"What are you doing here?"
Boses ni Shinji ang umalingawngaw sa loob ng silid ng headquarters.
Pinunasan ko muna ang aking mga luha at pilit ngumiti bago humarap sa kanya.
"Ahh. I'm bored. Wala kasi akong magawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta dito kaso wala akong naabutan na tao dito kanina." pagpapaliwanag ko.
Umupo siya sa kanyang swivel chair at binuksan ang kanyang laptop.
"Lilipas din yang problema mo. Just don't think too much."
Sabi niya sa akin sabay abot ng kanyang laptop.
Sht. Nahalata niyang umiyak ako.
Kinuha ko naman iyong iniabot nyang laptop at nakita sa screen ang mga pictures sa crime scene.
"I'focus mo muna sa kaso ang utak mo. Just try to analyze every picture. Sabihin mo sa akin kapag may nakuha kang clue." sabi nya sa akin.
Inisa-isa kong tinignan ang mga larawan. Halos kinse minutos na akong naghahanap ng clue ngunit wala pa rin akong makita kahit isa.
This is useless.
"Wala akong mahanap na clue eh." Pag amin ko sa kanya.
"Tsk." Ayan lang yung sagot niya sa akin.
Eh sa wala akong mahagilap na clue eh. Ipakain ko kaya sayo 'tong laptop mo.
Ayan ang gusto kong sabihin sa kanya ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Dahil wala naman na akong magawa dun sa headquarters ay naisipan ko nalang umuwi. Hindi naman din kasi ako kinakausap ni Shinji.
Pag uwi ko sa bahay ay naabutan ko si daddy.
"Oh anak, dumating na pala yung letter galing sa school mo. Naenroll na kita. This monday na yung pasukan nyo."
"Thanks." Ayan lang ang sinabi ko sa kanya at dumeretso na ako sa aking kwarto.
Buong weekend ay ang tanging ginawa ko lang ay ang manuod at magbasa ng libro. Hindi pa naman ako pinatawag sa headquarters kaya nasa bahay lang ako maghapon.
Mabuti nalang at ngayong araw na ang pasukan. Maaga akong umalis ng bahay para hindi ko maabutan si daddy.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa aking first class nang makita ko si Mizzie na papunta sa B.A. Building.
Tinawag ko siya ngunit parang hindi nya ata ako narinig.
Pero imposible dahil malakas naman yung sigaw ko. Hindi ko na siya hinabol dahil baka malate pa ako.
Dumeretso nalang ako sa aking klase at sakto naman na wala pa yung prof namin.
Simula ng pagpasok ko dito kanina sa school ay nagsimula na rin ang pagmamanman ko sa mga tao sa paligid. I'm not an expert with this. Hindi naman kasi ako isang Psychology student kaya nahihirapan ako.
The environment seems normal naman. Kwentuhan doon, tawanan dito. Wala pa naman akong napapansing kakaiba ang kinikilos. Masyadong malawak ang school kaya hindi ko din masasabi na wala ngang kahina hinala dito.
Wait. May isa nga palang tao akong naisip na kanina pa weird ang ikinikilos. I don't know if she's just like that or kung may problema siya sa akin.