirapan ko nalang siya.


"So ngayon mo balak lumipat doon sa apartment, right?" Tanong sa akin ni Shinji.


Tumango naman ako.



"Do me a favor. I want you to visit the rooms of Robert, Cyndy, and Glyzie. Act as a friendly new neighbor. I have this hunch na one of them is probably the killer."


Nagulat naman kami ni Mizzie sa sinabi ni Shinji. Si Raven naman ay chill lang na parang may ideya na din sa mga nangyayare.



"What do you want me to do? If isa sa kanila yung murderer, baka mamaya ako naman yung patayin niya." Sabi ko.


"You're not going to die if you're not going to drink or eat anything na ibibigay nila." Paliwanag nya


"And one more thing, kung tatanungin ka kung anong gusto mong inumin, ask for a bottle of soda." Dagdag niya.


"For what?" I asked.


"Just say na mahilig ka sa soda. Don't drink it though. Dalhin mo iyon paglabas mo ng unit nila. Let the Forensic Team inspect if it is contaminated with thallium."


Okay gets ko na kung ano ang gusto niyang mangyare. Kung sino man ang magbigay sa akin ng soda na may halong thallium ay posibleng siya rin ang killer.



"Just be careful, okay?" Sabi niya sa akin.


Bago ako dumeretso sa apartment ay bumili muna ako ng tatlong pizza. Binigyan ako ng pera nina Raven para pambili. Ibigay ko daw sa tatlong bibisitahin ko today para daw mas effective ang plano.


Pagkarating ko sa aking kwarto ay inayos ko muna ang mga gamit ko. After kong maayos ang mga ito ay dumeretso na ako sa una kong bibisitahin, si Cyndy.


Kumatok ako ng tatlong beses bago nabuksan ang pinto.


"Hello, ako nga pala si Wynzelle, bagong lipat dito. Ito nga pala pizza bumili ako kanina." Nakangiti kong sabi.


"Nice to meet you, Wynzelle. Tara pasok ka muna sa loob. Sakto nagbibake ako ng cookies." Pag aya niya sa akin.


Pumasok ako sa kanyang unit at napansin kong maraming paintings ang nakasabit sa kanyang dingding.


THE SLEUTHHOUND'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon